Honey Pov.
Ilang araw na kong nakakulong sa kwarto ko. Ilang araw na din akong hindi pumapasok. Halos araw-araw laging pumupunta dito sila Warren kasama yung apat except kay Sky pero ano pa nga bang aasahan ko diba ? Bumalik na yung babaeng matagal niya ng hinintay.
*Tok ! *Tok ! *Tok !
Halos mapabuntong-hininga ako dahil sa narinig ko na namang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at sinilip kung sino yun. Si Maxine at Kyla pala kasama si Ate Kairie. Binuksan ko yun at ngumiti ng pilit pero nanatili naman silang seryoso kaya napatikhim ako.
" Come in "
Mahina kong sabi. Inilibot naman ang tingin nila sa kwarto ko sabay tingin saken mula ulo hanggang paa.
" Look at yourself Honey ! Ang laki ng pinayat ng katawan mo ! And ghhad your eye bags ! Para kang naka drugs sa laki ! Argggh >.< Fix yourself ! Ayusin mo ang katawa mo bilis ! "
Inis na sabi ni Ate Kairie. Napaupo na lang ako sa kama at hindi ko rin naman kinaya ang pagpigil ng luha kaya inilabas ko na yun.
" Honey ! Please dont cry na alam mo namang ayaw ka naming nakikitang umiiyak eh "
Maxine said at maluha-luha na rin siya habang hinahagod ang likod ko. Napahagulhol na ko at yumakap sa kanila. Ganito kasakit ! Ganito kasakit ang dinulot mo saken Sky ! At hindi ko alam kung paano ibabalik yung dating Honey na marunong ngumiti,tumawa,maging masigla a higit sa lahat ang maging makulit.
" H-hindi ko na kaya... S-sobrang sakit na *sob* hindi ko alam k-kung saan pa ko kukuha ng lakas dahil sa sakit na nararamdaman ko *sob* h-hindi ko alam kung paano ulit ako magsisimula l-lalo na kung makikita ko sya at kasama niya pa yung babae na sobrang niyang mahal *sob*"
Narinig ko naman ang buntong-hininga nila at sabay kalas sa pagkakayakap saken. Halos lahat kami ay umiiyak na dito sa kwarto ko. Pinunasan naman ni Kyla yung luha ko gamit ang thumb niya.
" Hindi kita masisisi kung bakit minahal mo siya ng sobra ! At hindi ko rin masisisi kung manhid si Sky but Please ! Be strong kailangan mo ng mag move-on ! Kailangan mong ipakita sa kanya na hindi ka affected kailangan kapag nakasalubong mo siya Kailangan hindi ka iiyak ok ? "
Nakangiting sabi Ni Kyla. This time gumaan ang pakiramdam ko at nagawa ko ring ngumiti. Tama ! Kailangan kong magpakatatag kahit hindi ko alam kung hanggang saan ko kaya lalo na kapag nakita ko siya kasama si Monica.
" T-tama.! I need to move-on and forget him "
Nag fight sign naman sila kaya at sabay-sabay na nagtawanan.
" Go girl ! Maligo ka na at mag ayos bago tayo ma-late ! "
Sabi ni Ate Kairie at Maxine kaya ngumiti ako at tumango .
Sky Alvarez....
Pipilitin kong kalimutan ka at pakawalan ka.... Kahit sobrang sakit na...
__
PrincessDonalyn18
BINABASA MO ANG
Ms. Makulit Meets Mr. Cold Hearted Guy
Novela JuvenilSi Honey ay isang makulit na babae ... At sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya ang lalaking ubod ng suplado, cold at ayaw sa mga babae ... Pero paano mo ito mapapabago ? kung sa tuwing malapit na siya sayo ay kinakabahan ka at nauutal pa...