Napalunok ako. Nagpalipat lipat ang tingin ni Clive sa akin at kay Auel. Ilang beses ko na bang naabutan na laging nasa labas si Clive? Ganito din yung sa Isla Fuentebella pagkatapos namin magtalik ni Adonis.
"Uy! Clive! Nandyan ka pala." ang pagbati ni Auel. Lumunok ulit ako.
"Clive anong ginagawa mo dito? Teka,tuloy ka muna." sabi ko na lang kahit kumakalampag na ang dibdib ko. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok si Clive at inilibot ang paningin sa loob ng bahay.
"Dito ka natulog?" tanong ni Clive kay Auel. Ewan sa gagong si Auel at ngumisi pa.
"Oo tol pag tinatamad uwi,palagi naman eh,tabi pa nga kami ni Kloyy."
Bumaling sa akin si Clive. Kinabahan ako,bakit pakiramdam ko ay may kasalanan ako?
"Nag o-overnight sila pag umiinom dito. Teka,ano nga bang sadya mo?" sabi ko na lang.
"Gusto lang kitang makasama at kamustahin. Im still your bestfriend,Kloyy." diretso nyang sagot. Napasinghap ako.
"Uhm,teka ah? Dyan muna kayo. Bibili lang akong pandesal." at tinalikuran ko na sila at nagdirediretso sa labas.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit kaya laging ganoon? Ano bang meron si Clive?
Pagkabalik ko sa bahay ay nasa kusina na ang dalawang lalaki at seryosong nag uusap. Nilapag ko na sa mesa ang pandesal. Kumuha ng tatlo si Auel at kumain habang umiinom ng milo. Hindi ako nagkakape at walang kape dito,kahit nung nasa cebu ay milo o gatas na iniinom ko.
"Ikaw tol?" alok ni Auel.
"Thanks,pero tapos na ako magpainit sa amin." ang sagot ni Clive na ikinakunot ng noo ni Auel kaya sumabat ako.
"Painit ang term na ginagamit ng mga cebuano pag nagkakape at tinapay."
"Ah,ganon pala." at humigop na ng milo si Auel. "Kloyy salamat ah? Pero uuwi na ako. Clive tol,una na ako." at lumabas na agad ito.
Praning talaga tong Auel na to. Sobrang laki na ng pinagbago nya mula ng una kaming magkakilala.
"Kamusta ka na Kloyy?" seryosong tanong ni Clive. Nakatitig sya sa akin,he's handsome as always.
"Okay na naman ako. Tanggap ko na ang mga nangyari."
Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita. "Im sorry kung hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa inyo ni kuya Adonis. Hindi ko lang siguro matanggap na may ibang nagpapangiti sayo. But I realized na he was such a good man."
Nagulat ako. For the first time naging vocal sya sa nararamdaman nya.
"Its okay. Madami lang talagang nagbago ng magkahiwalay tayo." ani ko,tumayo sya at lumapit sa akin.
"Pero ako pa din ang bestfriend mo diba?" malungkot nyang tanong. Why is he like this? Nagagalit sya dati pag nalalaman nya mga ginagawa namin ni Auel at Adonis,ngayon ganyan sya,hindi ko sya maintindihan.
"Oo naman. Walang nagbago dun." ang sagot ko at napalunok dahil mas lumapit sya.
"Ibalik natin ang dati. Be at my side always. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko pag malayo ka sa akin." mas lumapit pa sya,amoy na amoy ko na ang mabango nyang hininga. God! Im melting. Nahihirapan akong huminga dahil sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko.
"Pero may girlfri--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumapat na ang labi nya sa labi ko. Ang lambot ng labi nya. Nangatog ako,after all those years naranasan ko na din ang mahalikan ng taong mahal na mahal ko.
Nalalasing ako sa halik nya at hindi ko mapigilang tumugon. Lahat ng inhibitions ko ay nawala. Ang pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa ay tuluyan ng nagiba.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...