*****Sumandal lang ako sa kinauupuan ko habang pinapanood si Kuya na lumabas ng shop.
Kung may masamang nangyari siguro sa amin ni Ram ay hindi ko sya mapapatawad. Pero tapos na yon, pare-pareho lang kaming hindi makakapag simula ng bago kung hindi ko pa kakalimutan yon and besides, mukang nagbago naman na talaga sya at sincere yung paghingi nya ng sorry. The day after tomorrow ay aalis na rin sya ng Pilipinas para tanggapin yung offer sa kanyang trabaho sa ibang bansa.
Tumingin ako sa glass wall sa tabi ko. Maaliwalas ang umaga at nakikita ko yon sa mukha ng bawat taong dumaraan sa harapan ko.
Kinuha ko lang yung tasa ng kape sa harapan ko at saka ininom.
Marami na rin akong nakilala, marami na ring tao ang dumaan sa buhay ko. Yung iba dumaan lang para magbigay ng aral pero meron din namang mga nag stay para patuloy akong samahan.
Sa lahat ng yon, isang tao ang pinili kong makasama at mahalin habang buhay. No, hindi ko pala sya pinili dahil kusa ko na lang naramdaman 'to matagal ng panahon ang lumipas. Sa tagal ng panahong yon, sa kabila ng mga hindi ordinaryong problema ay hindi ko lubos akalaing mas lalo ko pa syang mamahalin hanggang ngayon sa kasalukuyan.
"Uhm, Sir?" Si Ram Ram na umupo sa harapan ko kaya napalingon ako sa kanya. Kahapon ay sinabi nyang parang lumalabo ang paningin nya kaya sinamahan ko agad sya na magpatingin sa doktor. Bumagay naman sa kanya yung salamin na sinukat para sa kanya.
"Diba ang sabi ko sayo wag mo na kong tatawaging Sir? Mag-kaedad lang naman tayo saka diba close naman na tayo?" Sagot ko.
"Kahit na, ikaw pa rin ang boss ko. Ano na lang ang sasabihin nung iba mong empleyado kapag hindi kita tinawag na Sir. Eto na nga po pala yung monthly inventory ng supplies, appliances at funitures." Sabay abot nya sakin ng isang asul na folder na agad ko namang kinuha pagkatapos ay binuksan para silipin ang ilang laman.
"Natapos mo na agad? Ang bilis mong matuto huh? Dahil dyan bibigyan kita ng incentive. Pwede kang magbakasyon for a week. With pay." Ngiti ko pa sa kanya.
"Salamat Sir, pero di bale na lang po. Wala naman akong gagawin sa bahay saka wala naman akong kasama kung magbabakasyon ako." Natatawang sagot nya.
"Sino may sabing wala?" Tanong ko at saka tumayo pagkatapos ay hinila sya sa isang nyang kamay palabas ng cafe.
"Kung aayain kitang magbakasyon for a week, sasama ka ba?" Tanong ko ng nandito na kami sa harap ng sasakyan ko.
Kita ko naman ang pag ngiti nya at saka tumango ng dalawang beses pagkatapos ay sumakay na kami pareho sa sasakyan.
Tiningnan ko lang si Ram sa salamin mula sa harapan na sinasabayan yung kantang Maselang Bahaghari sa speaker ng kotse habang naka ngiti.
Kahit kailan ay hinding hindi ako magsasawang pagmasdan ang mga ngiti nyang yan. Kahit paulit ulit pa kaming magsimula sa wala. Kahit paulit ulit pa nya akong kalimutan, kahit kailanganin ko pa syang ligawan ng paulit ulit ay hinding hindi ako magsasawang gawin ang lahat ng iyon para sa kanya.
Kahit lumipas man ang maraming taon ay hinding hindi ako titigil na tuparin yung pangako ko sa kanyang hindi ako mawawala sa tabi nya. Kahit paulit ulit pa syang mawala, hindi ako titigil na paulit ulit pa rin syang hanapin. Kahit saan man sya mapunta, ibabalik at ibabalik ko sya dito sa piling ko.
Naging matalik kitang kaibigan bilang si Raon.
Minahal kita bilang si Tex.
Babantayan at poprotektahan kita bilang si Choc.
Kalimutan mo man ang lahat, wag kang mabahala dahil hindi naman kita pababayaan.
Sabi nga sa paborito mong kanta, paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw. Wag sanang mawala ang ngiti mong yan, ang aking Maselang Bahaghari.
