kabanata 11

8.1K 269 24
                                    

Yung mga natira naming araw sa Isla Fuentebella ay sinulit na lang namin. Hindi ko din muna pinapansin si Clive dahil nasasaktan ako sa paraan ng pagtingin nya sa akin,may lalim at kakaiba.

Lahat ginawa namin,nag jetski,Island hopping,snorkling. At ng mapagod,sakto alas sais ay naghapunan na ulit kaming lahat ng sabay sabay. Pag tinitingnan ko sila isa-isa mapapansin kong masaya talaga sila sa maikling bakasyon na ito,pwera nga lang kay Kii at dun sa Mamoru,they seemed out at hindi maintindihan ang kinikilos.

"Tutal,last night na,bakit hindi tayo maglasing dyan sa bar? My threat!" ani Adonis,tiningnan ko sya at kinindatan lang naman nya ako. Madami tuloy sumang ayon sa kanya.

Hindi ako mapakali dahil wala si Leer,pati si kuya Uriel at kuya Gradd ay wala pa din. Kinausap ko kanina si Leer dahil may hinala akong may misyon sya,ngunit kaya daw nya ang sarili nya. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari noon.

Nang lahat na kami ay nasa bar ay lumabas ako para hanapin sila,ewan ko kay Winji kung bakit parang hindi sya nag aalala,o baka naman wala syang alam?

Naglalakad na ako sa seashore ng tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Kamusta ang bakasyon,Kloyy?" bungad nito sa akin,medyo napangiti ako dahil matagal na din syang hindi nagpaparamdam sa amin ni Winji.

"Masaya. Ikaw,kamusta ka na Keejay?"

"Im good! Basta okay kayo ni Winji ay okay din ako. Eh ang lovelife nyo nung tisoy?" anito at humagikgik.

"Tse! Huwag nating pag usapan ya--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakadinig na ako ng sunod sunod na putok ng baril. Agad kong inend ang tawag at binalik sa bulsa ang aking phone.

Sigurado akong sina Leer iyon!

Tumakbo ako papunta sa hotel para alamin kung doon ba iyon naganap. Nagtatakbuhan at nagsisigawan na ang mga tao,medyo mahirap din tumakbo sa buhangin kaya natagalan akong makarating sa hotel. At pagdating dun ay nagimbal ako sa nasaksihan ko.

Hostage ng isang lalaki si Mamoru,duguan sina kuya Uriel at kuya Gradd. Iyak ng iyak si Kii at si Leer ay naguguluhan sa gagawin.

Nagmamaka awa si Kii na huwag patayin si Mamoru,mabubuhay daw si Mamoru kung ibabalik ni Leer ang chip sa lalaki. I don't know,tumulo ang mga luha ko,naaawa ako kay Leer,importante sa kanya ang misyon,pero mahal nya si Kii,yun nga lang,hindi na ata sya mahal nito.

Sumuko si Leer,binaril ni kuya Uriel yung lalaki ngunit binaril ng lalaki si Leer. Agad akong tumakbo papunta sa kanya,hindi ko kayang nahihirapan ang kaibigan ko.

================================

Kahit isang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa din ako nakaka get over sa nangyari sa Isla Fuentebella. Iniisip ko si Leer kung kamusta na ba sya.

"Baka mapagalitan ka Kloyy,focus muna sa trabaho. Im sure okay na si Leer ngayon." pagpuna sa akin ni Kein ng mapansin nyang natulala na naman ako. Isa pa,hindi lang naman yon ang iniisip ko. Iniisip ko din si Adonis kung ano na ba ang ginagawa nya? Alam ko sa sarili kong mahal ko na sya,pero naghuhumiyaw pa din si Clive sa puso ko kaya sobrang naguguluhan talaga ako.

Yung mga tingin nya sa akin pag naglalambing si Adonis,ako ang nasasaktan,pero hanggang ngayon ay ayaw kong mag assume na gusto din nya ako. Pero bakit pag sila ni Yanna ang naglalambingan parang wala lang sa kanya na nasasaktan ako?

"Pasensya na." at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagpupunas sa mga lamesa. Nakakainggit lang yung mga kasamahan namin,parang wala silang problema.

Nagsigawan ang mga kapwa ko crew,at nakatingin sila sa entrance ng shop,pumasok si Love,yung transgender na kaibigan nina Japhet.

"Cross! May bisita ka!" sigaw ni Japhet at nagtawanan lahat.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil moment naman nila iyon,mahirap ng masabihan ng feeling close kahit na alam kong hindi naman sila ganun mag isip,pero syempre yung ibang tao diba?

