Chapter 13

2.7K 100 2
                                    


*****

"Kanina ka pa ba nakuwi Ram Ram? Bakit hindi ka man lang nagtext sakin?" Nagulat na lang ako ng nasa likod ko na pala si Choc dito sa loob ng bahay ko.

Agad ko lang inipit sa ilalim ng isang magazine yung kanina ko pa hawak na calling card ni Tristan at saka humarap sa kanya.

"Pano ka nakapasok?" Tanong ko.

"Uhm.. sa pinto?"

"Sa tingin mo bibo ka na nyan?"

"Bukas yung pinto mo, buti nga mas nauna akong dumating kesa sa magnanakaw eh." Sagot nya.

Hindi na lang ako sumagot at saka humiga ng patalon sa kama.

"Anong nangyari sa check up mo sa neurologist?" Tanong nya pagkaupo nya sa tabi ko habang nagtatanggal ng sapatos.

"Kumusta yung emergency sa trabaho mo? Ok na ba?" Tanong ko habang nakapikit. Masyado akong napagod sa halos maghapong pagiikot sa loob ng ospital.

"Hindi mo naman sinasagot ang mga tanong ko Ram Ram." Reklamo nya.

"Hindi mo din naman sinasagot ang mga tanong ko eh." Sagot ko.

"Ok ako na ang mauunang sumagot. Nagkaproblema lang kami sa fire department dahil kulang daw yung smoke alarm na nakakabit sa shop. Nung una pa lang naman sinabi ko na sa kanila na hindi talaga pwedeng maglagay ng smoke detector dun sa tapat ng counter dahil umuusok yung mga sineserve naming kape. Buti na lang nainitindihan nung bagong officer ng fire deaprtment. Eh ikaw? Anong nangyari sa check up mo sa neurologist?" Si Choc.

"Wala." Maikling sagot ko.

"Panong wala?" Rinig kong tanong nya.

"Wala daw akong sakit."

"Panong wala kang sakit eh sabi nga nung isang doktor may abnormalities dun sa EEG result mo." Si Choc sabay hawi pa nung braso ko na nakatakip sa mga mata ko.

"Baka nagkamali lang yung isang doktor." Sagot ko.

"Ram Ram umamin ka nga. May hindi ka sinasabi sakin." Si Choc.

"Choc matulog na tayo. Basta ok ako at wala akong sakit sa utak. Hindi ako baliw at lalong hindi pa ko mamamatay." Sagot ko.

"Kainis ka naman Ram Ram eh, bakit ayaw mong sabihin sakin yung nangyari?"

"Yun naman talaga ang nangyari." Sagot ko.

"Promise yan huh?" Paniniguro pa nya.

"Oo." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Tulog na tayo Ram Ram, may pasok pa tayo bukas."

"San ka papasok? At saka hindi ka pa naliligo." Sagot ko.

"Sa office natin. Ok na nga yung problema dun sa cafe. At saka Ram Ram naligo ako huh? Kahit amuyin mo pa ko." Si Choc sabay higa na sa tabi ko.

Pinatay nya lang yung ilaw na nakapatong sa may bedside table at ang sunod ko na lang naramdaman ay ang mainit nyang kamay na nakayakap sa may dibdib ko. Naramdaman ko rin ang paghinga nya sa leeg ko pero hindi na ko nakikiliti sa pagkakataong 'to dahil medyo nasasanay na rin ako sa gabi gabi nyang pagyakap sakin.

Pumikit lang ako at sinubukang makakuha ng tulog pero paulit ulit lang na bumabalik sa isip ko yung sinabi ng Tristan na yon kanina.

Wag daw akong magtiwala sa mga tao sa paligid ko dahil baka bukas ay sila din daw ang papatay sakin.

Tiningnan ko si Choc kahit medyo madilim, payapa lang syang natutulog. Kahit isang beses simula ng malaman kong sya si Raon ay hindi ako nag isip na kaya nya akong saktan. Alam kong mabuti syang tao kaya buong puso kong binigay ang tiwala ko sa kanya. Yung sinabi ni Tristan, malamang ginugulo nya lang ang isip ko at hindi ako dapat magpaapekto. Yun na ang huling beses na magkikita pa kami ng weirdong yun.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon