*****"Ram Ram ang galing nitong bagong drawing mo. Pano ka natutong magdrawing nga pala?" Tanong sakin ni Raon. Nandito kami ngayon nakaupo sa plaza habang nagpapahangin.
"Hindi ko alam, nung bata pa lang ako mahilig na talaga akong magdrawing."
"Dapat lagi mong papraktisin yang talent mo na yan kasi gift sayo yan. Pakiramdam ko nga magiging successful ka dahil sa talent mo na yan eh."
"Ikaw din Raon, lagi mong papraktisin yung talent mo sa pagsasayaw. Malayo din ang mararating mo dyan." Ngiti ko pa sa kanya.
"Sus bola ka pa Ram Ram. Pero Ram Ram kung papasok ka sa college, anong course ang gusto mong kunin?"
"Ako? Siguro kung hindi doktor, gusto ko maging engineer." Sagot ko.
"Anong klaseng engineer? Diba madaming klaseng engineer?"
"Uhm, chemical engineer parang si Sister, yung nag alaga sakin. Ganun rin daw kasi yung course nya bago sya pumasok sa kumbento."
"Parang mahirap yung chemical engineer Ram Ram. Diba yun yung mga gumagawa ng gamot?"
"Parang ganun na nga. Eh ikaw? Anong course ang gusto mong kunin?"
"Siguro kahit ano basta tungkol sa computer. O kaya naman gusto kong maging chef para bukod sa corned beef marami na kong pwedeng iluto at ipakain sayo." Natatawang sagot nya.
"Ayos yan Raon, isasama ko yan sa mga prayers ko."
"Weh?"
"Oo isasama ko talaga sa mga dasal ko yang pangarap mo."
"Nagdadasal ka? Parang hindi naman kita nakikitang nagdadasal pag gabi. Paghiga mo pa nga lang tulog ka agad eh."
"Baliw ka Raon nagdadasal kaya ako, baka nga ikaw dyan hindi marunong magdasal eh. Ano ba yang sinusulat mo? Hindi ka ba nangangawit kakasulat?"
"Sinusulat ko lang yung mga course na gusto natin. Tingnan mo, yung sayo chemical engineer, ako naman chef. Teka Ram Ram, ano ba ang kinuhuhang course para maging chef?"
"Culinary yata? Pero may sariling school yun eh. Kung gusto mo, magsimula ka muna sa HRM."
"Ano yung HRM?"
"Hotel and Restaurant Managent." Sagot ko.
"Mukang astig yan Ram Ram huh, hotel na restaurant pa."
"Tama na nga yan, umiinit na yung araw oh." Sabay kuha ko ng papel at ballpen sa kamay nya at saka pinasok sa loob ng bag ko.
"Mamaya Ram Ram dadaan muna ko sa center para kumuha ng gamot mo huh, wag ka ng sumama dun kasi maraming tao baka mawala ka pa."
"Bakit naman ako mawawala hindi naman ako pusa."
"Kahit na, ako na lang kukuha nung gamot mo, saka hihingi na rin ako ng bagong inhaler eh."
"Ikaw ang bahala, ako na lang magluluto."
"Hindi mo alam gamitin yung kalan."
"Alam kong gamitin yun Raon, merong ganun sa ampunan dati, nakapag saing na nga ako sa ganun eh." Sagot ko.
"Sigurado ka Ram Ram huh? Baka mamaya wala na kong makitang bahay pag uwi ko, nasunog mo na pala." Natatawang sagot nya.
"Wala ka bang tiwala sakin? Saka para matikman mo na rin yung sinaing ko."
"Pare pareho lang kaya ang lasa ng kanin Ram Ram."
""Tara na, ang daldal mo Raon, kala ko ba naiinitan ka na." Hila ko pa sa kanya para makauwi na rin kami.
