Chapter 14

2.8K 103 18
                                        


*****

"Ang taas Ram Ram, nakakalula. Ikaw na lang kaya?" Ngiwi pa ni Choc ng sumilip sya dun sa sky walk. All set na kami, naka suot ng kami ng protective gears at harness. Lalabas na lang kami para makapaglakad na kami dun sa nakasabit at makitid na pathway sa roof top nitong hotel.

"Sus, nakapag sky diving na nga tayo, ngayon ka pa ba malulula? Hindi naman tayo tatalon. Maglalakad tayo dyan oh." Turo ko pa sa labas ng bintana. Medyo nauna kasi kami sa pagsusuot ng protective gears kaya hinihintay pa namin yung mga kasamahan namin. Grupo kasi ang paglabas sa sky walk. Siguro mga nasa sampu kami kasama na kami ni Choc.

"Daya naman ni Ehla hindi sumama dito." Reklamo pa ni Choc habang nakasilip sa bintana.

"Hayaan mo na yung tao, namiss nya yung anak nya kaya sinusulit nya lang yung oras na magkasama sila, bukas babalik na tayong Manila kaya dapat sulitin na din natin yung oras dito." Sagot ko.

"Ready guys." Rinig ko pang sigaw nung guide namin.

"Tara na." Hila ko pa kay Choc para makasunod na kami dun sa mga tao na naglalabasan na sa roof top.

"Ang lakas ng hangin Ram Ram, baka tangayin ako sa baba." Si Choc sabay hawak sa balikat ko.

"Kung malalaglag ka, naka harness ka naman." Sagot ko habang papunta na kami dun sa sky walk.

"Safe ba talaga 'to?" Hawak nya pa dun sa nakatali sa bewang nya.

"Siguro, wala pa naman daw namatay dito."

"Pano mo nalaman?" Tanong nya.

"Tinanong ko yung guide kanina."

"Syempre sasabihin nyang wala pang nahulog o namatay dito para hindi matakot yung mga tao." Sagot nya.

"Lapit na tayo. Ready ka na?" Lingon ko pa sa kanya.

"Ready na hehe." Alanganing ngiti nya pa.

"Ram Ram salamin pala yung sahig." Si Choc.

"Diba sinabi naman kanina?"

"Oo nga, pero iba pa rin pala kapag nandito ka na mismo. Hindi kaya mababasag 'to?" Si Choc.

"Hindi naman siguro. 30 minutes daw tayo dito, hindi ba tayo maglalakad?" Tanong ko.

"Hayaan mo na muna sila Ram Ram, upo muna tayo ng ganun oh." Turo nya pa dun sa isang babae na nakaupo habang nakalambitin ang dalawang paa sa ere.

"Astig nung babae no?" Si Choc pagkaupo namin.

Tiningnan ko yung babae na malapit lang sa pwesto namin. Mukang mag isa lang sya at ang lalim ng iniisip nya. Wag naman sana syang magtangkang magpakamatay dito.

"Look Ram Ram, ang daming ibon oh." Turo nya pa sa isang grupo ng mga ibon na sabay sabay lumilipad. Pakiramdam ko ay lumilipad din ako dahil halos kapantay lang namin ng taas ang mga ibon.

Ilang sandali rin kaming natahimik ni Choc dahil naging busy na ang mga mata namin sa pagtanaw sa ibaba. Medyo nakakalula pero nakakabuhay rin ng dugo sa parte ko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang paghugot ni Choc ng isang malalim na buntong hininga.

"Lalim nun ah." Biro ko pa sa kanya.

"Ram Ram alam mo, sobrang saya ko ngayon." Ngiti nya pa sakin.

"Lagi mo namang sinasabi sakin yan." Sagot ko.

"Kase isa ka sa mga dahilan kung bakit ako masaya."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya at saka tumingin sa malayo kagaya nya.

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon