Sofia
"Si Mr. Collin si No Name at pinapaikot niya lang tayong lahat, lahat ng ito ay plano niya lalo na ang paggamit niya kay Jack para mapalapit tayo sa kanya at mapatay niya tayo, at ginamit niya rin si Dave para maging espiya niya, ginamit niya tayo para mapatay natin sa misyon ang mga taong tumitiwalag sa kanya, lahat tayo nagamit niya sa plano niya pero nasira ang plano niya nang dahil din kay Jack" Paliwanag ni Pablo sa akin habang nakatutok ang baril na hawak niya kay Mr. Collin, lahat ng ito ay plano ni Mr. Collin. Napatingin ako kay Dave, itinuring namin siya bilang isang kapatid pero trinaydor niya kami.
"Dave..." kinuha ko ang baril ko mula sa bulsa at itinutok ko sa kanya.
"Traydor ka!" Sigaw ko sa kanya, tumingin siya sa akin ng masama at kumuha pa ng isang baril sa bulsa niya para itutok sa akin. Ang baril ni Pablo ay nakatutok kay Mr. Collin at ang dalawang baril na hawak ni Dave ay nakatutok sa amin ni Pablo at ang baril ko ay nakatutok sa kanya, ngayon ay nasa gitna namin si Mr. Collin na napapaligiran ng mga baril namin.
Nagulat ako nang biglang bumunot ng baril si Mr. Collin at binaril si Pablo sa balikat. Ang bilis ng buong pangyayari, tinapat ko ang baril ko kay Mr. Collin at binaril naman ako ni Dave pero sa pader lang ito tumama. Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa akin ng masama. Asintado si Dave sa pagbaril kaya kung balak niya akong barilin ay natamaan niya talaga ako pero bakit hindi niya ginawa? Bigla na siyang tumakbo paalis.
"Sofia, Habulin mo siya!" sigaw sa akin ni Pablo, tumango naman ako sa kanya at hinabol ko si Dave. Nagkagulo ang mga nurse at pasyente sa hospital nang makita kaming tumatakbo at may hawak na baril. Napahinto ako sa may hagdan ng mga rooms at hinanap siya, lumingon lingon ako sa buong paligid para hanapin siya. At naramdaman ko na lang ang nakadikit na isang bagay sa likod ko.
"Sorry Sofia, pero hindi si No Name ang tunay na kalaban kundi si Pab---" nagulat ako nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril mula sa likod ko. Napalingon ako sa likod ko at nakita si Dave na nakahandusay sa sahig at naliligo sa kanyang sariling dugo at dilat na dilat ang kanyang mga mata.
Yvonne
Naglive muna ako sa trabaho para makapag pahinga at gusto ko rin hanapin si Mr. SquarePants dahil hindi kasi ako makapag pasalamat sa kanya ng personal sa binigay niyang SpongeBob na stuffed toy.
Pumasok ako ng loob ng kwarto ko. Nagulat ako nang makita ko si SpongeBob na sira dahil sa aking batang kapatid. Natanggal ang mga bulak sa loob nito at nakahandusay ito sa sahig.
"Anong nangyari sa'yo?" Kukunin ko na sana si SpongeBob pero kinuha ng kapatid ko at tinapon sa labas ng bintana.
"King! Bad!" Galit kong sabi sa kanya, nalungkot naman ang mukha niya at umiyak ng malakas. Hays! Kailangang patahanin ang bata, lumapit ako sa kanya ang kinarga siya.
"Ay, hindi naman joke lang 'yun ang bait bait kaya ang baby boy namin ang gwapo gwapo pa" sabi ko sa kanya. Hindi ko tuloy makuha ang SpongeBob dahil hindi na ako papaalisin ng kapatid ko dito.
Napatingin ako sa ulo niya na parang may umiilaw na kulay pula. Teka? Tumingin ako sa labas ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga sniper sa kabilang building na katabi ng building ang nakatutok sa amin. Ang daming pulang lacer na nakatutok sa amin ni King. Hindi ko pinahalata na hindi ko sila nakita at dali daling lumabas ng kwarto.
Sofia
Napatingin ako sa harap at nakikita ko si Pablo na tatakbo palapit sa akin. Ano kaya ang sasabihin ni Dave sa akin? Naalala ko ang lalaki na k-um-idnap kay Jack, may sasabihin din sana siya pero binaril siya ni Pablo.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Fuckboy
HumorRATED MEDYO SPG Nabubuhay ako sa magulong buhay pero mas gumulo pa ito nang makilala ko si Jack Collin ang boyfriend kong Fuckboy. Started: May 16, 2017 End: June 07, 2017 Credit to yoo_kurisoo