Hanggang sa natapos na ang shift namin. Hinihintay ko sa labas si Adonis dahil may usapan kaming mag date ngayong gabi.

"Mauna na akong umuwi Kloyy,sino sundo mo? Si Auel o kuya Adonis?" ani Kein na kakalabas lang din ng shop.

"Bakit naman nadamay si Auel? Isusumbong kita! Pero si Adonis ang hinihintay ko eh." nakangisi kong sagot sa kanya.

"Sige! Enjoy!" at sumakay na sya ng motor at tuluyan ng umalis.

Lumipat ako ng pwesto para hindi naman nakakahiya na dinadaan daanan lang ako ng mga kapwa ko crew.

Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan,nagkundamahog ako sa paghahanap ng masisilungan. Mabuti na lang at hindi pa tuluyang nagsasara ang shop.

Tumunog ang cellphone ko at agad kong sinagot.

"Hi! Medyo matraffic at umuulan pa. Pero tuloy ang dinner date natin." masiglang pagsalubong ni Adonis.

"Sige,hintayin kita ah? Mag iingat ka! Madulas ang daan." ang paalala ko dito.

"Oo naman! See you later!" at naputol na ang linya.

"Kanina ka pa ba? Napadaan lang ako." sabi ng isang boses sa tabi ko na ikinalingon ko.

"Auel? Akala ko busy ka?"

"Boring sa bahay eh. Si kuya Adonis ba hinihintay mo?"

"Oo,kanina pa nga sya wala eh."

"Sige,samahan kitang hintayin sya." aniya at umakbay sa akin. Nasasanay na sya sa mga ganyan nya,sino bang mag aakala na magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa.

"Okay! Magkwento ka!" halos isang oras at kalahati na pero wala pa din si Adonis. Hindi na ako mapakali lalo na ng may dumaang ambulansya kaya napatayo ako.

"Relax,Kloyy!" ani Auel,pero sunod sunod na yung daan ng mga police mobile.

Kaya ng tumunog ang phone ko ay halos mapatalon ako,ang lakas pa din ng buhos ng ulan. Nakita ko sa screen na si Adonis ang tumatawag kaya nakahinga ako ng maluwag at agad itong sinagot.

"Hello? Okay ka lang ba?" ang agad kong bungad. Sobrang kinakabahan ako,tiningnan ko si Auel na nag aabang din sa makukuha kong sagot.

"Is this Nicolo Bandolon?" boses iyon ng babae. Agad nagsalubong ang mga kilay ko pero natahimik ako dahil sa ingay na naririnig ko sa background.

"Yes,sino to? Nasan si Adonis?" napalingon kami ni Auel sa ambulansyang kanina ay dumaan,bumalik na ito at mas mabilis ang andar.

"Isa po ako sa mga nurse,nasa ambulansya kami ngayon at sinusugod na sa ospital si Mister Adonis,sumunod na lamang po kayo."

Doon na tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko. "Anong nangyari?"

"Malapit na kami sa ospital. We'll wait for you." at naputol na ang tawag. Sunod sunod na ang pagtulo ng mga luha ko. This can't be happening.

"Why are you crying? What happened?" alalang tanong ni Auel at niyakap ako.

"Sundan natin ang ambulansya." tanging sagot ko lang. Si Auel na mismo ang humila sa akin pasakay sa kotse nya. Nabablangko ang utak ko. Bakit parang sinusubok ata ako ng tadhana? Bakit puro dagok ata?

Pagdating sa ospital ay agad naming napag alaman na nasa OR pa si Adonis. Hindi pa din ako matigil sa kakaiyak. Kung may dapat sisihin ay ako iyon at wala ng iba.

"Sino si Nicolo Bandolon?" ani ng isang duktor paglabas sa operating room.

"Ako po dok!" at inalalayan ako ni Auel na makalapit sa duktor.

"Gusto ko sanang magpakatatag ka. Wala na palang ibang kamag anak si Mister Adonis at ikaw ang huli nyang binanggit,ikaw din ang huling tinawagan nya kaya ikaw din ang tinawagan namin." seryosong sabi nito.

"Ano na pong lagay nya?" ang agad kong tanong dahil sobrang nanlalambot na ako.

"Dok! Sumagot ka!" bulyaw dito ni Auel.

"Im sorry,but he didn't make it. Bago magsimula ang operasyon ay binawian na sya ng buhay. Nakikiramay ako."

Dahil sa narinig ko ay tuluyan ng bumigay ang mga nanlalambot kong tuhod,napaluhod ako hanggang sa magdilim na ang aking paningin.

AN/ MUSTA? Comment naman dyan! =)

Beautiful Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon