Chapter 14

5.4K 140 7
                                    

Sofia

"Hahahaha Laughtrip naman pala ang surname ng Dave na 'yan sabi ni Jack sa akin at tumawa ulit ng malakas dahil hindi siya makamove on sa apelyido ni Dave.

Binaba ko ang ang hawak kong kutsara at tinidor dahil tapos na akong kumain.

"Eh, ikaw?" Napatingin ako sa kanya at kinunotan siya ng noo. Hindi naman malaswa ang surname ko pero naiinis lang ako, may kapangalan kasi akong Disney princess at ayaw ko no'n.

"Hulaan ko ang buong pangalan mo? Sofia Lamdede pfft! Hahaha" napahampas siya sa sa mesa dahil sa sobrang saya niya, para siyang natatae na hindi nakahinga.

"Ha-ha-ha, Sofia Lamdede hahahaha" inulit niya pa, binatukan ko nga siya.

"Aray! Si Girlfriend talaga oh, hindi mabiro" sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sorry na girlfriend, ok lang naman sa akin kahit Lamdede ang apelyido mo hindi naman magbabago ang pagmamahal ko sa'yo" tss, tumayo na ako sa upuan ko at balak nang umalis.

"Ay, si Girlfriend gusto ng lambing sige lalambingin kita pero wag na sa gitna ng dagat baka tangayin ulit ng alon ang damit natin" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Bastos!"

"Bago ka umalis, lambingin mo muna ako malaki kama ko" sabay kindat niya sa akin.

"Baliw" sabi ko sa kanya at naglakad na paalis, naramdaman ko na parang hindi niya ako hinahabol. Aba! Hindi niya ako susuyuin? Bumalik ako sa loob ng restauhouse at tiningnan siya ng masama. Tumingin siya sa akin na parang bang nagiguilty. Tinalikuran ko siya at naglakad din paalis.

Naramdaman ko ulit na parang walang sumusunod. Tumingin ako sa likod, aba! Loko itong Jack na ito. Hindi niya ako sinusundan. Pumunta ulit ako sa restauhouse at pumasok sa loob.

"Hehe sorry nakalimutan kong magbayad" nakangiti niyang sabi sa waitress ng restau. Oo nga no? Tiningnan ko ang waitress na inabutan niya ng pera. Aba! Bakit ganyan ang titig sa kanya ng waitress.

"Enekebe, ekeleng nemen yen"

"Ah, ok salamat" tinalikuran niya na ang waitress at tumingin sa akin. Lumapit siya sa akin na may halong pagtataka.

"Ano bang hinahanap mo bakit pabalik balik ka dito?" Tanong niya sa akin, tiningnan ko siya ng masama at hinila palabas ng restau.

"Ang lagkit ng titig sa'yo ng waitress sarap dukutin ng mata" naiinis kong sabi sa kanya.

"Wag ka nang magselos, kung gusto mo hindi ko na siya lalapitan para sa'yo" nagulat ako nang akbayan niya ako at hinila na ako.

Yvonne

"Ok lang ako pwede na akong lumabas mamaya" sabi ko kay Mr. Joe sa cellphone ko.

"Kailan ka pa naging doctor para malaman kung ok ka na o hindi?" Sabi niya sa tawag

"Hindi naman nararamdaman ng doctor ang nararamdaman ko, sorry pala dahil hindi ko nagawa ang misyon ko"

"Mali ka agent Y, tagumpay ang misyon mo dahil si Mr. Sanchez ay isa pala sa mga tauhan ni No Name" si No Name? Si No Name ang taong matagal na naming hinahanap pero kahit anong impormasyon sa kanya ay wala pa rin kaming makita.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon