Chapter 5

4.2K 135 6
                                        


*****

"Dito na lang tayo Ram Ram. Alam mo nung isang taon nandito rin ako nung gabi bago ang Pasko. Nalulungkot kasi ako dun sa bahay kaya dito na lang ako nagpunta. Marami kasing tao dito kaya hindi ako masyadong nalungkot. Ikaw, ngayon yung unang Pasko mo na hindi mo makakasama yung mga bata sa ampunan na sabi mo nga parang mga kapatid mo na talaga, hindi ka ba nalulungkot?" Si Raon habang inaayos yung mga pagkain naming naka styro na nabili namin bago kami pumunta dito sa may sea wall. Ang lamig din ng hangin dito at amoy na amoy ko yung alat ng dagat mula dito sa kinauupuan namin ni Raon. May naririnig din akong tumutugtog na pamaskong kanta hindi kalayuan mula samin.

"Namimiss ko din sila kahit papano pero nandito na ko eh. Hindi naman na ko pwedeng bumalik dun tsaka nilagay ko na sa isip ko na ito na talaga ang buhay ko ngayon. Pasalamat ko nga lang talaga kasi dito ako napadpad sayo. Namimiss ko yung mga kapatid ko pero nandyan ka naman na eh. Parang kapatid na nga rin kita sa sobrang bait mo sakin."

"Alam mo Ram Ram hulog ka din ng langit sakin. Parang biglang nagkaroon ulit ako ng pamilya simula nung dumating ka. Siguro kaya dito ka napadpad sakin kasi alam ni Lord na kailangan talaga natin ang isa't isa. Anong gusto mo Ram Ram, spaghetti o palabok?"

"Kahit alin na lang dyan."

"Uhm spaghetti na lang, ito naman talaga ang binili natin eh, naubusan lang tayo kaya naging palabok yung isa. Kainin na natin 'to Ram Ram malapit na kasi mag 11 pm, magsisimba pa tayo diba?"

"Oo nga, para makapasok ka naman sa simbahan. Parang may nakikita na nga akong sungay dyan sa ulo mo eh."

"Wow Ram Ram huh, nagsisimba kaya ako lagi, ikaw nga dyan kelan ka huling nag simba?"

"Nung nasa ampunan ako linggo linggo nagsisimba ako."

"Pano kapitbahay nyo lang yung simbahan saka sigurado papagalitan kayo ng mga madre kapag hindi kayo nagsimba."

"Saang ampunan ka nga pala galing Raon?"

"Dyan lang."

"Anong dyan lang?"

"Basta malapit lang dito. Kaya nga ako nagpapalit ng pangalan para hindi na ako mahanap eh. Oo mas madaling mabuhay doon, biruin mo may mag aalaga sayo, may magluluto ng pagkain para sayo, pag aaralin ka pa pero nasanay na rin siguro ako dito. Lalo pa ngayon kasama na kita, hinding hindi na ko babalik dun."

"Ubos ko na." Sabay sarado ko na ulit ng styro kasama yung plastic na tinidor sa loob.

"Ang bilis mo naman kumain Ram Ram, hindi halatang gutom na gutom ka huh?"

"Mabagal ka lang talaga kumain, puro daldal kasi inuuna mo. Bilisan mo na para makapunta na tayong simbahan, sigurado puno ng tao dun."

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami sandali at saka naglakad na papuntang simbahan. Sobrang dami nga tao ngayon.

Hindi na kami nakapasok kaya nakatayo na lang kami dito sa may pintuan. Nilingon ko si Raon, tahimik lang sya at nakikinig sa sinasabi ng pare. Ang ganda ng harapan ng simbahan dahil sa dami ng parol na nakasabit. Paskong pasko na talaga.

"Sayang Ram Ram dapat pala inaya kitang magsimbang gabi." Si Raon pagkatapos ng misa. Naglalakad na kami pabalik ng bahay nya dahil inaantok na daw sya.

"Eh di sa next year na lang." Sagot ko.

"Talaga Ram Ram may next year pa? Asahan ko yan huh? Iniisip ko nga kanina habang nasa simbahan tayo kung mauulit pa yun sa isang taon. Pinagdasal ko nga din na sana lagi ka na lang nandito hanggang sa tumanda na tayo pareho. Pero hindi ko naman syempre hawak ang desisyon mo, alam ko may mga pangarap ka din sa buhay at hindi mo naman yun maaabot kung nandito ka lang kalsada kagaya ko."

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon