"Para saan yung suntok Ram Ram?" Ngiwi nya pa.Tumayo lang ako sa kinauupuan ko at saka inilahad ang kamay ko para makatayo sya.
"Sorry na, namiss lang kita."
"Kailangan ba sinusuntok kapag namiss?" Saad nya habang nakahawak parin sa pisngi na sinuntok ko.
"Diba sinabi ko naman sayo kanina na isang suntok lang mawawala na lahat ng galit ko kay Raon."
Umupo lang ulit kami at saka nagkatawanan ng mahina. Nakaramdam ako ng kaunting awkwardness sa pagitan namin. Magkakilala naman kami ni Choc pero si Raon, hindi ko na sya gaano kakilala. Maraming taon na ang lumipas at marami na akong hindi alam tungkol sa kanya.
"Ram Ram?"
"Hmmm?"
"Gusto mo bang marinig kung anong nangyari sakin after nung aksidente?" Tanong nya.
"Gusto ko, pero pumasok muna tayo sa loob. Baka hinahanap na nila tayo. Ang sabi mo nga, maraming oras para dyan. At gusto kong malaman ang lahat ng nangyari sayo. Lahat lahat." Ngiti ko pa sa kanya.
Ngumiti naman sya sakin bilang sagot.
"Saka lagyan natin ng cold compress yang pisngi mo."
"Sakit mo talagang sumuntok Ram Ram."
"You deserved that."
"I don't deserve it."
"You deserved that dahil masyado kang nagpa miss. Masyado kang misteryoso, kung nung pa lang sinabi mo na saking ikaw si Raon eh di sana matagal na tayong magkaibigan. Sayang din yung dalawang linggo."
"Pinapakilig mo ba ko Ram Ram?"
"Bakit kinikilig ka ba?"
"Uhm, sakto lang."
"Sira, tara na." Akbay ko pa sa kanya pabalik sa loob.
"Nagenjoy ako." Saad ko pagkahiga namin sa kama. Nakangiti lang ako habang nakatingin kami pareho ni Choc sa kisame.
"Sabi ko naman sayo mag eenjoy ka dito diba? Atleast marami tayong kasama dito na pamilya din ang turing satin."
"Ano bang gusto mong itawag sayo?"
"Itawag sakin?" Tanong nya ulit.
"Oo, eh diba Raon naman talaga ang pangalan mo? bakit ba naging Choco bigla ang pangalan mo?"
"Sabi kasi nung mga kaibigan ko dito, masyado daw akong sweet kaya tinawag na nila akong Choc, tapos nakasanayan na lang hanggang sa nadala ko na din sa labas nito. Pero ikaw, kung anong gusto mong itawag ok lang sakin. Napakalakas mo kaya sakin."
"Lagi mo din sinasabi sakin yan dati." Natatawang sagot ko.
"Alam mo Ram Ram sobrang saya ko kase hindi mo pa pala ko nakakalimutan. Kaya nga nagaalinlangan pa kong magpakilala sayo kase sinigurado ko muna na kilala mo pa nga ako. Baka kasi hindi mo na pala ko natatandaan, ayaw ko namang pilitin kang alalahanin ako."
"Natatandaan naman kita. Bakit naman kita makakalimutan?"
"What if lang naman. Teka, gusto mo na bang ikwento ko sayo yung nangyari sakin?" Tumagilid pa sya paharap sakin at saka itinukod ang siko para silipin ang mukha ko.
"Sige lang. Makikinig ako." Ngiti ko pa.
"San mo gustong simulan?" Tanong nya at saka isinandal ang likod nya sa headboard ng kama namin.
"Simulan mo nung naglakad ka papunta sa health center para kumuha ng gamot ko."
"Naalala mo pa talaga yon Ram Ram? Grabe ang memory mo huh?"
