Chapter 18

6.2K 180 13
                                    

Sofia

Nakatutok kay Pablo ang baril na hawak ko at nakatutok sa akin ang baril na hawak niya.

"Lahat ba ng pinakita mo sa amin ay parte ng plano mo?" Naiiyak na tanong ko sa kanya habang nakatutok ang baril na hawak ko sa kanya.

"Oo pero hindi parte ng plano ko ang mahalin kita" sagot niya sa akin at umiwas ng tingin sa akin.

"At lahat ng minamahal ko ay namamatay" sabi niya sa akin at babarilin na sana niya ako pero may pumutok na baril mula sa likod ko at tumama ito sa kanyang kamay kaya nabitawan niya ang kanyang baril. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Mr. Collin na nasa likod ko at lumapit sa akin. Tumalikod si Pablo para kunin niya ang baril niya pero agad siyang binaril ni Mr. Collin sa likod. Natumba naman si Pablo sa sahig at kumalat ang dugo mula sa kanyang likod.

Tumingin ako kay Mr. Collin.

"Bakit mo ako niligtas?" Ngumiti siya sa akin.

"Dahil niligtas ako ng mama mo, hindi ko sila pinatay ang tunay na pumatay sa kanila ay ang ama ni Pablo" sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya, buong buhay ko ay pinaikot lang ako ni Pablo sa hindi makatotohanan na pinaniwalaan ko. Napaiyak na lang ako at niyakap si Mr. Collin.

"Sorry po sa lahat ng ginawa namin hindi namin alam" umiiyak kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng putok ng baril at ngayon ay nakikita ko si Mr. Collin na nanlaki ang kanyang mga mata at may lumabas na dugo mula sa kanyang bibig.

Napatingin ako sa direksyon ni Pablo, hawak niya ang kanyang baril at ibabaril sa akin pero itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko at binaril siya sa noo. Nanlaki ang mga mata niya at umagos ang dugo mula sa noo niya, unti unti siyang nasubsob sa sahig. Nakatingin ako kay Mr. Collin. Wala na siyang buhay pa.

Biglang dumating ang mga pulis kung kailan tapos na ang laban. Pinaligiran nila ako at nakatutok sa akin ang kanilang hawak na baril.

"Sofia Dapers ang isa sa mga most wanted dito, inaaresto ka namin sa salang pagpatay" lumapit ang isa sa mga pulis at pinosasan ako. Hinawakan nila ako at tinulak palabas, nadaanan namin ang room ni Jack at napansin ko nagkakagulo ang mga doctor at nurse sa loob.

Napatingin sa akin ang mga kaibigan ni Jack na nagtataka at nag aalala sa akin.

"Sofia..." tanging sambit ni Theo nang makita ako na hawak ng mga pulis.

"Sofia, si Jack nag 50-50 na kailangan ka niya" sabi ni Steven sa akin pilit ko mang sabihin sa mga pulis na wala akong kasalanan at kailangan ako ni Jack pero hindi nila ako papakinggan tanging pagtulo lang ng luha ang aking nagawa. Lumabas na kami sa hospital at pinasok na ako sa police car.

Pagkatapos ay nakarating na kami sa presinto at pinicturan na ako saka kinulong sa kulungan. Kailangan kong makatakas dito.

Makalipas ang apat na araw ay hindi pa rin ako makakatakas sa kulungan hanggang sa nakahanap ako ng tyempo at hating gabi ay nakatakas na ako. Agad akong pumunta sa bahay ni Jack at nakikita ko ngayon ang burol ni Jack Collin. Halos madurog ang puso ko nang malaman ko na patay na pala siya. Sobrang sakit, lahat na lang ng mahal ko ay namamatay. Gusto ko mang pumasok sa loob ay magugulo ko pa sila. Napaatras nalang ako dahil ayaw ko na ng gulo.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon