Chapter 11

6.5K 157 3
                                    

Sofia

"Bakit ka pala nandito?" Sabay naming tanong sa isat isa nagulat kaming dalawa at natahimik. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin ng kaloko loko.

"Dahil hindi tayo pinaghihiwalay ng tadhana" nakangiti niyang sabi sa akin at tumingin sa dagat.

"Alam mo naisip ko na sana parang alon ka nalang, para kahit ilang beses kang lumayo sa akin, babalik ka pa rin" at humampas sa paa namin ang alon.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Bakit sa dinami dami ng babae, bakit ako pa?" tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin. Ang seryoso ng mukha niya.

"Hindi ko alam, bigla ko na lang naramdaman" sabi niya sa akin. Ako rin, hindi ko rin kung bakit ngayon pa? Kung kailan nasa delikadong sitwasyon ako. Hindi ko rin alam kung bakit ikaw pa? Kahit hindi ko naman type ang katulad mo.

"Ikaw? Mahal mo ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko na para bang naghahabulan ang mga dugo na dumadaloy dito.

"Hindi ko alam" sabi ko sa kanya, napansin ko ang paglungkot ng mukha niya sa sinabi ko.

"Bigla ko na lang naramdaman" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko sa gulat, ang lungkot niya kanina ay napalitan na ng saya.

"Talaga? Whoo, yes! I love you Girlfriend, I love you I love you" masayang sigaw niya sa akin, nagulat ako nang bigla akong niyakap.

"I love you Girlfriend" sabi niya sa akin habang nakayakap.

"I love you too Boyfriend" sabi ko sa kanya at niyakap din siya ng mahigpit.

"Yan mahalin mo ako araw araw, ako na bahala sa'yo gabi gabi" tss, hindi talaga nawawala ang pagiging f*ckboy may bago ba dun?

Dave

Nakatingin lang ako sa kanila habang nakatayo dito sa malayo. Pinagmamasdan ang masayang mukha ni Sofia. Ngayon ko lang siya nakitang masaya ulit, simula nang namatay si Daniel dahil pinatay siya ng lalaking tinatawag na "No Name", ang founder ng Black Mafia. Siya rin ang nagpapatay sa mga magulang ni Sofia at magulang namin ni Pablo.

Kabilang si Mr. Ganda sa Black Mafia kaya nilooban namin siya, pero hindi namin siya pinatay dahil may pamilya, ayaw naming matulad sa amin ang mga anak niya, ang mawalan ng mga magulang.

Ngayon naman ay si Mr. Sanchez ang target namin ngayon at balak na patayin, para maging banta kami sa Black Mafia lalo na kay "No Name". Gusto naming iparamdam na parating na ang kanilang kamatayan. At katapusan na ng kanyang masasamang ginagawa.

Gumagawa rin kami ng mali para sa ikabubuti ng karamihan, gaya ng pagnanakaw sa kurap na politiko kagaya ni Mr. Ganda na miyembro ng Black Mafia.

Kaya kami sumali sa City hunters ni Mr. Collin dahil para makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga taong hinuhuli nila at nang makuha na namin 'yon at umalis na kami sa kanya, para na rin sa kaligtasan nila.

"Ang lalim yata ng iniisip mo SquarePants" nabalik ako sa reyalidad nang magsalita sa gilid ko ang isang babae. Nagulat ako nang makita ko ulit siya.

Tiningnan ko lang siya ng masama, at tinalikuran na siya. Aalis na ako, ayaw kong makita ang babae na ito. Naaalala ko kasi ang mga kwinento niya tungkol sa ginawa ko nang malasing ako.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon