Sofia
Pumasok kami sa loob ng bar at kitang kita namin ngayon ang mga taong sumasayaw habang nakabikini ang mga babae at nakatop less lang na mga lalaki. Kahit gabi halatang summer na summer parin dahil ang hot nila. Napatingin ako kay Pablo, kaya pala kahit gabi na ay nakashades parin siya. Tsk! Alam na. Pumunta kami sa counter at pinagmasdan ang mga taong enjoy na enjoy sa pagsasayaw.
"Dalawang sex on the Beach" sabi ni Pablo sa bartender. At sinunod naman ng bartender ang sabi niya at binigay sa kanilang dalawa. Mukhang balak talaga nilang maglasing pero sana naman makontrol nila dahil ako ang kawawa pag uwi, ang bigat kaya nilang dalawa.
"Ikaw Fia?" Tanong sa akin ni Dave at ininom ang alam na hawak niya.
"Margarita" sabi ko sa bartender at umupo sa tabi nila. Napatingin naman ako kay Pablo, mukha siyang bulag dahil kahit gabi ay nakashades siya.
"Pwede mo bang tanggalin ang shades mo? Mukha ka kasing tanga alam mo 'yon?" Iritable kong tanong sa kanya, napansin ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.
"Mind your own business Sofia, diskarte ko ito sa mga chikababes" sabi ni Pablo sa akin, tsk! Diskarte para magmukha siyang tanga.
Napatingin ako sa dance floor para panoorin ang mga nagsasayawan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jack na sumasayaw sa Dance floor hawak ang isang baso ng alak. Paanong? Pinikit ko ang mata ko at dahan dahang dinilat at pagkatingin ko ay wala naman. Wow, tsk hallucination na naman pala. Namimiss ko na kasi siguro siya.
Tumingin ako kila Pablo at Dave. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang naubos na bote ng sex on the beach sa harap nila. Napatingin ako sa bartender.
"Nakailang shots na sila?" Tanong ko sa bartender.
"6 shots silang dalawa, parang ginagawa lang nilang tubig ang alak" sagot niya sa akin. Tumingin ako kay Pablo at Dave na nakangiti at naniningkit na ang kanilang mga mata, mukhang lasing na sila.
"Ok lang Fia, hindi pa naman kami lashing" nakangiti na para bang high na high na sabi ni Pablo sa akin. Napakunot nalang ako ng noo sa sinabi niya.
Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko at balak ko na yata ngayon na mag CR.
"Kayong dalawa, aalis na muna ako diyan muna kayo babalik din ako" sabi ko sa kanila at nagmadaling lumabas ng bar.
Jack
Aray, ang sakit ng pagbagsak ko dito sa floor. Sh*t nahihilo ako ang lakas pala ng tama ng whisky na ininom ko. Tumayo ako at pagewang gewang na naglakad papunta sa counter. Napansin ko ang babaeng naglakad palabas ng bar. Doon ako uupo sa inupuan niya.
Tumingin ako sa gilid ko at tiningnan ang lalaki na katabi ko. Tumingin din siya sa akin, ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin. Tumingin ako sa dance floor pero naalala ko na may kamukha ang lalaki na ito. Tumingin ulit ako sa kanya. Ganon din siya sa akin, ngumiti ako at nginitian niya rin ako, wala naman siguro. Tumingin ulit ako sa dance floor at naalala ko nanaman ang kamukha niya. Meron talaga, tumingin ulit ako sa kanya at ngayon ay nakatingin siya sa akin at nakangiti.
"Nagkita na ba tayo?" Naniningkit na matang tanong ko sa kanya.
"Ngayon lang, pero may kamukha ka" sabi niya sabay turo sa akin at inom ng alak niya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Fuckboy
HumorRATED MEDYO SPG Nabubuhay ako sa magulong buhay pero mas gumulo pa ito nang makilala ko si Jack Collin ang boyfriend kong Fuckboy. Started: May 16, 2017 End: June 07, 2017 Credit to yoo_kurisoo