Chapter 33

30 1 0
                                    

"Daddy, look at the news!" tawag sa akin ng anak ko.

Nakita ko sa balita ng mukha ni Railey at ng lalaking si Mike. Pinapaligiran sila ng mga pulis para hindi malapitan ng mga reporter.

"She's Ate Railey right?" Tumango ako sa tanong ng anak ko.

Narinig ko ang biglang pagsinghap ni Brianna sa likod ko. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala siya. Magsasalita na sana ako para kausapin siya nang nagmadali siyang umalis ng bahay.

"What happened to Tita Bri, Dad?"

"Baka may nakalimutan lang siya, son." Ngumiti ako sa kanya para hindi na ulit magtanong.

Alam ko ang naging paghanga ni Brianna kay Mike. Hindi ko nga alam kung nagkatuluyan ba sila. At ngayong nakikita ko silang dalawa ni Railey ay mukhang silang dalawa ang may relasyon. Bigla ko namang naalala na ibigay kay Railey ang kwintas, alam kong sa kanya ito at maaaring naiwan lang sa opisina ng kapatid ko.

Kaya naman kinabukasan habang papunta ako sa paborito kong restaurant at makita siyang kasama si Mike at ang isang lalaki ay napagdesisyunan ko na itong ibalik sa kanya. Pero nagulat ako nang matanaw hindi kalayuan sa labas ng restaurant si Brianna, may kalayuan siya pero tanaw ko ang poot sa mukha niya habang nakatingin kina Railey. Kinutuban ako roon. Alam kong hindi kayang gumawa ng masama ng kapatid ko pero malaki na ang ipinagbago niya ngayon.

Kaya imbes na lapitan sina Railey ay mas pinagtuunan ko na lang ng pansin si Brianna. Umalis din siya agad kaya naman pasikreto akong sumunod. Mabilis ang patakbo niya pero agad ring nahalo sa traffic. Halos isang oras ang tinagal namin sa daan bago niya inihinto sa isang tulay ang kotse. Bumaba siya at kinabahan agad ako kaya bumaba na rin ako.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. Rumehistro ang sandaling gulat sa puro luha niyang mga mata. Naawa ako sa kapatid ko dahil doon.

"Ano bang ginagawa mo rito Brianna?!" galit kong tanong.

"Kuya! Hindi ko na kaya!" umiiyak niyang sagot.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Malakas ang ihip ng hangin sa kinatatayuan naming dalawa.

"Tapos ano?! Magpapakamatay ka! Dahil lang sa lalaki?" Huminahon siya sa pag-iyak.

"Masakit kasi e, hindi ko alam kung paano ako magsisimula."

Imbes na sumagot ay niyakap ko na lang siya. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungang makalimot dahil kahit ako, hindi ko pa rin makalimutan ang pang-iiwan sa akin ng mahal ko.

"Hindi ito ang solusyon, umuwi na tayo ha," pagpapatahan ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtango niya.

Hindi ko alam kung kakayanin kong mawala sa akin ang kapatid ko. Kung may alam lang akong paraan para alisin lahat ng masasamang nararamdaman niya ay gagawin ko.

Napilit ko siyang umuwi na lang at nasa likod lang ang kotse ko habang nauuna naman siya mag-drive. Tahimik lang ako habang iniisip kung dapat ko pa bang iwanang mag-isa ang kapatid ko. Hindi ko alam na kaya pala niyang magdesisyon ng ganito karahas.

Lumipas pa ang dalawang araw at nagdesisyon akong pumunta kami sa isang bakasyunan. Malayo ito sa siyudad at siguro kahit papaano ay magiging magaan ang pakiramdam ni Brianna rito.

Pero ganoon na lang din ang pagsisisi ko nang makitang nandito rin pala sina Mike at Railey.

"Tutuloy pa ba tayo?" tanong ko habang tinitingnan namin sina Railey na nakaupo sa beach front.

"Oo naman, ito ang unang beses na pupuntang beach ang anak mo Kuya." Ngumiti lang ako. Nagpakita naman siya ng kaunting saya.

Hinayaan ko lang siya sa buong araw na iyon sa beach. Nakipaglaro lang ako sa anak ko habang nakabilad lang naman siya sa araw. Natanaw ko naman sa hindi kalayuan sina Railey at Mike na payapang nag-uusap. Tumingin ako kay Brianna at naroon na rin pala ang atensyon niya sa dalawa. Pinanood kong muli sina Railey at Mike at nakita ang pagyakap nila sa isa't isa saka iniwan ni Mike si Railey na mag-isa sa harap ng mga alon ng dagat.

Binalik ko ulit ang tingin kay Brianna at nagulat ako sa pagtayo niya. Akala ko ay susundan niya si Mike pero kay Railey siya dumiretso. Hinayaan ko muna ang anak ko na maglaro sa buhanginan at itinuon ang atensyon sa dalawa. Nakaupo sa buhangin si Railey at tinabihan siya ni Brianna. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero wala naman akong napansin na masamang nangyayari. Natanaw ko naman ang biglang pagdating ni Mike pero nang makita niyang magkasama ang dalawa ay napahinto siya. Sandali lang niyang tinanaw ang dalawa bago ulit bumalik sa loob ng beach house.

Mukhang nakikipagbati na ang kapatid ko. Sana lang ay sincere siya sa kung ano mang ginagawa niya.

"Dad, is that Ate Railey?" Binigay ko ang atensyon ko sa anak ko at nakita ang inosente niyang mukha.

Tinuturo niya ang gawi nina Railey at Brianna habang hinihipan ng malakas na hangin ang buhok niya.

"Yeah," sagot ko sabay ngiti.

"Really? I wanna go there, then."

"Son, nag-uusap sila. That might be adult things, so that means, bawal ang bata, right?" Nakita ko ang lungkot sa mukha niya pero agad rin niyang binawi at mukhang may naisip.

"Maybe, I can go there when I'm with you, so you can cover my ears?" puno ng pag-asa niyang suhestiyon.

Natatawa akong umiling at hinila na lang siya palapit sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat. Lumalaki ng matalino ang anak kong ito. Sa mukha niya ay mas nakikita na ang ilang pagkakahawig niya sa ina.

"Later, okay? For the mean time, let us enjoy the beach."

"Okay, I will play again until I can talk to Ate Railey," sagot niya bago inabala ang sarili sa paglalaro.

Pinanood ko lang siyang tumakbo-takbo nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Mike. Lumingon ako sa kanya at tinanguan naman niya ako.

"Hindi ko akalain na kakausapin ni Brianna si Railey," sabi niya.

"Ako rin," sagot ko naman, napapanatag sa tanawin ng dalawang babae na medyo nagkakatawanan na ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata at nakita ang isang madilim na lugar na iniilawan lamang ng bahagya ng buwan. Nakaramdam din ako ng malamig na hangin, parang may dalang hamog. Agad akong napadilat at nagulat sa nakita sa isipan kong iyon. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin, hindi ko rin alam kung saan nagmula.

"Ayos ka lang?" tanong bigla sa akin ni Mike.

Tumango ako at nakita ang anak kong palapit na sa akin, nakangiti siya at ginantihan ko rin iyon ng ngiti, bahagya nga lang dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Parang may hindi magandang mangyayari.

Clandestine MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon