Kabanata 3

10.3K 307 9
                                        

AN / Napapansin nyo ba? Itong BEAUTIFUL DAYS at KAWAII LOVE ay kunektado pa din sa I FEEL FOR YOU,sa mga mata nina LEER at KLOYY nakatago ang mga nangyari ng maghiwalay sina URIEL at WINJI,kumbaga mga hindi nailahad sa I feel for you ang nandito at nandun sa KAWAII LOVE :D

Mabilis na lumipas ang araw,at laking pasalamat ko na naka cope agad si Winji sa paligid,hindi na ako matatakot na iwan sya mag isa sa bahay,sa sunod na pasukan pa nya balak pumasok,hindi kasi pwede ngayon,masyado ng late. Tuloy pa din naman ang buhay,pinagbubuti ko ang pag aaral,kami ni Clive? Bestfriends pa din ang tingin sa amin ng lahat,kahit pa ang totoo ay paunti unti na akong nagtatayo ng pader sa gitna naming dalawa.

Mahirap,kasi sa loob ng halos ilang buwan ay napatunayan kong nahulog na talaga ako sa kanya,and I dont want to have this feelings for him,natatakot ako na matulad kay Winji,natatakot akong masaktan.

Sa school ay ganun pa din kami,siguro hindi nya napapansin yung wall sa aming dalawa dahil lagi kaming magkasama,bestfriends nga eh. Pero pag nandyan na si Yanna ay nawawala ako sa eksena. Sino ba naman ako para mag reklamo diba?

Isang araw,kalagitnaan na ng 3rd semester o 3rd grading period ng mag umpukan ang mga classmates namin,kasama ako at si Clive,tamang kwentuhan lang hanggang sa napunta sa lovelife.

"Kaw tol,tagal nyo na nung Yanna ah? Swerte mo dun." ani Pol. Ewan parang biglang may tumusok na pana sa puso ko,pero hindi na lamang ako nagpahalata.

"Syempre,mahal na mahal ako nun eh." nakangisi nyang sabi sabay akbay sa akin. Syempre sa akin napunta ang pansin ng lahat.

"Kaya dapat,pati ang bestfriend mo magka boyfriend na din. Sayang ang ganda ni Nicolo." ani Tyra,ewan sumang ayon sila kaya medyo nakaramdam ako ng hiya.

"Okay lang naman siguro na isa sa amin ang maging dyowa mo Kloyy diba?" nakangising sabi ni Ver,isa sa pinaka gwapo pero makulit sa klase.

"Ayoko,wala pa sa isip ko yan. Pag aaral muna." ang sagot ko naman at nagtawanan sila,inasar nila si Ver na basted daw agad.

"Sayang,pumapatol pa naman ako sa bayot." pahabol pa ni Ver.

"Ang tanong,papayag ba ang bestfriend na ikaw ang makatuluyan?" panunuya ni Pol kay Ver,kahit papaano ay gusto kong malaman kung ano ang isasagot ni Clive,meron sa kaloob looban ko ang umaasa na sasabihin nyang hindi.

"Buhay naman nya yan,wala akong pakialam,tutal hindi din nya ako pinapakialaman." sagot ni Clive.

Natahimik ako,harap harapan iyon,mas matindi pa sa suntok at sapak. Sa mga sandaling iyon gusto ko ng tumayo at umalis.

"Sus! If I know. Pero kung papipiliin ka,Girlfriend o bestfriend?" ang biglang sabi ni Elsa. How I wish pwede kong lagyan ng busal ang mga bibig nila. Kung alam lang nila ang nararamdaman ko,siguro matatahimik na sila.

"Syempre Girlfriend!" mabilis na sagot ni Clive.

That's it! OA lang siguro ako,pero mabilis na namuo ang mga luha ko. Kaya ang ginawa ko ay pinindot ko ang phone ko,kunwari ay may tumatawag.

"Excuse me,sagutin ko lang to." pagkasabi ko nun ay agad nag unahang pumatak ang mga luha ko,alam kong nakita nilang lahat iyon,pero wala na akong pakealam,saka na lamang ako gagawa ng alibi.

Dinig ko ang bulung-bulungan nila ng hindi pa ako nakakalayo. Pero ng madinig kong tawagin ako ni Clive ay dun na ako nanakbo. Ayaw ko syang kausapin dahil wala naman akong maibibigay na rason.

Dahil umpisa pa lang,alam kong kasalanan ko,hindi ko pinigilan ang damdamin ko,umaasa ako kahit wala namang binibigay na pag asa. Ang mali pa,minahal ko sya kahit alam kong pag mamay-ari na sya ng iba. Ano bang laban ko sa babae? Ito na talaga yung kinakatakutan ko eh,ang masaktan.

Beautiful Days (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon