Chapter 12

3K 102 15
                                        

"Naalala mo Ram Ram nung una kitang nilapitan? Dito rin yun sa kalsada habang naghihintay kang makatawid." Si Choc ng makalapit na ko sa tabi nya. Naghihintay na lang kami ngayon ng tamang oras para makatawid.

"Naalala ko." Sagot ko.

"Hindi mo pa nga ako pinapansin nun, yun pala may nakapasak dyan sa tenga mo. Sorry kung nakulitan ka sakin nuon huh? Yun lang kasi yung way ko para makausap at maging kaibigan ka. Napakasungit mo pa naman nuon." Si Choc sabay akbay sakin at saka kami sabay na tumawid.

"Kilala mo na pala ako noon, bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Tanong ko.

"Parang sinagot ko na yang tanong mo na yan. Pero dahil malakas ka sakin, sasagutin ko ulit. Yun na nga, natatakot kasi ako na baka hindi mo na pala ko naaalala. Baka ako lang yung assuming na tinuring mo talaga kong kaibigan at pamilya dati. Pero napatunayan ko naman na ikaw pa rin yung Ram Ram na nakilala ko dati, yung batang tahimik pero madaldal kapag gumaan na ang loob nya sa isang tao, yung Ram Ram na maraming pangarap, yung Ram Ram na mapagmahal kahit hindi halata. San mo gustong kumain?" Tanong nya pagkatawid namim sa kabilang kalsada.

"Sa Little Angel Cafe?" Tanong ko.

"Uhm, malayo dito yon eh." Sagot nya.

"Sabi mo malapit lang dito?"

"Lumipat na sila kanina lang. Saka hindi sila nagseserve ng rice dun. Parang gusto kong kumain ng maraming kanin ngayon."

"Sira ka, ayaw mo lang akong ilibre eh. Sige na treat ko naman eh." Pilit ko pa sa kanya.

"Sige, pero next time na lang. Parang gusto ko talagang kumain dito eh." Si Choc sabay hila pa sakin sa loob ng nadaanan naming fast food chain.

"Alam mo bang masama sa kalusugan kapag puro sa ganitong lugar ka kumakain?" Tanong ko pagkaupo ni Choc sa harapan ko. Dala nya na rin ang mga inorder nyang pagkain namin. Kanina pilit ko pang binibigay sa kanya yung bayad ko para sa kakainin ko pero ayaw nya talagang kunin.

"Hindi naman tayo araw araw kumakain dito ah? Saka kapag gabi naman nagluluto ako dun sa bahay natin." Sagot nya.

"Maka angkin ka ng bahay huh?"

"Sakin din naman na yung bahay mo saka sayo na din yung bahay ko." Sagot nya habang hinahati sa gitna yung tuna pie.

"Bakit hinahati mo pa yan? Dalawa naman yung tuna pie na binili mo ah?" Tanong ko.

Natigilan naman sya dahil sa tanong ko.

"Oo nga, nasanay lang. Teka hatiin ko na din yung isa." Natatawang sagot nya at saka binigay sakin yung dalawang kalahating tuna pie.

"Bakit ka tumatawa dyan? Alam mo Ram Ram minsan natatakot na talaga ko sayo huh? Sabihin mo lang sakin kung sinasaniban ka na ng itim na dwende para alam ko naman kung kelan ako iiwas sayo." Si Choc na nagsisimula ng kumain.

"Hinati mo pa kasi yung tuna pie, eh dalawa din naman binigay mo naman sakin." Sagot ko.

"Nasanay lang ako Ram Ram, here kumain ka ng marami. Nangangayayat ka na. Wala na akong mayakap sayo kapag gabi."

"Uhm, Choc?"

"Bakit?"

"Pwedeng hindi na lang ako magpa check.."

"No, magpapacheck up ka bukas, sasamahan kita. Check up lang naman yon Ram Ram hindi ka naman ico-confine."

"Kukuhanan ako ng dugo, hindi mo ba alam na ang sakit tumusok ng karayom?" Tanong ko.

"Ram Ram araw araw kitang tinutusok ng karayom hindi naman masakit diba?"

"Iba naman yon, maliit lang yung karayom sa insulin pen, yung karayom na pangkuha nila ng dugo singlaki ng straw ng zesto."

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon