Chapter 11

3K 118 6
                                        


*****

"Napapadalas ang pagtawag mo sakin ng Tex Ram Ram huh, malapit na ko magselos." Si Choc pagkauwi namin sa bahay ko. Dala ko na rin yung luma kong bag nung magkasama pa kami ni Raon sa lansangan.

Sino nga ba si Tex? Pati ako naiiinis na rin sa sarili ko kung bakit kailangang maihalo ko pa yung mga panaginip ko tungkol dun sa taong yun na hindi ko naman nakilala kahit kailan sa totoong buhay.

"Paano napunta sayo 'to?" Pagiiba ko ng usapan pagkapasok namin sa bahay. Agad lang akong umupo sa sofa para simulang buksan at halungkatin ang laman ng luma kong bag. Si Choc naman dire-diretso lang sa kusina matapos makapag tanggal ng sapatos. Hindi ko na pala nakuhang mag tanggal pa ng sapatos dahil sa sobrang excitement ko dito sa bag ko.

"Here, inumin mo muna 'to. Mas inuna mo pa yan kesa sa gamot mo." Si Choc pagkaupo sa tabi ko. Inabot nya lang sakin yung tatlong pirasong gamot at isang basong tubig na agad ko namang ininom.

"Mukang nakalimutan mo na ako ang may dala nyang bag bago tayo nagkahiwalay. Tinago ko talaga yan dahil alam kong importante sayo yan. Saka umaasa ako na magkikita pa tayo one day."

"Salamat sa pagtatabi nito. Nandito pa yung mga luma kong damit." Saad ko habang isa isang nilalabas yung mga laman ng bag.

"Nilalabhan ko yan pa minsan mimsan para hindi masyadong maluma dyan sa loob ng bag. Nililinis ko din yung bag para pag binigay ko naman sayo hindi puro alikabok."

"Nandito pa yung pad paper Choc. Tingnan mo, sulat mo 'to natatandaan mo?" Harap ko pa sa kanya nung lumang pad paper kung saan nakasulat ng paulit ulit ang pangalan nyang Raon.

"Oo naman, bakit ko naman makakalimutan yan. Ikaw kaya ang nagturo sakin kung pano magsulat. Natatandaan mo ba yung ilang mga drawing mo dyan? Kinuha ko kasi yon saka ko pina-frame. Sayang kasi kung masisira lang, ang ganda pa naman nung mga drawing mo na yun."

"Bakit may lata pa ng corned beef dito? Bakit hindi mo pa tinapon 'to?" Tanong ko pagkalabas ko sa bag ng isang lata ng corned beef.

"Aba malay ko sayo Ram Ram, nakita ko lang sa loob yan kaya hindi ko na tinapon. Malay ko ba kung importante pala sayo yan. Alam mo Ram Ram, bukas na ulit yan. Hating gabi na, matulog na tayo, marami pa naman tayong oras para dyan. Saka bukas, mahaba na naman ang araw. Teka may gusto ka bang gawin bukas bukod sa matulog syempre."

"Uhm, kung manood na lang kaya tayo ng foreworks display bukas ng gabi?"

"Sigurado ka yan ang gusto mo? Ayaw mo bang dito sa bahay mo salubungin ang new year?" Si Choc.

"Last year nanood lang din ako ng fireworks display dun sa moa, kahit mag isa lang ako naenjoy ko naman."

Nakita ko naman na napangiti si Choc sa harapan ko.

"Sige, kung yan ang gusto mo. Actually kahit saan naman maeenjoy ko ang new year's eve basta kasama ka eh. Pero magluluto parin tayo bukas huh? Magbabaon na lang tayo ng foods. Teka dinadaldal mo na naman ako eh. Matulog na tayo." Si Choc.

"Maliligo muna ko." Sagot ko.

"Mabango ka pa naman Ram Ram saka naligo na tayo bago tayo umalis. Hindi ka naman nausukan sa kalsada kaya ok na yan." Si Choc sabay tayo at saka nilock ang pintuan pagkatapos ay hinugot na rin sa pagkakasaksak ang mga christmas lights.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya sa kwarto. Sinabit ko na lang yung luma kong bag sa likod ng pinto.

"Ram?"  Si Choc pagkahiga ko sa tabi nya. Nagpalit na lang ako ng usual kong pantulog. Puting tshirt at pajama habang si Choc naman ay nakasandong kulay itim at boxers.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon