Chapter 8

3.6K 133 10
                                        


*****

"Good morning Ram Ram. Mukang maganda ang gising mo huh? Nakangiti ka kasi kanina habang natutulog ka."

"Good morning."

"Woah."

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Alam mo Ram, araw araw na lang ginugulat mo ko. First mo kong batiin ng good morning with smile. Achievement unlocked para sakin yan huh. Tama nga ako, mas bagay sayo ang nakangiti."

"Ang dami mong sinabi." Simangot ko pa sa kanya at saka tumayo para pumunta ng CR.

"To naman, simangot agad. Masama ka pa lang mababati. Pasko na bukas kaya dapat dalas dalasan mo naman yang pag ngiti mo kahit hanggang bukas lang. Kila Sister nga kahapon panay ang ngiti mo eh." Salita pa rin sya ng salita kahit nasa loob na ko ng banyo.

Binuksan ko na lang ang gripo at saka itinapat ang timba para hindi ko na marinig pa ang bunganga nya. Hindi ko alam pero pilit ko lang pinipigilan ang pag ngiti ko simula pa lang kaninang batiin nya ko ng good morning. Parang kusang gumagalaw ang bibig ko para ngitian sya. Ayoko namang ngumiti ng ngumiti sa kanya dahil isipin nyang close kami. Masyado pa namang feeling close ang isang yon.

"Minsan pa ulan bumuhos ka wag ng tumigil pa, hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng pu.."

Natigilan lang sya sa pagkanta ng buksan ko ang pinto ng CR at saka lumabas.

"Magbihis ka nga Ram Ram, wag mong idisplay sakin yang katawan mo, meron din ako nyan."

"Naiwan ko yung damit ko." Sagot ko at saka kinuha yung damit ko sa drawer pagkatapos ay bumalik na sa loob ng CR para duon magbihis.

Paglabas ko ay natigilan lang ako dahil sya naman ang nakahubad at bakatapis lang tuwalya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ko sa katawan nya.

"Napano yan?" Turo ko pa sa isang paguhit na pilat sa may bandang tagiliran nya.

"Ah ito? Napagtripan ako dati sa kalsada, lumaban ako kaya nasaksak ako. Buti nga may dumating agad na mga tanod dahil kung wala baka hindi mo na rin ako kausap ngayon."

"Kelan pa yan?" Tanong ko ulit at saka lumapit sa dala naming bag sa may gilid ng kama para ilagay yung mga marumi kong damit.

"Matagal na rin, siguro mga 4 years ago."

Hindi na lang ako sumagot kaya dumiretso na sya sa loob ng banyo. Narinig ko pang pinagpatuloy nya ang pagkanta ng Tuwing Umuulan ng Eraserheads.

Parang may nakita na rin akong pilat na kagaya nung sa kanya. Hindi ko lang matandaan.

"Alam mo Ram Ram, nung inoperahan ako halos naubusan ako ng dugo. Buti na lang merong nagmagandang loob na magdonate ng dugo sakin." Kwento na ulit pagkalabas mya ng banyo. Nakabihis na rin sya ng puting tshirt at at maroon na walking shorts.

"Naoperahan ka pala. Buti may ka match kang dugo bukod sa mga lamok na may dalang dengue." Biro ko pa sa kanya.

"Sira ka Ram Ram. Pero gusto ko yan, nabibiro mo na ko. Kahit na ginawa mo pang kamag anak ko ang mga lamok na may dengue." Sagot nya habang nag aayos ng buhok sa harap ng salamin at saka humarap sakin na nakaupo na sa kama.

Nagsalubong lang kilay ko ng unti unting syang lumalapit sakin.

"Bakit?"

"Wag kang magulo." Saway nya pa habang patuloy sa paglapit sakin.

"Tingin ko Ram Ram mas bagay sayo kung nasa kaliwa yung hati ng buhok mo." Saad nya pagkalapit at saka sinukay ang buhok ko gamit ang mga kamay nya.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon