Sofia
"Isubo mo na" tumingin ako sa itlog niya at tiningnan siya. Pero, kinunotan niya lang ako ng noo at sinenyasan ako na isubo ko na. Wala akong nagawa kundi sundin nalang siya.
"Boyfriend pwede bang next time nalang?" Hindi ko rin kasi kayang gawin dahil natatakot ako na baka masuka lang ako masyado kasi itong malaki.
"Gawin mo ito Girlfriend please, para sa akin." Hindi ko siya kayang tanggihan dahil mahal ko na rin siya at kailangan kong bumawi sa kanya. Linapit ko yung mukha ko dito at bawat segundo ay unti-unti kong napapansin yung amoy.
Ganito ba talaga ang amoy nito? Di ko na rin napigilang makita yung mga ugat. Kinilabutan ako pero sabi niya huwag ko na lang daw pansinin.Naipasok ko na sa bibig ko yung kalahati, di ko napigilang
mandiri dahil nararamdaman na ng dila ko yung pagkamasa-masa pati na rin yung ilang hibla ng buhok nito. Tumingin siya sa'kin na parang proud na proud siya sa
ginagawa ko.Sa sandaling naisubo ko na nang buo, nanlamig na yung buong katawan ko at di ko na rin napigilang iluwa ito. Dumura ako nang dumura hanggang sa mawala yung kakaibang lasa sa bibig ko.
Muli siyang tumingin sa'kin na para bang
nanghihinayang at sinabing..."Akala ko magagawa mo na, ilang beses na natin 'tong
sinusubukan 'di ba?" Medyo nalungkot ako sa sinabi niyang yun dahil nadama ko na medyo nabigo ko siya."Isang Balot pa po manong hanggat hindi mo mauubos ang Balot na ito, hindi kita papatawarin sa pang iiwan mo sa akin" nakapout niyang sabi habang bumibili ng balot dito sa labas ng beach.
Flashback
Nagulat ako sa pagiging agresibo niya. Huminto siya sa paghalik at tinitigan ang buong katawan ko na para bang may binabalak siyang gawin dito. Nagulat ako nang bigla niyang hubarin ang Sando niya.
At sinuot ito sa akin.
"Ang lakas din ng loob ng girlfriend ko na mag bikini kahit wala namang dibdib" hindi ko alam kung maiinsulto ako sa sinabi niya o kikiligin sa pagiging sweet niya nang isuot sa akin ang Sando niya para walang exposure.
"Iuwi mo na ako sa room ko, magkita ulit tayo bukas paparusahan kita dahil iniwan mo ako" sabi niya at tumayo na, hinawakan niya ang kamay ko at umakbay na sa akin. Kinaladkad niya ako palabas habang pagewang gewang siyang naglalakad.
End of flashback
At ito ang parusa, ang ipakain ang itlog na pinakaayaw ko sa lahat. Lumapit na siya sa akin habang hawak ang Balot.
"Tikman mo ulit ang itlog ko, ubusin mo 'yan kung hindi magtatampo ulit ako sa'yo" sabi niya sa akin.
"Tsk, pwede bang iba nalang parusa!" Iritable kong sabi sa kanya. Nginitian niya lang ako.
"Hindi, gawin mo na kasi Girlfriend, I love you" malambing na sabi niya sa akin. Tiningnan ko ulit itong balot at binuksan na. Pasalamat ka mahal kita, kung hindi. Hindi ko ito gagawin.
Dave
"Ano ba 'yan ang sakit ng ulo ko" sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa ulo ko. Sh*t parang binibiak ito sa sobrang sakit.
"Kape?" Nagulat ako nang bumungad sa harap ko ang isang babae na ngayon ko lang nakita hawak ang isang tasa ng kape at binigay sa akin.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at nagulat ako nang ipakita niya sa akin ang pinya sa gilid ko. Sh*t nakita niya siguro ang kabaliwan na ginawa ko nang malasing ako. Napansin ko na parang puyat na puyat siya dahil ang laki ng eyebags niya at nangingitim ito.
"Ako si Yvonne, nakita kita kagabi sa gitna ng dagat at mukhang magpapakamatay kaya niligtas kita kaya welcome, hindi ko alam kung anong number ng room mo para ihatid kita kaya tinanong kita kagabi kung saan ang room mo pero sinabi mo na kapit bahay ka ni SpongeBob, kaya dito nalang kita pinatuloy sa kwarto ko, 'wag kang mag alala dalawa ang kama nito at doon ako sa kabila natulog pero hindi ako nakatulog dahil salita ka ng salita habang natutulog ka, sinabi mo na si Mr. Crabs nalang ang hindi mo pa na nanakawan pero ok lang dahil hindi niya na magagamit ang pera niya dahil nasama na siya sa menu ng Pinoy seafood Restauhouse"
Pagkukwento niya sa akin, p*ta hindi ko inaasahan na mas malala pa pala sa inaasahan ko ang ginawa ko kagabi. Hindi ko nalang siya pinansin sa mga sinasabi niya at tumayo na. Babalik na ako sa room ko.
"Salamat pala, sana hindi ka nalang nag abala" sabi ko sa kanya at lumabas na ng room niya.
"Aba, ang suplado pala ni Mr. SquarePants, sige your welcome nalang" sabi niya sa akin. Sh*t! Ikaw kasi Dave alak pa more whiskey pa more, sex on the beach pa more. Hinanap ko ang room namin at nagulat ako nang makita ko na katabi lang pala ng room namin ang room ng babae na ito.
Pumasok na ako sa room namin at nakita ko si Pablo na pabalik balik sa CR. At nang makalabas ulit siya ng CR ay nakita niya ako at lumapit siya sa akin.
"Bro, napanaginipan ko kagabi sinuntok ko raw si Jack Collin at binaril gamit ang kamay ko ewan ko kung panaginip ba 'yon, pero kasi parang totoo" sabi niya sa akin.
"Wag mo nang isipin ang panaginip mo, gawin na natin ang misyon kay Mr. Sanchez" sabi ko sa kanya at kinuha ang laptop ko at tiningnan ang mga impormasyon tungkol kay Mr. Sanchez.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Fuckboy
HumorRATED MEDYO SPG Nabubuhay ako sa magulong buhay pero mas gumulo pa ito nang makilala ko si Jack Collin ang boyfriend kong Fuckboy. Started: May 16, 2017 End: June 07, 2017 Credit to yoo_kurisoo