Prologue: Maselang Bahaghari

15.5K 238 13
                                        

Paano kita mapapanatili?

Paano ka hindi mawawala sa paningin ko?

Ang ngiti mong nakakapag pagaan ng pakiramdam ko.

Ang ngiti mong nakakatunaw ng puso ko.

Ang ngiti mong inaabangan ko sa tuwing sasapit ang hapon.

Ang ngiti mong tumatagos hanggang sa mga mata mo.

Ang ngiti mong napakailap mong ibigay sa kahit na sino.

Ang ngiti mong napakatagal  na panahon na ang lumipas ng huli kong masilayan.

Ang ngiti mo ay ang aking Maselang Bahaghari.

*****

"Ako nga pala si Choc."

Napahinto naman ako sa paglalakad dahil kailangan kong tumawid at hindi pa ito ang tamang oras para maglakad sa gitna ng kalsada.

"Magkatrabaho tayo, magkatapat nga yung table natin eh."

Tiningnan ko ang orasan ko, may 25 minutes na lang ako para kumain ng lunch.

"Matagal ka na bang nagtatrabaho dito? Kasi tinitingnan kita kanina parang kabisado mo na lahat ng ginagawa mo."

Dumating na ang timer sa zero kaya nakisabay na rin ako sa isang kumpol ng mga tao na tumatawid din kagaya ko.

"San ka kakain? Pwede bang makisabay sayo? Wala kasi akong kakilala saka hindi ko pa alam yung mga kainan dito. Bago lang kasi, second day ko palang ngayon sa work."

Pumasok lang ako sa isang fastfood chain at saka dumiretso sa counter. Sumama lang ang paningin ko ng may humugot ng earphone mula sa tenga ko.

"Maselang bahaghari by eraserheads, favorite ko din 'to. Kaya pala kanina pa ko salita ng salita pero di mo ko pinapansin may nakatapal pala dyan sa tenga mo."

"Kanina pa kita naririnig, wala lang talaga akong panahong makipagusap sayo." Sagot ko at saka hinatak ang earphone ko mula sa tenga nya. Ang ayoko sa lahat ay ang pinapakialaman ang mga gamit ko lalo na ng mga taong hindi ko naman kakilala.

"Ang hard mo naman. Nakikipagkilala lang ako. Ako nga pala si Choc."

"One hot choco. Wag mo munang ilagay yung sugar." Order ko sa counter.

"Tanghaling tapat hot choco?"

Lumingon lang ako sa kanya at saka binigyan ng masamang tingin. Pansin ko na napaatras sya ng bahagya at kita ko rin ang paglunok nya. Tama yan, gusto kong natatakot sakin ang mga tao.

"Gusto mo lagyan natin ng ice yang hot choco mo?"

Kinuha ko lang ang isang tray kong pagkain kasama ang hot choco at saka naupo sa pang isahang mesa.

"Alam mo bang Choco ang totoo kong pangalan?"

Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko na naman ang boses nya. Kumuha pala sya ng upuan at umupo sa harap ko. Punong puno na tuloy ang maliit kong mesa sa dami ng inorder nya.

"Here, parang ang konti kasi ng inorder mo, baka magutom ka nyan, sabi pa naman ni Maam Elha mahilig ka daw mag overtime."

"Hindi pwede sakin yan." Maikling sagot ko at saka ibinalik sa pwesto nya yung pagkain.

"Ano ka ba? Magugutom ka nyan. Hot choco, tuna pie na hinati mo pa sa gitna at dalawang plastic ng skyflakes? Baka mamaya himatayin ka nalang dahil sa gutom."

"Diabetic ako."

"Ganun ba? Alam mo mabisa daw sa diabetes ang ampalaya. Gusto mo order kita sa pantry natin? Parang may nakita nga akong ginisang ampalaya dun eh."

"Bakit ba ang daldal mo?" Sabay tayo ko at dinala ang mga pagkain ko para lumipat sa kabilang mesa.

"Buti naman mas malaki na yung table na nilipatan mo, kasya na ang mga pagkain natin. Here, binili kitang ampalaya."  Sabay upo nya sa harapan ko.

*****

At ngayong nakita na kita,

Hindi na kita pakakawalan pa.

Mahirap mabuhay kung wala ang mga ngiti mong ganyan.

Dahil ang mga ngiti mo ay aking, Maselang Bahaghari.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon