*****"Ram Ram gusto mo bang mag aral ulit? Nakita kasi kita kanina, nakatingin ka dun sa mga estudyante dun sa nadaanan nating school?" Tanong sakin ni Raon pagkauwi namin sa bahay nya. Sumama kasi ako ngayong magtinda ng dyaryo sa kanya para may pambili kami ng pagkain ngayong araw.
Bilib din ako sa pagiging madiskarte ni Raon, nakaya nyang mabuhay mag isa ng walang sumusuporta sa kanya. At ang mas nakakabilib pa ay galing lahat sa mabuti at marangal na trabaho ang perang kinikita nya.
"Uhm, ikaw gusto mo bang mag aral?" Lingon ko pa sa kanya.
"Ikaw nga ang tinatanong ko kung gusto mong mag aral eh. Kaya naman kasi nating gawan ng paraan yon. Maraming libreng eskwelahan dito. Nanghihinayang kasi ako, ang talino mo pa naman tapos imbes na nagaaral ka, nagtitinda ka ng dyaryo."
"Marami pa lang libreng eskwelahan dito, bakit ikaw ayaw mong mag aral?"
"Hindi naman ako matalino kagaya mo eh."
"Raon di naman kailangang matalino para mag aral. Karapatan ng lahat ng tao ang makapag aral. Saka sino may sabing hindi ka matalino? Alam mo bang isang taon pinagaaralan ang pagsusulat tapos ikaw isang araw lang natutunan mo na agad."
"Bola mo pa ko. Sige na nga pag isipan ko yan." Sagot nya.
"Basta pag nagkaroon ka ng pagkakataon, mag aral ka. Yung laging sinasabi sakin ni sister dati na yung edukasyon lang yung madadala kong kayamanan hanggang sa pagtanda ko at sa mamatay na ko. Yung mga materyal na bagay daw kasi hindi naman madadala sa langit."
"Alam mo Ram Ram bilib din ako sayo kasi pinapakinggan mo talaga yung mga pangaral sayo tapos sini-share mo pa sakin. Sigurado ako magiging successful ka na tao balang araw. At kapag nangyari yon, nandito lang ako sa likod mo, masaya para sayo."
"Drama ka na naman. Luto na ba yan?"
"Sira ka, kanina pa luto yung pagkain nung binili natin." Natatawang sagot nya.
"Ram Ram mamaya may praktis kami ng sayaw sa plaza, may contest ulit kasi kaming sasalihan. Sabi ko isasali kita huh?"
Napahinto naman ako sa pagkain at saka napangiwi.
"Baliw ka Raon alam mo namang mas matigas pa sa bato ang katawan ko tapos isasali mo ko dyan. Saka bakit ang dami mong niluto na longganisa? Birthday mo ba?"
"Kasi nga may practice nga tayo ngayon kaya kailangan kumain tayo ng marami. At saka sumali ka na Ram Ram, para maging kaibigan mo na din sila. Tuturuan naman kita eh."
"Bahala ka na nga. Pag talaga kayo natalo wag mo kong sisisihin." Sagot ko.
"Kelan naman kita sinisi? Ikaw pa ba, malakas ka kaya sakin. Pero pagkatapos kumain turuan mo muna ako magsulat kahit sandali Ram Ram huh? Kain na tayo oh."
"Ang galing mo na kayang magsulat. Parang high school ka na nga din eh. Alam mo Raon tingin ko talaga matalino ka. Dapat ikaw ang tinatanong ko kung gusto mo bang bumalik sa pag aaral eh."
"Babalik ako kung babalik ka din sa pag aaral. Gusto mo ba na may sili yung suka Ram Ram?"
"Kalahati lang."
"Hilig mo talaga sa kalahati Ram Ram." Sagot nya habang hinahati yung sili.
"Nasanay kasi akong laging may kahati."
"Sige, simula ngayon ako naman ang laging magbibigay ng kalahati ko sayo." Sagot nya.
"Anong kalahati?" Tanong ko.
"Basta kahit ano. Ibibigay ko sayo ang kalahati kung anong meron ako. Kahit nga kidney ko kaya ko sigurong ibigay sayo yung kalahati eh." Natatawang sagot nya.
