Sofia
Hinanda at inayos ko na ang mga gamit ko para sa pag alis. Nandito na sila sila Dave at Pablo na naka-disguise para hindi na kami makilala. Nagresign na kami kay Mr. Collin dahil tapos na ang misyon namin sa kanya at ayaw namin siyang madamay sa mga gulong ginagawa namin.
Inayos ko ang sarili ko at nilagay na sa bulsa ko ang baril ko. Huminga ako ng malalim at inisip ang susunod na target.
Napansin ko ang bulaklak na binigay sa akin kagabi ni Jack. Tiningnan ko lang ito at inisip siya. Magpagaling ka Jack.
"Tapos ka na ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Pablo. Tumayo ako at nilagay na bulaklak na binigay ni Jack sa loob ng bag ko. Mahalaga na ito sa akin.
"Oo" sabi ko sa kanya at nagsuot na ng sombrero. Lumabas na kami ng bahay at naglakad papunta sa susunod na misyon.
Hindi na talaga tayo magkikita f*ckboyfriend sorry dahil hindi ko tinupad ang pangako ko. Mas mabuti na mawala ako sa buhay mo kaysa kaysa mapahamak ka nang dahil sa akin.
Iba ang buhay mo kaysa sa buhay ko, ikaw nabubuhay ka ng walang panganib sa paligid mo pero sa amin, baka siguro lahat ng segundo sa orasan ay oras ko na dahil maraming nagtatangka sa buhay namin lalo na sa akin.
Mga kriminal kami na pumapatay at nagnanakaw para sa ikabubuti ng lahat. Tss, kailan pa naging tama ang pagpatay at pagnanakaw? Hindi nga ito tama pero ito ang alam namin na nakabubuti, pumapatay kami at nagnanakaw para sa mabuting dahilan. Mga vigilante na pumapatay at balak patayin ng mga masasama. At may isang tao kami na hinahanap para paghigantihan.
Jack
Pumunta ako sa office ni Dad para tanungin kung pumunta ba sa kanya si Sofia. Nasasanay ang babaeng 'yon na umaalis nang hindi manlang nagpapaalam. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Dad na natayo at pinagmamasdan ang buong City. Hawak niya ang isang baso ng Rhum.
"Dad na--"
"Nagresign silang tatlo kaninang umaga" ano? Humarap sa akin si Dad at naglakad papunta sa table niya.
"Hindi na sila babalik pa dito, nagpaalam ba sa'yo ang Girlfriend mo?" Tanong niya sa akin. Nagulat ako nang sabihin niya 'yon.
"Teka? Alam mo ba kung saan sila pupunta? Yung contact number niya alam mo ba? Please sabihin mo agad please baka mapigilan ko pa siya" sabi ko sa kanya at tarantang hinanap ang mga files ni Sofia pero wala akong nakita kahit files ni Dave at Pablo.
"Wala na silang kahit anong impormasyon dito" nang sabihin niya 'yon ay nakaramdam ako ng pagkalungkot at inis. Nalulungkot ako dahil iniwan niya na talaga ako ng tuluyan at naiinis, naiinis ako sa sarili ko dahil sinubukan ko na namang magmahal at nasaktan ulit ako.
Pero ngumiti nalang ako sa sarili ko at inisip na babalikan niya ako, kahit hindi niya ako balikan tadhana ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami, kagaya ng nangyari nung nakaraan na iniwan niya ako pagkatapos naming magkita at kagabi na binalikan niya ako.
"Sige, hihintayin ko nalang ulit ang oras na magkita kami" sabi ko kay Dad at lumabas na ng office ni Dad.
"Ah, Jack" napalingon ako kay Dad nang bigla niya akong tawagin.
"Nasabi ko na sa'yo ang business namin ni Mr. Sandoval tungkol sa beach resort natin sa Batangas" napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Wag niyang sabihin na pupunta ako sa Batangas para tingnan ang resort namin at ipresent ang magagandang bagay doon. Ayaw ko munang umalis dahil baka balikan ako ni Girlfriend at pag nagpunta ako ng Batangas ay hindi na ako makita dito sa Makati.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Fuckboy
HumorRATED MEDYO SPG Nabubuhay ako sa magulong buhay pero mas gumulo pa ito nang makilala ko si Jack Collin ang boyfriend kong Fuckboy. Started: May 16, 2017 End: June 07, 2017 Credit to yoo_kurisoo