Chapter 7

6.3K 230 20
                                    

Sofia


Bigla akong nakaramdam ng pagkaguilty nang makita siya, pero hindi ko naman kasalanan ang nangyari sa kanya dahil hindi ko naman sinabi na hintayin niya ako, pero dahil sa akin kaya siya naghintay.

Nanatili lang kaming magkayakap habang nababasa ng ulan. Naramdaman ko na parang nanginginig siya sa lamig.


"Girlfriend, I love you" narinig kong sabi niya sa akin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ito nanaman ang wirdong pakiramdam. Nagulat ako nang matumba siya sa akin. Sh*t ang bigat niya.


"Oy, boyfriend, boyfriend" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot.


Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mr. Collin at tinawagan na nga siya. Nang tawagan siya ay pinaliwanag ko naman ang lahat sa kanya at pagkatapos ay agad din kaming sinundo ng driver at mga gwardiya niya.


Nakarating na kami sa bahay nila, magkasing laki lang ito ng bahay ng kaibigan niya na si Theo.


"Ma'am kami na po ang bahala kay Sir Jack" sabi ng maid niya at kukunin na sana ito sa akin pero bigla akong niyakap ng mahigpit ni Jack.


"Hindi, si Girlfriend ang mag aalaga sa akin" sagot niya sa mga maid habang nakayakap sa akin.


"Pero sir..."


"Ok lang sa akin, nasaan ba ang kwarto ni Jack?" Tanong sa mga maid na nandito.


"Sumunod po kayo" sumunod naman ako habang buhay buhat ang parang linta kung makakapit na si Jack.


Nakarating na kami sa loob ng kwarto. Ang laki ng kwarto niya at ang linis. Sa bagay may mga maid pala sila na naglilinis.


"Pakihanda nalang po ng mga damit na pamalit ni Jack" sabi ko sa kanila, tumango nalang sila sa akin at umalis. Tumingin ako kay Jack na nakaupo sa upuan at maputlang maputla at nanginginig sa lamig. Mukhang magkakasakit siya nang dahil sa akin.


"Girlfriend, nilalamig ako kailangan ko ng pampainit" naniningkit na matang sabi niya sa akin.


"Sige mamaya kukumutan kita ng makapal na kumot" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. Naalala ko ang game nila.


"Kamusta nga pala ang laro niyo kanina?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya.


"Natalo kami dahil malaking kawalan ka, lalo na sa akin" natalo sila? Sobrang naguilty ako nang malaman ko 'yon.


"Sorry" malungkot na sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon