Chapter 20

38 1 0
                                    

Tanghali na ng magising ako, late na rin kasing nakatulog kagabi. Dumiretso ako sa banyo para maligo at makalabas na para kumain. Ilang minuto lang ang itinagal ko roon dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.

"Ma'am, pinapasunod po kayo ni Sir sa ospital. Pumunta raw po kayo sa opisina niya mamaya," biglang sinabi sa akin ng isa sa mga kasambahay nang maupo na ako sa harap ng dining table.

"Bakit daw?" tanong ko pero hindi rin daw niya alam.

Kaya pagkatapos kong kumain ay nilinis ko lang ng bahagya ang sarili at nagbihis na. Hindi naman na ako nire-require na magpa-check up ni Glen, kaya't baka may ibang bagay siyang sasabihin sa akin.

Paglabas ko ng mansyon ay nagulat ako na hindi si Manong Fred ang driver na nagbukas ng sasakyan ko, mas bata ito at seryoso ang mukha. Wala ba si Manong? Imposibleng magpahatid si Glen.

"Kuya, si Manong Fred?" tanong ko kahit sa tingin ko'y hindi appropriate na itanong iyon. Nagmumukhang ayaw ko sa kanya.

"Nagpalit po kami. Si Sir Daniel na po ang hinahatid niya," sagot nito.

Ang Papa na ni Glen ang hinahatid ni Manong. Bakit bigla silang pinagpalit? Dahil ba sa naibida sa akin ni Manong? Kaya siguro kagabi ay nandito ang Papa ni Glen.

"Sige po, thank you."

Pumasok na ako sa kotse at agad na ring pumasok ang driver. Pinaandar na niya ang makina kahit hindi ko pa sinasabi kung saan pupunta, mukhang sinabi na rin sa kanya.

Almost one week pa lang ako rito sa mansyon at wala pa akong makausap bukod kay Glen at sa mga tauhan. Hindi ko alam kung may mga kaibigan ba ako dati o wala. Hindi ibinida sa akin ni Glen ang social life ko. Pakiramdam ko tuloy hindi niya alam ang buong istorya ng buhay ko bago ako nagka-amnesia.

Sumagi naman bigla sa isip ko ang lalaking nakita sa simbahan kahapon. Kung makikita ko ba siya ulit, kakausapin ko na ba siya? Mukha namang may alam siyang kahit kaunti tungkol sa akin o baka wala dahil napagkamalan lang naman niya ako. Pero hindi ko na alam kung paano ulit kami magkakasalubong, sana lang sa susunod na magsisimba ako roon ay makita ko ulit siya.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang mabilis na pagkakabiyahe at ipina-park na ang kotse. Pinagbuksan muli ako ng driver para makalabas nang matapos niyang iayos ang posisyon ng kotse.

Sa elevator ang diretso ko dahil nasa pang-apat na palapag pa ang opisina ni Glen. Hindi naman na ako maliligaw dahil dinala na niya ako rito kamakailan lang.

Madaming sakay sa loob kaya sa mismong harapan na lang ako pumwesto. Nakarinig ako ng ring ng cell phone na agad ring huminto.

"Hello? Sir? Naipadala ko na po... Okay po... Send ko na lang po kay Sir Mike... Sige po."

Mike, pamilyar sa pandinig ko ang pangalang iyon. Pinilit kong alalahanin kung saan ko na narinig ang pangalang iyon pero unti-unti lang sumakit ang ulo ko. Bumukas ang elevator sa palapag na pupuntahan ko kaya agad akong lumabas, pinipilit pa ring alalahanin kung sino si Mike.

"Christina, hija!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang Papa ni Glen na matamis ang ngiti sa akin.

"Tito."

Ngumiti lang din ako sa kanya dahil hindi kami ganoon ka-close sa isa't isa.

"Papa na lang ang sabi ko 'di ba?" natatawa niyang pinaalala.

Nakasama naman namin siya ni Glen sa New York ng ilang araw, pero agad ring umuwi rito dahil inaasikaso ang ospital. Kaya hindi kami ganoon kalapit, bukod pa na wala rin akong maalala kahit isa tungkol sa kanya tulad ni Glen.

Clandestine MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon