Chapter 6

7K 255 20
                                    

Sofia

"Go, Blue team go go Blue Team" pagcheer ng mga babae sa kabilang team. Nagsimula na ang laban at ngayon ay nasa blue team ang bola.

Icheer mo ako ah, 'wag kang mawawala sa paningin ko


Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jack sa akin, hindi ko alam kung bakit apektadong apektado ako sa sinabi niya. Nakita ko na nasa kanya na ang bola at tumingin siya sa direksyon ko. Teka? Anong ichecheer ko sa kanya? Tiningnan niya ako ng masama pero naagaw ng kalaban ang atensyon niya pero hindi niya parin pinabayaan ang bola sa kanya. Napansin ko ang tilian ng mga babae sa kanya. Aba! Sinong nagsabi na pwede siyang tilian?


Tumayo ako at tumingin sa kanya. Pinorma ko ang sarili ko para sa pag cheer sa kanya.

"GO PAKBOYFRIEND, GO GO PAKBOYFRIEND!" Cheer ko sa kanya at sumayaw sayaw. Napansin na ngumiti siya sa akin at shinoot ang bola.

At sakto namang nagshoot sa ring kaya 2 points. Tinuro niya ako at nag form ng heart gamit ang dalawang kamay niya at tinapat niya ito sa dibdib niya.

Nararamdaman ko nanaman ang kakaibang feeling na siya ang dahilan. Tss, kung ano ano ang nararamdaman mo Sofia sa kanya.

Nasa kalaban na ang bola at naman ito ni Theo. Nagtilian din ang mga babae kay Theo, gwapo rin kasi si Theo, kung malandi ka titili ka rin sa kanya. Napatingin ako kay Top na para bang sasabog sa galit nang marinig niya ang mga nagtitilian kay Theo.

"Go, mahal kong pangit I love you!" Sigaw ni Top kay Theo, tumingin naman si Theo sa kanya at ngumiti.

"I love you too, mahal kong pangit" sagot naman ni Theo at bumalik ang atensyon sa kalaban. Tiningnan niya ang mga babaeng tumitili kay Theo na ngayon ay masama na ang tingin sa kanya.

"Bleh!" Pang aasar niya sa mga ito. Natawa naman ako sa kanya.

Makalipas ang mga minuto ay third quarter na, mukhang pagod na pagod na sila. Nag time out muna para makapag pahinga sila. Lumapit sa akin si Jack, at binigyan ko siya ng tubig. Napatingin ako kay Top at kay Theo, pinupunasan ni Top ng pawis si Theo. Kinuha niya ang tubig at ininom.

"Ang sweet naman ni Mahal kong pangit" sabi ni Theo habang pinupunasan siya ni Top. Napatingin ako sa towel ni Jack at pinunas sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko at ngumiti.

"Ang swerte ko talaga sa'yo Girlfriend" sabi niya sa akin, ngumiti naman ako sa kanya, hindi ko alam pero sumasaya ako kapag tinatawag niya akong girlfriend.

"Ay, ang sweet naman kailan kaya ako magkakaroon ng girlfriend na ganyan?" Tanong ni Simon sa amin.

"Tss, maghanap ka na kasi ng lovelife mo" sabi sa kanya ni Steven.

"Hindi hindi hinahanap ang lovelife, dahil kusa siyang dumarating" sagot naman ni Simon.

"Bakit hindi pa siya dumadating? Baka kasi walang kang lovelife, wala kang forever" pang aasar ni Steven sa kanya.

"Tss, loko" sagot nalang ni Simon sa kanya.

"Girlfriend, malapit nang matapos ang game 'wag kang mawawala icheer mo lang ako" sabi niya sa akin. Malapit na akong umalis. Napatingin ako sa relo ko 10:05 na, sh*t! Malelate pa yata ako.

"Oo, Boyfriend mag cCR lang ako" sabi ko sa kanya.

"Sige bumalik ka ah" sabi niya sa akin, tumango naman ako sa kanya.

"I love you girlfriend" nakangiti niyang sabi sa akin, nang sabihin niya 'yon ay naramdaman ko nanaman ang kakaibang feeling. Napansin ko na naghihintay siya ng isasagot ko. Anong isasagot ko?

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon