Chapter 10

3.4K 115 3
                                        


*****

"Grabe yon Ram Ram, pakiramdam ko naiwan yung bituka ko sa itaas." Si Choc na humihingal pa rin. Kakalapag pa lang namin dito sa open ground kasama ang mga guide namin sa parachute.

"Ang astig mag sky diving. Parang gusto ko pang ulitin." Sagot ko pagkatayo at saka inilahad ang kamay ko para tulungan syang makatayo.

"Ok ka lang ba Choc? Namumutla ka ah? Teka ayos lang ba ang paghinga mo?" Alalang tanong ko.

"Ayos lang ako Ram Ram, ano ka ba? Hindi ako hihimatayin sa sky diving lang no." Sagot nya pagkatayo.

"Kaya pala napakalakas ng sigaw mo kanina. 20 minutes akong naghintay sayo para lang sabay tayong makatalon." Sagot ko.

"Eh kasi Ram Ram may fear of height ako. Takot ako sa matataas na lugar." Nguso pa nya.

"Bakit hindi mo sakin sinabi agad? Eh di sana hindi na lang tayo tumuloy." Lingon ko pa sa kanya.

"Nagpapasalamat nga ako na tumuloy tayo eh. See, na-conquer ko yung takot ko. At saka sa tulong mo na din." Ngiti nya pa.

"Paano naman ako nakatulong?" Tanong ko habang naglalakad pa rin kami papunta sa sasakyan nya.

"Moral support, sabi mo kanina na kaya ko. Kaya inisip ko talaga na kaya ko. Never kong naimagine na tatalon ako sa eroplano. Kagabi nga lang nananaginip na ko ng tungkol sa mangyayari ngayon eh. Pero thank you talaga Ram Ram kasi inaya mo ko dito. Pero last na 'to ah? Parang di ko na ulit kaya eh." Ngiwi nya pa.

"Hindi ko alam Ram Ram na mahilig ka pala sa extreme sports." Saad nya pagkapasok namin sa loob ng sasakyan.

"Hindi naman ako mahilig sa extreme sports. Nagulat na nga lang ako na kaya ko palang gawin ang mga yon. Alam mo yung adrenaline rush ko parang sasabog kanina habang nasa ere tayo." Sagot ko.

"Halata nga Ram Ram, ang saya mo nga kanina habang pinagtatawanan ako eh."

"Hindi kita pinagtatawanan ah." Depensa ko.

"Eh ano lang?" Tanong nya.

"Natatawa ako kasi ang cute mo kapag natatakot." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Cute ako?" Tanong nya.

Natigilan naman ako dahil sa narinig. Lumabas ba talaga sa bibig ko yun? Sinabi ko talaga ng harapan sa kanya na cute sya? Hindi pa nga nya alam ang tungkol sa sexual preference ko at hindi ko pa alam ang tamang timing para sabihin sa kanya 'to. Hindi kaya nakahalata na sya sakin?

"Huy Ram Ram, sinabi mong cute ako pag natatakot. Dinig na dinig ko yun huh. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ikaw ang pumupuri sa sakin. Ikaw din naman eh, cute ka." Ngiti nya pa sabay start ng makina ng sasakyan.

"Huh?"

"Anong huh?" Tanong nya habang nagsisimula ng mag drive.

"Uhm wala. Uwi na tayo." Sagot ko.

"Kain muna tayo sa labas Ram Ram, malapit ng mag lunch, iinom ka pa ng gamot mo remember?"

"Oo nga, lunch tayo. Iinom pa kasi akong gamot." Paguulit ko sa sinabi nya.

"Are you ok Ram Ram?" Tanong nya. Hininto pa nya ang sasakyan sa isang gilid at saka sinalat ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat." Saad nya.

"Im ok." Sagot ko.

"Sure ka huh? Baka may nararamdaman ka ng kakaiba?"

"Ano namang mararamdan kong kakaiba para sayo?" Tanong ko.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon