"Sa isang araw mo pa makukuha ang kotse mo," pagsisimula ni Mike habang nasa loob kami ng kotse niya.
"Huh?! Ang bagal naman ng paggawa niyan. Nako Mike ha," tiningnan ko siya ng masama.
"Oh, bakit na naman?" Kunwari inosente pa siya. Hindi niya ako maloloko.
"Pakulo mo na naman 'yan? Baka pinapatagal mo talaga ang pagpapagawa," pagbibintang ko sa kanya.
"Ang judgmental mo. Akala mo naman kagandahan ka," papahina niyang sinabi ang huling mga salita pero narinig ko pa rin.
Marahas na lang akong bumuntong-hininga at tinuon ang atensyon sa mga nadaraanan namin. Hanggang bukas akong ganito kung ganoon? Sana lang ay manahimik naman ang lalaking ito. Habang nakatulala sa bintana ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking naka-all white na nakatayo sa dulo ng isang pedestrian lane. Huminto ang kotse ni Mike at dumaloy ang mga taong tumatawid. Natabingan ang vision ko sa lalaki at nang muling umandar ang kotse ay wala na ito sa kanyang pwesto. Paano? Saan na nagpunta 'yon? Kahit lumampas na ang kotse sa pedestrian lane na iyon ay pilit ko pa rin itong nilingon.
"Anong tinitingnan mo?" tanong ni Mike nang mapansin niya ako.
"Wala, mag-drive ka lang diyan," sagot ko lang at wala naman na siyang sinabi.
Pagdating namin sa food park ay tinulungan niya ako sa pagbuhat ng mga paninda ko at sabay kaming naglakad papunta sa kanya-kanyang stall. Bakit ba parang walang pakialam ang lalaking ito sa mga kasama niya sa stall nila? Ang alam ko lang na naitutulong niya ay ang panghihila ng mga customers. Parang wala nga rin siyang kaalaman sa paggawa ng pizza na itinitinda nila e. Binaba niya ang mga boxes sa harap ng stall ko at kunwaring nagpunas ng pawis kahit wala naman.
"Thank you," pagpapasalamat ko lang at umiling-iling naman siya na tila dismayado sa sinabi ko.
"Walang kiss?" Inirapan ko lang siya.
"Tigilan mo 'ko ha," sinabi ko lang naman at napa-pout lang siya ng labi.
"Ang sungit!" komento niya. Hindi ko na siya pinansin kaya pumunta na rin sa mga kasamahan niya.
"Oh my gosh! Late na ba ako Ate?" Nagulat ako sa biglang pagdating ni Brianna na may buhat na isang box.
"Hindi pa, kadarating ko pa lang naman," sagot ko at nakahinga naman siya ng maluwag.
Nag-ayos na kami ng mga display na cupcakes at cookies. Nagdala rin si Brianna ng red velvet at muffins kaya dumami pa lalo ang tinda namin. Ilang minuto lang ang lumipas ay marami-rami na ring customers ang lumapit sa stall namin. Si Brianna ang naka-assign sa mga cupcakes at ako naman sa mga drinks, mas mabenta talaga kami kapag umaga. Nang matapos ko ang isang order ng kape ay dinala ko ito sa counter at muntik ko pa itong mabitawan nang makita ang isang lalaking naka-all white. Pero nang makita kong may logo ng isang ospital ang suot niya ay napagtanto kong nurse siya. Paranoid ka lang Railey!
"Ate Railey, ang bait pala ng mga tao rito sa food park," nakangiting sabi ni Brianna.
"Gano'n talaga. Kapag mabait ka sa isang tao, mabait din sila sa 'yo," sabi ko at nginitian ko siya.
May mga dumagsa ulit na customers at puro lalaki ang mga ito. Naramdaman ko ang pagkailang ni Brianna kaya naman tinabihan ko siya. Sa itsura pa lang ng mga lalaking ito ay makikita mong mayayamang pamilya ang pinanggalingan. Well, lahat naman ng kumakain sa food park na 'to. Kaso, minsan kung sino pa ang nagmula sa edukadong pamilya, iyon pa ang mga bastos. Pero hindi ko naman nilalahat. May mga naliligaw lang talaga na masyadong lumalaki ang ulo.
"Miss, magkano kayo? I mean, 'yung tinda niyo?" Tumawa ang mga kasamahan ng lalaking ito at tumaas lang ang kilay ko.
"Kung bibili ka, tinuan mo ang pagtatanong," sagot ko lang naman.
BINABASA MO ANG
Clandestine Mark
Mystery / ThrillerCompleted. Iba't iba ang uri ng mga tao. May mayaman, mahirap, maganda, simple, matangkad, at kung ano-ano pa. Si Railey, isang tipikal na babae. Nakapagtapos ng pag-aaral, maganda, at mabait. Naulila man silang magkapatid ay namumuhay pa rin siya...