Chapter 5

7.7K 237 27
                                    

Jack

"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa bench at pinagmamasdan ang mga magagandang tanawin dito sa park.


"Masaya kahit wala ka na" napangiti naman sa siya sa sinabi ko, hindi ko inaasahan na 'yon ang magiging reaksyon niya inaasahan ko pa naman na maiinis siya at malulungkot.


"Mabuti 'yan, masaya ako para sa'yo"nakangiti niyang sabi sa akin na ikinalungkot ko.


"Ikaw ba? Masaya ka ba sa kanya?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.


"Oo, masaya ako na pinagsisilbihan siya" sabi niya sa akin.
Malulungkot na sana ako sinabi niya pero naalala ko si Girlfriend, hindi dapat ako maging malungkot dahil masaya ang ex ko, dapat maging masaya ako dahil masaya na siya at masaya na rin ako kay Girlfriend.


"Napakaswerte niya dahil mas pinili mo siya kaysa sa akin" sabi ko sa kanya.


"Mas maswerte ka dahil sigurado akong mas higit sa akin ang nagpapasaya sa'yo ngayon, sana maging masaya kayong dalawa, kahit may problema at malalagpasan niyo nang magkasama at sana siya na talaga ang para sa'yo" sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.


"Tss, kaya hindi ka para sa akin dahil masyado kang mabuti para maging akin" biro ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Tiningnan ko siyang mabuti, ibang iba na talaga siya. Hindi ba siya naiinitan sa puti niyang kasuotan na hanggang dulo ng buhok niya at hanggang paa niya?


"Sige, pupunta na ako ng kumbento ito na yata ang huli nating pagkikita dahil aalis na ako papunta sa ibang bansa para paglingkuran ang mga nangangailan at paglingkuran siya, sana ayusin mo na ang buhay mo para sa kanya at para sa'yo para narin sa babaeng mamahalin mo" ngumiti ako sa kanya, tumayo na siya at tumayo na rin ako. Nagyakapan kaming dalawa at pagkatapos ay naglakad na siya paalis.


Siguro nga Tina, kailangan kong ayusin ang buhay ko lalo na't nakita ko na ang babaeng para sa akin. Hindi kita makakalimutan, Tina Moran.

Sofia

Gabi na, pero wala parin si Jack, hindi ako sanay na hindi na ko siya nakikita kahit nagkita na kami kanina. Ewan ko ba? Ang weird hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya.


"Hi Girlfriend" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jack sa likod ko, agad akong napalingon sa kanya. Nakita ko na nakapangbasketball outfit siya, red ang kanyang uniform na may nakalagay na Red Players, wow pinag isipan ang pangalan ng team nila ah. May binigay siya sa aking paper bag.


"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.


"Paper bag" nakangiting sabi niya sa akin.


"Yung nasa loob" sabi ko sa kanya aba pinipilosopo ako nito.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon