Pagkaubos ng mga cakes at cookies na tinda ko ay nag-ayos na ako para makaalis. Kailangan ko pang ma-meet si Brianna at ayoko namang paghintayin ito ng matagal.
"Railey, aalis na ako ha? Nand'yan na pala ang driver namin," paalam na sa akin ni Ate Mau.
"Sige, ingat Ate," sabi ko lang saka kumaway sa kanya at ganoon din ang ginawa niya.
Natapos ko nang ligpitin ang lahat nang lapitan ako ni Mike. Nakahalukipkip pa siya na akala mo ay pag-aari niya ang buong food park. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay. Pagkatapos ay sumandal siya sa counter ng stall ko.
"Ang aga mo na namang aalis, bakit hindi mo damihan ang tinda mo?" sabi niya.
"For your information, homemade ang mga tinda ko at mag-isa lang akong gumagawa no'n," sagot ko naman sa kanya.
"Edi tutulungan kita," nabigla ako sa sinabi niyang iyon.
"Sayang ang mga oras Railey. Kung matatapos mo ang araw na ito, malaki ang kikitain mo. Parang sa pag-ibig, kung mas binibigyan mo ito ng sapat na oras mas magtatagal ito. Pero—"
"Thanks and bye!" simpleng sabi ko lang. Umalis na ako at hindi na siya pinakinggan. Ang daming alam, gusto kong magsisi na nakakilala ako ng ganoon kadaldal na tao.
"Ay, grabe ka! May ipinapayo pa ako!" pahabol niya na hindi ko na pinansin.
Dumiretso na ako sa kotse ko paglabas dahil baka ma-late pa ako sa usapan namin ni Brianna. Bago ako umalis sa parking lot ay tiningnan ko muna ang paligid, walang signs ng lalaking nakaputi. Nag-drive na ako paalis at medyo natagalan sa pagbiyahe bago narating ang restaurant. Lumabas ako ng kotse at pagpasok doon ay sinalubong agad ako ng isang crew bago iginiya sa table na pina-reserve ko. Nakita ko sa table ang isang babae na maaaring si Brianna na may kausap na lalaking naka-suit na mukhang hindi naman nalalayo ang edad sa amin. Boyfriend niya? Umalis din naman ang lalaki bago ako tuluyang makarating sa table.
"Ikaw na siguro si Miss Railey?" agad na tanong ni Brianna nang makita ako.
"And you must be Brianna?" Ngumiti siya at nakipag-shake hands.
"Nice meeting you, by the way, Railey or Rai na lang ang itawag mo sa akin," sabi ko na sinang-ayunan naman niya.
Mukhang mas bata sa akin si Brianna ng isa o dalawang taon. Maganda siya at simple, anak mayaman yata. Brown ang straight niyang buhok at sobrang ganda ng mga mata. Siguradong maraming manliligaw ito, pero boyfriend niya yata 'yung kanina eh.Hindi ko kasi masyadong nakita ang mukha, puro likod lang. Nag-order na kami at habang naghihintay ay nagsimula na akong magsalita.
"Uhm, kailan mo ba gustong magsimula?" tanong ko. Lalo kong na-appreciate ang inosente niyang mga mata nang tumingin siya sa akin.
"Tomorrow, pwede po ba?" tanong niya. Naramdaman kong medyo nahihiya pa siya.
"Sure! Ah, 'wag mo na akong gamitan ng po at opo, hindi naman yata tayo nagkakalayo ng edad," pabiro kong sinabi. Ngumiti siya at gano'n din ang ginawa ko. Hindi ko inaasahang ganito pala siya kahinhin.
"Huwag ka na nga rin pala mag-alala tungkol sa uniform, magsuot ka lang ng kahit anong komportableng white na damit. May provided naman nang apron," paalala ko naman.
"Ate Railey, first time ko lang na magtatrabaho. Advance sorry na kung may magawa ako bukas," pagpapaumanhin niya. Medyo nagiging komportable na rin siyang makipag-usap.
"'Wag mong isipin 'yon! Sa ganda mong iyan, willing na maghihintay ang mga bibili sa atin," cheer up ko naman sa kanya.
Tumawa kami pareho sa sinabi kong iyon at nag-usap hanggang sa tuluyang maging komportable sa isa't isa. Matapos ang kaunting reminders ay tinapos na namin ang pagkain at nagpaalam na akong uuwi. Nagprisinta rin si Brianna na gagawa ng iba pang pastries na kaya niyang gawin na malugod ko namang pinayagan. Paglabas ng restaurant ay dumiretso na ako sa kotse para makauwi. Medyo mabilis pa naman ang takbo ng mga kotse kaso nga lang ay parang may naramdaman akong nangyari sa kotse ko. Iginilid ko ito at bumaba para tingnan, sarkastiko lang akong napangiti sa sarili. Sumabog lang naman ang gulong. Yeah! Dito sa kalagitnaan ng kung saan. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Kuya pero hindi naman sinasagot. Okay, positivity Railey! Don't stress yourself. May isang magarang kotse ang huminto sa harap ko at kinagulat ko ang lumabas mula roon.
BINABASA MO ANG
Clandestine Mark
Misterio / SuspensoCompleted. Iba't iba ang uri ng mga tao. May mayaman, mahirap, maganda, simple, matangkad, at kung ano-ano pa. Si Railey, isang tipikal na babae. Nakapagtapos ng pag-aaral, maganda, at mabait. Naulila man silang magkapatid ay namumuhay pa rin siya...