Chapter 16

2.5K 106 6
                                    


*****

"Look Ram, mas mataas yung sand castle ko kesa sayo"

"Binasa mo kasi yung sakin kaya nasira."

"Uhm, how about dito ka na lang tumira sa sand castle ko para we will happily ever after?"

"Ang korni mo Tex hindi bagay." Natatawang sagot ko.

"Kapag inlove nagiging korni talaga. Kaya magdiwang ka na kase patay na patay ako sayo Ram."

"Patay na patay din naman ako sayo." Natatawang sagot ko.

"Ram Ram?"

"Hmmmm." Dinilat ko lang ang mga mata ko at nakita ang mukha ni Choc na halos nakadikit na sa mukha ko dahil sa sobrang lapit.

Hinawi ko lang sya at saka naupo sa kama. 6am palang ng tingnan ko ang oras sa wall clock.

"Panira ka naman Choc."

"Huh? Bakit?"

"Haharap na dapat si Tex sakin?"

"Buti na lang hindi humarap." Si Choc.

"Bakit naman?"

"Kasi muka syang syokoy sa dagat." Sagot ni Choc.

"Pakiramdam ko hindi naman. Boses pa lang gwapo na eh." Sagot ko at saka tumayo sa kama para mag-CR

"Hoy Ram Ram anong pinagsasasabi mo huh? Mamaya pupunta na talaga tayo sa neurologist para matingnan na yang mali utak mo. "

"Anong mali sa utak ko?" Silip ko pa kay Choc mula sa pinto ng banyo.

"Uhm wala naman, maligo ka na nga dyan Ram Ram. Nagtago ka pa sa likod ng pinto eh kita ko din naman yang ano mo." Si Choc kaya napatingin ako pababa sa nginunguso nya.

Agad ko na lang sinarado ang pinto ng banyo at saka nagpatuloy sa paliligo. Kanina sobrang linaw ng panaginip ko. Akala ko nga totoo na kung hindi lang ako ginising ni Choc eh. Malinaw nga yung bawat detalye at ang paligid sa panaginip ko pero yung mukha naman ni Tex ang malabo. Basta ang sigurado ko lang ay lalake sya at mukang mahal na mahal ko sya.

Sa tuwing babanggitin ko ang pangalang Tex ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan, parang merong kulang sa pagkatao ko na hindi ko matukoy na tanging sa panaginip ko lang napupunan.

Nawe-weirduhan na rin ako sa sarili ko dahil alam ko naman na hindi ganito umasta ang isang normal na tao sa mga panaginip nya.

"Ram Ram matagal ka pa ba dyan? Naiihi na kaya ako kanina pa." Katok pa ni Choc sa pinto ng banyo na nakapagpabalik sakin sa wisyo.

"Tapos na, kung naiihi ka ilagay mo muna sa tumbler, gawin mong tsaa mamaya, nakatulong ka pa sa eco system." Sagot ko sabay bukas ng pinto. Bumungad lang sakin ang nakasimangot na si Choc na dali daling pumasok sa loob ng CR. Hindi na nga nya nakuhang pang isarado ang pintuan kaya ako na ang gumawa nuon para sa kanya.

Nahiga lang ulit ako sa kama pagkatapos kong magbihis at saka nakipag titigan sa kisame. Pilit kong binabalikan yung panaginip ko kagabi dahil baka may makuha akong clue kung saan ko ba mahahanap si Tex. Gusto ko syang makilala pero hindi ko alam kung saan ko sya sisimulang hanapin. Para akong nagsusulat sa tubig at sumusuntok sa buwan sa tuwing iisipin kong pwede ko syang makilala sa totoong buhay.

Napalingon lang ako sa telepono ko ng marinig ko ang message alert nito.

Unknown number ang nakaregister pero binuksan ko na rin ito.

"This is Dr Tristan. And please meet me here in the hospital. Alam mo kung saan ako nagtatrabaho. This is urgent." Basa ko sa text.

Alam ko binlocked ko na ang number nya sa phone ko pero bakit nakapagtext pa rin sya?

Maselang BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon