Beginning

258 5 1
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang makitang tanghali na. My goodness! Bakit naman ngayon pa? Unang araw ko pa naman sa food park ngayon. Kaya mabilis akong naligo at nagbihis ng komportableng damit. Nang naihanda ko na ang lahat ng kailangan ay nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito agad.

"Hello?"

"Rai..." si kuya.

"O, bakit?" Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Sure ka na ba talaga?" mababa ang boses niyang tanong.

"Oo no! Pinangako ko 'to kay Mama, and don't worry, I knew everything about it," pursigidong sagot ko.

Naiintindihan ko naman na gusto ni Kuya na mas maganda pa rito ang pagkaabalahan ko. Pero simula yata nang nagkaisip ako, nakita ko nang ginagawa na ito ni Mama at madalas ako ang saksi ng pagkagusto niya sa pagluluto at paglilingkod sa mga tao sa food park. Narinig ko ang buntong-hininga ng kapatid ko hudyat na suko na siya.

"Okay, sige na. Basta, I'll find time to help you out," pagsang-ayon niya. Seryoso ba siya?

"Eh hindi ba may trabaho ka? 'Wag na, kayang-kaya ko na 'to," tanggi ko.

"Kung ayaw mong tumutol ako d'yan, pumayag ka na," sabi niya na may awtoridad.

"Okay, okay. Sige na, ikamusta mo na lang ako kay Ken. Bye!" Pinutol ko na ang tawag kahit may sasabihin pa siya.

Nakalimutan ko tuloy na nagmamadali nga pala ako. Paglabas ko ng unit ay diretso na ako sa basement kung nasaan ang kotse. Pinagsiksikan ko sa loob nito ang mga ibang tapos nang pagkain na ititinda ko. Huminga ako ng malalim bago humawak sa manibela at nag-drive paalis.

Pagdating sa food park ay marami na ang mga tao at naka-assemble na ang halos lahat ng negosyante. Tiningnan ko ang hilera ng mga stalls kung saan nakalinya ang pwesto ko at 'yung akin na lang ang walang tao! Dumiretso na ako roon at nagsimulang mag-ayos.

Pastries, coffee and floats ang mga tinda ko kaya bakery style ang stall ko, painted with baby pink and black. Sa ngayon ay wala pa akong kasama sa negosyo-slash-libangan ko na rin na ito. Sana nga ay 'yung asawa ng kapatid ko kaso nga lang ay buntis ito ngayon, ayoko namang mapagod iyon dito. Well, nag-post naman na ako sa mga social media accounts ko kung sino ang interesado na tumulong at magtrabaho sa food park.

Nang natapos ko ang lahat ay naghintay na ako ng mga customers. Pasado alas otso na pero sigurado ako na may bibili pa naman niyan ng mga coffee drinks na tinda ko. Kung gusto naman nila ay 'yung mango float, choco float o ang ibang flavors. May mga homemade rin naman akong cupcakes, cookies at cakes na pinagpuyatan ko kagabi.

Naupo muna ako at tiningnan ang dagsa ng tao. First day ko pa lang naman at kabubukas ko lang kaya kaunting tiyaga lang sa paghihintay ng customers.

"Yes ma'am! Mayroon kaming different pizzas." Nagawi ang atensyon ko sa katabi kong stall na apat na lalaki ang nag-aasikaso.

"Kung health conscious, may veggie pizza. Kapag sobrang gutom ka, overload pizza, at kung nasaktan ang puso mo at gusto mong maghilom 'yan, bumili ka lang at may libre kang halik sa 'kin," may kindat pang sinabi ng isa sa mga lalaking nanghihila ng customers ngayon.

Anong klase namang pakulo 'yon? Ginagamit lang niya ang appeal niya sa babae. Bigla namang may mga lumapit ngang customers sa kanila at halos mga babae ito, kung mayroon mang mga lalaki ay ginagalang ko ang mga preference nito. Walang lugar ang diskriminasyon sa mundong ito. Todo ngiti naman ang lalaki at nagpahalik nga siya sa pisngi. Napadako ang tingin niya sa pwesto ko kaya naabutan niyang nanonood ako. Ngumiti siya at kumindat pa sa akin, hindi ko lang pinansin.

"Ateng maganda! How much is this cupcake?" Nagulat naman ako sa isang batang lalaki na bumibili.

"Twenty pesos each, ano'ng gusto mo?"

Clandestine MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon