Kinabukasan ay napag-isip-isip kong umuwi na sa mansyon. Wala rin namang kwenta kung mananatili pa akong nakahiwalay kay Glen. Engaged na kami at hindi magandang tingnan kung nag-aaway pa kami ng ganito. Iniisip ko tuloy, kung hindi siguro kami bumalik dito, walang ganitong mangyayari.
Hindi ko na tinawagan pa ang driver ko para makapag-commute na lang. Sumakay ako sa isang taxi at sinabi kung saan ko binabalak na pumunta.
Habang nasa pila ng mga sasakyan ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko ang paglabas ng hindi kilalang numero doon.
"Hello? Sino 'to?"
Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya pero paghinga lang ang naririnig ko.
"Hello?"
"Mag-ingat ka," boses ng isang babae ang nagsalita.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?" tanong ko pero naputol na ang linya.
Tinawagan ko ulit ang number pero hindi na ito reachable. Kinabahan ako dahil sa sinabi niya.
Nang makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko ang mall at doon ko muna pinaliko ang taxi. Dumiretso lang ako sa isang branch ng popular na pangalan ng café at doon pinakalma ang sarili. Nakakatawa dahil naisipan kong dito pa magpakalma.
Tumingin ako sa labas nitong café at nakita ang mangilan-ngilan na dumaraang tao. Hanggang sa nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha. 'Yung lalaking nakita ko sa simbahan noon. Lumabas ako ng café at sinundan siya. Pormal ang suot niyang damit at mukhang may dinaanan lamang dito. Hinawakan ko agad ang braso niya nang makalapit ako.
Magkasalubong ang mga kilay siyang lumingon sa akin. Pero unti-unti ring umaliwalas ang mukha niya nang makita kung sino ako.
"Pwede ka bang makausap?" diretsahang tanong ko.
Tumango siya at napagdesisyunan kong doon na kami sa café na pinanggalingan ko. Nakaramdam ako ng hiya at pagkailang nang makaupo na kami at ngayong kaharap ko siya.
"Gusto ko lang malaman kung nagkakilala na ba tayo dati?" tanong ko.
Huminga siya nang malalim bago sumagot.
"Hindi pa, sa tingin ko. Kamukha mo lang 'yung employee ko dati. Kamukhang-kamukha."
"Yung employee mo ba na iyon ay si Railey?" Tumango siya bilang pagsagot.
"Kung ganoon ay kilala mo si Mike? Tinawag din niya akong Railey," sabi ko pero kumunot ang noo niya.
"Wala akong matandaan na Mike, pero may kilala akong Ralph. Kapatid siya ni Railey, kaso nga lang ay isang taon na rin siyang patay," sagot niya at umulit sa utak ko ang sinabi niyang pamilyar na pangalan.
"Kuya naman, sino ang magbabantay sa stall ko kung sakaling kunin ko 'yan?"
"Kapag ba may naisip akong paraan ititigil mo na 'yan?"
"Basta Kuya, ayoko," sagot ko.
"Bahala ka! Sana magbago pa ang isip mo."
Dahil sa alaalang lumabas ay medyo nahilo ako. Ang sabi sa akin ni Glen ay ulila na ako. Pero alam niya kung saan nakalibing ang mga magulang at kapatid ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya nang mahalata ang paghawak ko sa ulo.
"Ayos lang, medyo may naalala lang ako."
BINABASA MO ANG
Clandestine Mark
Gizem / GerilimCompleted. Iba't iba ang uri ng mga tao. May mayaman, mahirap, maganda, simple, matangkad, at kung ano-ano pa. Si Railey, isang tipikal na babae. Nakapagtapos ng pag-aaral, maganda, at mabait. Naulila man silang magkapatid ay namumuhay pa rin siya...