Chapter 2

5.9K 150 19
                                        

*****

"Pasensya ka na dito huh, maliit lang saka masikip."

"Mag isa ka lang bang nakatira dito?" Tanong ko.

Totoo ang sinabi nya, maliit at masikip nga ang bahay nya. At bukod pa don, madilim, magulo at nakakatakot din ang pwesto ng bahay nya. Literal kasi na nasa ilalaim ito ng tulay. Hindi ko alam kung paano ito nagawa at naisabit dito. Kinailangan pa naming dumaan sa nakasabit na hagdanan para lang makapasok.

"Wala akong kasama dito, wala na kong pamilya." Sagot nya.

Nasa isang sulok sya habang binubuksan ang kalan nyang de gaas, nakakita na ako noon sa ampunan kaya alam ko kung pano iyon gamitin.

Ibinaba ko na lang ang kanina ko pa dala dalang bag sa sahig at saka naupo sa isang sulok. Wala naman syang sofa at sa tingin ko ay hindi magkakasya ang sofa dito sa sobrang liit.

Medyo malamig sa bahay nya. Naaamoy ko rin yung alat ng ilog mula dito. Kung may nagustuhan man ako dito sa bahay nya, siguro yung tunog ng daloy ng ilog sa ilalim namin. Nakaka-relax kasi sa pandinig.

Matapos nyang magbomba ng kalan at pasingawin ang kaunting hangin ay sinindihan nya na ito gamit ang posporo na kinuha nya mula sa isang nakausling kahoy sa dingding.

Merong maliit na ilaw na nakasabit sa itaas namin, hindi ko nga lang alam kung saan nanggaling ang kuryente dahil wala naman akong nakikitang saksakan ng kuryente dito o kahit na anong appliances.

"Nagugutom ka na ba? Magsasailang ako ah. Buti binigyan tayo ng ulam ni Ateng nurse dun sa health center kanina." Saad nya at saka umupo sa katapat kong kanto.

"Paano ka ba napadpad dito Ram Ram?" Tanong nya ulit.

"Ram Ram?" Paguulit ko pa sa tinawag nya sakin. Ram lang ang pangalan ko at sya pa lang ang unang tao na tumawag sakin ng ganun.

"Oo Ram Ram, bata pa naman tayo kaya mas bagay sayo ang Ram Ram."

"Galing akong ampunan sa Batangas." Sagot ko.

"Ang layo nun ah? Pano ka napunta dito sa Maynila? Wala ka bang kasama? Tama nga ako na naglayas ka?"

"Hindi ako naglayas, tumakas ako." Depensa ko.

"Pareho din yun, umalis ka, tumakas ka, naglayas ka. Pero sa bagay naiintindihan naman kita, galing din ako sa ampunan, tumakas lang ako nung anim ng taon na ko. Di ko magawa ang mga gusto ko dun eh, hanggang sa mapadpad din ako dito sa Maynila."

"Ibig sabihin galing ka din sa ampunan?"

"Oo, pero matagal na yon. Nasanay na rin akong mabuhay dito. Ikaw, bakit ka umalis ng ampunan?"

"Halos kapareho lang din ng dahilan mo." Sagot ko.

Tumayo naman sya saglit para tingnan yung niluluto nyang kanin pagkatapos ay bumalik ulit sa tabi ko.

"Ano to?" Tanong nya.

"Bayad ko para sa pagpapatuloy mo sakin dito." Sagot ko habang inaabot parin sa kanya ang isang saang piso.

"Itago mo na lang yan. Hindi naman kita pinatuloy dito para perahan."

Ibinalik ko na lang sa bag ko ang pera at saka tumingin sa labas ng bahay nya. Sobrang lawak ng ilog, pano kaya kapag bumigay itong bahay nya? Hanggang saan kaya ako aanurin?

"Salamat pala ulit sa pagliligtas mo sa buhay ko kanina huh?" Saad nya habang inilalalabas sa bulsa nya ang inhaler na galing sa health center at saka ito itinabi sa isang sulok ng bahay nya.

"Niligtas mo rin ako kanina, hindi mo lang alam."

"Pano naman kita naligtas?" Seryosong tanong nya at saka iniunat ang mga binti nya sa sahig at saka minasahe gamit ang kamay nya.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon