Chapter 29

30 2 0
                                    

Kanina pa ako tumitingin sa mga librong naka-display, hindi ko pa alam kung anong kukuhanin ko dahil sa daming mga nakakainteresadong plot.

"I think mas maganda ang isang ito." Bigla akong napatayo ng matuwid nang may magsalita sa gilid ko.

Nilingon ko ang lalaki na mukhang galing sa trabaho dahil naka-suit siya at nakita ang kasama niyang anak. Napatagal ang pagtitig ko sa kanya.

"Kyle?" Nagulat siya nang masabi ko ang pangalan niya.

Naalala ko nga pa lang nagkita kami dati noon sa mall at ang mga pinag-usapan namin ay tungkol sa akin.

"Nakakatuwa naman na naalala mo pa ang pangalan ko. Anong ginagawa mo rito, wala kang kasama?" Umiling ako.

"Wala, maayos na rin naman ako. Naalala ko na lahat." Nagulat siya sa sinabi kong iyon.

"Daddy, siya ba yung babaeng nakita natin sa church noon?" tanong ng anak niyang lalaki.

Nginitian niya ang anak at parang nakita ko sa kanya si Kuya Ralph. Bigla ko tuloy naisip kung nasaan na ba si Ate Maureen at ang mga anak nila ni Kuya.

Napagdesisyunan naming mag-usap ni Kyle sa isang fast food chain na paboritong puntahan ng anak niya. Doon ko rin nakwento ang lahat ng nangyari sa akin kaya unti-unting nawala ang pagtataka niya at naintindihan na ang sitwasyon ko.

"So? Ano nang nangyari sa taong iyon?" tukoy niya kay Glen.

"Nagsampa na ng kaso si Mike, pero nagtatago siya ngayon." Tumango-tango siya.

Ilang sandali lang kaming nag-stay roon hanggang sa magpaalam na rin ang mag-ama na aalis na. Habang tinatanaw silang paalis ay mabigat ang pakiramdam ko. Para akong malalayo sa pamilya. Sobra ko na talagang nami-miss ang lahat ng mga mahal ko sa buhay.

Ipinagsawalang-bahala ko iyon at kinuha ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Mike. Hahanapin ko sana ang number ng driver para magpasundo nang unang makita ang numero ni Brianna. May ideya na nagtulak sa akin na i-text siya. Sigurdong kay Mike nakapangalan ang numerong ito at alam kong pupunta siya kapag nakita ang text ko.

Brianna, kung hindi ka busy pwede ba tayong magkita? Importante lang.

Hinintay ko ang reply niya at agad naman akong nakatanggap. Nag-reply ako kung saang lugar at nang mai-send iyon ay nagpahatid na ako sa coffee shop na pagkikitaan namin.

Ilang minuto lang akong naghintay at nakita ang pagdating niya. Nang makita niya ako ay kumunot agad ang noo niya. Tiningnan niya ang phone at nag-type doon. Nag-ring ang cellphone na hawak ko at mukhang tinawagan niya ang numerong ito.

"Brianna, mag-usap tayo."

Agad siyang napalingon sa akin nang marinig ang pagsasalita ko sa kabilang linya ng tinawagan niya. Pinatay niya ang tawag at mataray akong nilapitan sa pwesto ko.

"Hindi ko alam kung anong namamagitan sa inyo ni Mike, pero hindi mo na kailangan ipamukha sa akin, Railey." May diin ang pagbanggit niya ng pangalan ko. Hindi na talaga siya ang dating Brianna na nakilala ko.

"Please, hindi ako nandito para ipagmalaki ang kung ano." Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo.

Hinawakan ko ang braso niya pero hinawi niya ang kamay ko. Medyo nakaagaw iyon ng atensyon ng ilang mga tao rito.

"Kailangan ko ang tulong mo."

Ngumiti siya ng sarkastiko sa akin.

Clandestine MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon