Chapter 16

56 3 0
                                    

Pagdating ng araw ng Linggo ay kumilos na ako agad sa paghahanap ng katawan ni Marco. Una kong pinuntahan ang station ng mga pulis na humanap noon sa kanya.

Buti na lamang at hindi na ako nahirapan dahil sinabi kong kamag-anak ako ni Marco at matagal na rin ang kaso.

Isang barrio na may kalayuan dito ang huling lugar na napag-alamang pinuntahan niya ng mag-isa. Pagkatapos ay umuwi ako sa unit at kinuha ang mga naihandang gamit at pera ko. Hindi ko pinaalam ito kay Kuya o kahit kay Lola Cel. Basta isang tao lang ang pinagsabihan ko nito.

"Ilang araw tayo roon?" tanong ni Mike pagpasok ko sa kotse niya.

"Wait! May important meetings ka ba hanggang Martes? Kung meron, iwanan mo na lang ako roon," sabi ko lang.

"What?! Hindi ko gagawin 'yon! May mangyari pa sa 'yo," sabi lang naman niya bago pinaandar ang kotse.

"Kaano-ano mo ba kasi 'yang hahanapin natin?" tanong ulit ni Mike habang abala ako sa pagtingin sa mga papel na nasa kamay ko.

"Basta, 'wag ka na lang muna mag-ingay, okay?" sagot ko lang.

Buong biyahe ay nagbibida lang si Mike pero kaunti lang naman ang naintindihan ko. Ilang oras pa ay huminto muna kami sa isang fast food chain na nakita niya.

"Kamusta nga pala ulit ang trabaho mo?" biglang tanong ni Mike nang makapwesto na kami sa loob. Nasa tabi kami ng salaming dingding ng fast food chain kaya kita ko ang mga tao at sasakyan sa labas.

"Ayos naman, mabait si Sir Kyle," sagot ko.

"Kyle? Kyle Del Carmen ba? 'Yon ang pinagtatrabahuhan mo?" gulat na tanong niya.

"Oo, kilala mo pala si Sir?"

"Medyo lang. Order na nga tayo," sabi lang niya.

Siya na ang pumila at pinaghintay na lang ako ni Mike rito sa table namin. Sa hindi kalayuan ay nakita ko sa labas ang dalawang nakaitim at naka-single na motor na mga lalaki yata. Nakahinto sila sa tapat ng fast food chain at parang nakatingin pareho sa gawi ko. Naka-helmet sila pareho kaya hindi ko talaga masiguro. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila dahil bumalik na rin naman agad si Mike sa table namin. Isinantabi ko muna ang kaba dahil napa-paranoid na naman ako. Hindi naman siguro sa akin mga nakatingin iyon.

"Alam mo Railey, birthday ko na next week," sabi naman bigla ni Mike. Pinaparinggan ba niya ako?

"So?" mapaglaro kong tanong.

"Baka may balak ka nang sagutin ako?" sabi niya at pareho pa kaming natawa.

"Hindi ka naman nanliligaw, Mike."

"Matagal na 'kong nanliligaw, iba lang ang meaning sa 'yo," sabi niya at tinitigan pa ako.

Umiwas ako ng tingin at kumagat sa burger para itago ang ngiti dahil sa sinabi niya. Aaminin ko naman na sa sarili ko na affected talaga ako kay Mike, ang problema lang, ayoko pa yata pumasok sa relasyon. Hindi ko pa maintindihan ang sarili ko.

"O! Natahimik ka?" mapaglarong tanong naman niya.

"Kumakain kasi ako," sagot ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Kapag ba kumakain ka, hindi ka rin tumitingin sa kausap mo?" nagpipigil-tawa niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya at kita ko agad ang mapangloko niyang ngiti. Ibinaba ko ang burger na tatlong beses ko pa lang nakakagatan.

"Nawawalan ako ng gana kapag nakikita ko 'yang mukha mo!" inirapan ko pa siya pagkasabi ko noon.

"Wow! Kagwapo kong 'to. Pasalamat ka! Patay na patay sa 'yo ang may-ari ng mukhang sinasabi mo," confident naman niyang sinabi. Natawa lang naman ako.

Clandestine MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon