Chapter 15

2.7K 107 0
                                    


*****

Mag aalas singko pa lang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ko. Pakiramdam ko ay hindi na ulit ako makakatulog kahit sandali kaya kinuha ko na lang ang phone sa tabi ko at saka pinatay ang alarm na naka set sana sa alas sais ng umaga.

Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing pa rin na natutulog habang nakayakap sakin.

Dahan dahan ko lang na iniangat ang kamay nya para makatayo ako pagkatapos ay iniakap ko sa kanya ang unan na pinag higaan ko.

Dumiretso muna ako sa CR pagkatapos ay wala sa sariling pumunta sa kusina at saka nakipag titigan sa kalan. Hindi ko nakaugaliang magluto pero gagawin ko ngayon tutal maaga pa naman. Kapag sinabi kong maaga, ang ibig kong sabihin ay marami pa akong oras para remedyuhan ang magiging kapalpakan ng gagawin kong pagluluto.

Gusto ko rin sanang ipagluto si Choc. Pambawi sana sa halos araw araw na pagluluto nya para sakin dito sa bahay. Hindi naman maarte si Choc pagdating sa pagkain, naalala ko nga yung niluto kong spaghetti na lasang natuyong lumot. Ang dami nyang nakain nuon.

Binuksan ko muna yung ref ko para malaman kung ano ang pwede kong lutuin for breakfast. Madaming frozen products na nasa freezer, si Choc lahat ang bumili nito nung huling nag grocery kami bago pumuntang Cebu.

Napili ko lang yung isang pack ng garlic longganisa. Sobrang tigas dahil nagyelo na, kung paano ko 'to sisimulang lutuin?

Hindi ko alam.

"Hey Ram Ram wag!" Nabitawan ko tuloy yung hawak kong nagyeyelong mga longganisa dahil sa sigaw ni Choc.

"Gising ka na pala." Ngiti ko pa sa kanya at saka yumuko para pulutin yung mga nalaglag na longganisa.

"Buti nga nagising ako kundi baka nasabugan ka na nyang kaldero." Si Choc sabay yuko din para tulungan akong pulutin yung mga nabitawan kong pagkain.

"Alam mo bang crispy pata lang ang piniprito sa kumukulong mantika habang frozen pa sya? Tatalsik sayo lahat ng mantika kapag nilagay mo 'tong nagyeyelong longganisa." Si Choc habang nagsasalang na panibagong kaldero na may kaunting tubig.

"Pakuluan mo muna dapat sya." Ngiti nya pa sakin.

"Good morning nga pala." Dagdag pa ni Choc habang nagsusuot ng apron.

"Good morning din. Ipagluluto sana kita eh." Sagot ko at saka naupo sa malapit na silya.

"Salamat. Pero next time tawagin mo lang ako para matulungan kita." Sagot nya pagkatapos takpan yung bagong salang na kaldero. Tinabi nya muna yung kawali kong may kumukulong mantika.

"Bakit ang aga mo ring nagising?" Tanong ko habang nagtitimpla ng kape para sa aming dalawa. Ito lang naman ang kaya kong gawin eh.

"Tumawag kasi sa shop, may kailangan akong asikasuhin. Gusto ko pa sana sabay tayong magtrabaho kaso kailangan ko na talagang umalis sa company natin." Sagot ni Choc.

"Mas kailangan ka dun, kaya mag focus ka na sa cafe." Sagot ko pero sa loob ko ay may naramdaman akong lungkot. Lungkot na hindi ko na pala sya makakasama sa maghapon. Gumagaan pa naman ang araw at trabaho ko kapag kasama ko sya. Pero sa isang banda iyon naman talaga ang trabaho nya, nakuha naman na nya ang goal nya kung bakit sya pumasok sa company namin kaya i think it's about time na balikan na nya yung mundong iniwan nya para lang mapalapit sakin. Ang importante, nagkita na ulit kami at sa tingin ko naman hindi mapuputol ang communication namin dahil lang sa magkaiba ang mga trabaho namin. Gusto ko sana syang pigilan pero ang childish kung gagawin ko yon. At saka wala akong karapatan para gawin yon.

"Ram Ram?"

"Huh?"

"Yung hinahalo mong kape tumatapon na oh." Turo nya pa sa natapong kape sa lamesa. Agad lang akong tumayo para kumuha ng basahan. Si Choc naman pinapanood lang ako sa mga ginagawa ko.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon