Chapter 10

64 1 0
                                    

Ngayong araw ay normal working days lang ulit, nandito ako sa table ko at gumagawa ng mga paper works, sumasagot sa mga nagpapa-appointment at nagre-receive ng kung ano-ano. Si Sir ay nasa meeting kanina pang umaga at may meeting ulit siya ng lunch kay Mr. Morales. Malapit na nga ang oras ng meeting na ito e. Tutok na tutok lang ako sa monitor ng computer nang marinig ko ang pagtunog ng elevator, hindi ko muna ito nilingon at minadali ang itina-type. Narinig ko ang tunog ng mga hakbang ng kung sino man at tumigil ito sa gilid ng table ko.

"Railey, sumama ka sa akin sa meeting ko ngayon," nagulat pa ako nang magsalita si Sir Kyle.

"Okay po, Sir. Ano po bang dadalin ko?" tanong ko at inayos ko na ang mga gamit ko sa table. Isinukbit ko na rin ang aking sling bag.

"It's up to you. Just make sure to note all the important things later," sagot niya at pumasok muna sa office niya at lumabas din agad.

"Doon ka na sa kotse ko sumakay," sabi niya at sabay na kaming naglakad papasok sa elevator.

Habang nasa loob ng elevator ay sunod-sunod ang mga kinakausap niya sa cellphone. Sa tingin ko ay mga meetings ulit, mayroon rin naman siyang natataasan ng boses kaya pati ako ay napapapikit sa bawat sigaw niya. Buti na lamang at wala kaming kasabay rito sa elevator.

"Railey, may meeting ako bukas kay Mr. Castillo ng 1:00 p.m.," sabi niya sa akin na kinagulat ko pa. Agad kong nilabas ang planner ko at halos nataranta pa bago naisulat ito.

"And with Mr. Chua again, 8:00 a.m. Ilang meetings ang mayroon ako bukas?" tanong pa niya kahit hindi pa ako tapos magsulat.

"Ahm..." mabilis kong binilang ang mga nakalista.

"Seven meetings in all Sir. Three meetings in the morning and four in the afternoon," sagot ko at inayos na rin agad ang mga bitbit na gamit.

"Anong huling meeting ko bukas?" tanong niya at may itina-type na siya sa kanyang cellphone.

"Kay Mr. Fred Gamboa po, 5:00 p.m.," sagot ko at bigla siyang napaisip.

"Cancel it. Sabihin mo sa kanya sa isang araw na lang," utos niya bago ibinulsa ang cellphone.

Hindi na ako nagtanong at bumukas na rin naman ang elevator sa basement. Lumakad na kami palapit sa kotse niya at nauna siyang pumasok. Akala ko pa naman gentleman si Sir Kyle. May itsura sana kaso katulad ng sinabi ni Miss Eliza, may kasamaan ang ugali, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Well, secretary lang naman ako. Pumasok na rin ako roon sa front seat at nag-seatbelt. Agad naman na siyang nag-drive paalis.

Tahimik lang kaming pareho sa loob at wala rin naman kaming pag-uusapan. Kinuha ko muna ang phone ko at nag-set ng alarm kung anong oras ko mamaya ire-remind ang ipina-cancel na meeting ni Sir. Pagkatapos ay wala na akong magawa kaya tumunganga na lang ako sa labas at tumingin sa side mirror sa gawi ko. Napansin ko ang isang itim na motorsiklo na nasa likod namin, parang pamilyar sa akin ang sasakyang ito. Niliko ni Sir Kyle ang kotse at lumiko rin naman ang motorsiklo, kapag bumabagal ang takbo namin ay hindi ito nago-overtake. Hindi naman sa pagiging paranoid pero pakiramdam ko ay sumusunod ito sa amin. Lumiko na ulit ang kotse ni Sir sa parking lot ng isang kilalang restaurant at nakasunod pa rin ang motorsiklo. Nang bumaba si Sir ay agad rin akong bumaba para tingnan ang nagda-drive no'n, pero umalis rin ito nang hindi man lang tinatanggal ang helmet. Parang nakita ko na talaga ang motor na 'yon e. Saan ba?

"Railey! Let's go," tawag sa akin ni Sir na magkasalubong na ang mga kilay.

"Sorry Sir," sabi ko at nginitian lang siya ng bahagya. Hindi naman niya ako pinansin saka naglakad papasok ng restaurant.

Kinausap lang niya ang sumalubong sa aming tauhan ng restaurant at naglakad na ulit papunta sa isang exclusive table. Doon ay nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay si Mr. Morales, na hindi rin nalalayo ang edad sa amin. Agad itong tumayo ng makita si Sir Kyle.

Clandestine MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon