Maraming salamat po sa mga nagbabasa at sumusuporta sa kwento nina Clive at Kloyy. Congratulations at umabot kayo hanggang dito sa finale. Magkita po ulit tayo sa iba ko pang kwento. Again,maraming maraming salamat po! =)
________
"Welcome sa huli niyong hantungan." Napalingon kami sa nagsalita.
"Yannah?"
Si Yannah at may hawak na baril.
Napatingin ako kay Clive na hinila ako papunta sa likuran niya.
"Ano na naman ito Yannah?" ani Clive.
Tumaas ang kanang kilay ni Yannah saka siya ngumisi.
"Ano ito? Its a reunion,ikaw,ako at yang baklang iyan na lagi na lang sagabal sa ating dalawa."
"Tumigil ka na Yannah. Alam ko na ang lahat. Hindi na ako papaloko saiyo at sa pamilya mo. Kung magkano ang utang ng pamilya ko sa pamilya mo,hintayin nyong makapagbayad ako. Maawa ka sa bata." mahabang sabi ni Clive,nakangisi na umiling si Yannah.
"Hindi ka makakapag bayad dahil ikaw ang dahilan. At ako maawa sa bata? Hindi ba't ikaw dapat ang maawa sa bata?"
"Hindi naman ako ang ama ng bata. Itigil mo na ito. Pag usapan natin ng maayos." pilit na pinapakalma ni Clive ang kanyang sarili,ako naman ay nagpipigil lamang.
"Eh ano kung hindi ikaw ang ama? Engaged tayo Clive! Nilason na ng baklang iyan ang isipan mo?! Bakit ka sumasama sa kanya? Bakla ka na din ba?" namumula na si Yannah,at alam kong isang pitik na lamang ay sasabog na siya.
"Oo! Bakla na din ako! Bakla ako para kay Kloyy! At mahal ko siya!"
"Hindi iyan totoo!!" sigaw ni Yannah at binaril si Clive,tumama ang bala sa balikat ni Clive.
"Clive!!!" sigaw ko ng matumba si Clive. Tumingin ako sa paligid. Walang pag asa,mamamatay kaming dalawa dito. "Yannah! Tumigil ka na!"
Napamulagat si Yannah at parang nagulat din sa ginawa niya.
"Kloyy,tumakas ka at humingi ng tulong. Marunong kang lumangoy diba? Ako na bahala kay Yannah." bulong ni Clive at dahan dahang bumangon sapo ang balikat na nagdudugo.
"Clive,hindi ko gagawin yon,hindi kita iiwanan dito." ang maiyak iyak ko ding sabi.
"Hindi! Sumosobra na kayo!" ang sigaw ni Yannah at nagpaputok. Mabilis kong iniharang ang aking sarili kay Clive.
"Ugh!" tinamaan ako sa tagiliran. Ganito pala ang pakiramdam pag nabaril.
"Kloyy!!" dinig kong sigaw ni Clive. "Yannah! Tama na! Hindi ka naman ganyan dati!"
Suminghap ako,niyakap ako ni Clive. Pumikit ako at dinilat ko ulit ang aking mga mata,tiningnan ko si Yannah na umiiyak na.
"Hindi ako ganito dati kasi akala ko,ako ang mahal mo. Mahal na mahal kita Clive eh. Baliw na baliw ako sayo,kaya nga kahit hindi mo hiningi ay binigay ko sayo ang katawan ko. Nababaliw ako Clive pag hindi kita nakikita at nakakasama." mahabang sabi ni Yannah habang umiiyak.
Nahabag ako sa kanya. Pero wala naman akong magagawa,ni hindi ko nga alam na mahal ako ni Clive,dapat ba akong sisihin sa nangyari? Ako ba ang may kasalanan?
"Minahal kita,Yannah. Pero mas mahal ko si Kloyy. Tanggapin at intindihin mo sana. Maganda ka at matalino,marami pang ibang magmamahal sayo,sa bata mo ituon ang iyong atensyon." ani Clive. Kumilos ako,gusto kong tumayo,lumapit at mag sorry kay Yannah.
"Pero mahal na mahal kita Clive." umiiyak pa ding sabi ni Yannah.
"Yannah." ani ko at dahan dahang tumayo. Inalalayan ako ni Clive. Nang makatayo ako ay bumitaw ako kay Clive at naglakad palapit kay Yannah kahit kinakapos na ako sa paghinga.
"Kloyy!" dinig kong tawag ni Clive. Sa harap ni Yannah ay lumuhod ako,matalas ang mga bato at masakit sa tuhod,dagdagan pa ng init ng araw.
Pero balewala ang mga iyon,gusto kong matahimik na kaming lahat,at may isa dapat na magsakripisyo. At ang isang iyon ay ako. Ako ang dapat mag sakripisyo.
Hinawakan ko ang kamay ni Yannah na may hawak ng baril,itinutok ko ito sa aking sentido.
"Anong--" ani Yannah.
"Nicolo!!" sigaw ni Clive,nilingon ko siya at nginitian,saka bumaling ulit ako kay Yannah.
"Yannah. Patawarin mo ako,kung ako ang dahilan ng paghihirap mo ay tatanggapin ko ang parusa mo. Kung ang pagkawala ko ang ikakatahimik mo,gawin mo na ang dapat. Tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Patawarin mo ako dahil mahal ko din si Clive. Patawad." ani ko at ngumiti. "Kung babawian mo ako ng buhay huwag kang ma guilty,basta ba mamahalin mo lalo si Clive."
Napasinghap ako ng may yumakap sa akin.
"Nicolo don't do this." bulong ni Clive. "Yannah,ako na lang please?"
"Clive..." ang halos sabay naming sabi ni Yannah.
"Kung mawawala si Nicolo,mas mabuting mawala na din ako." ani Clive. Napahikbi na ako,ngayon ko lang napatunayan na mahal na mahal nga ako ni Clive. "Mahal na mahal ko si Kloyy,Yannah."
Mas humigpit ang yakap ni Clive. Naramdaman ko na ang labi nya sa leeg ko.
"Its over..." sabi ni Yannah. "Tanggap ko na."
"Yannah..."
May dinukot sa bulsa niya si Yannah. Cellphone pala,may dinial sya.
"Hello? Police Station? May nangyari po dito sa Blue Reef." ani Yannah na ikinalaki ng mga mata ko. "May dalawang tao po akong nabaril and I will surrender."
Napayakap sa akin si Clive habang paulit ulit syang nagpapasalamat kay Yannah.
"Yannah..." ani ko ng makatayo na kami ni Clive.
"Hindi nyo kailangan magpasalamat. Naiintindihan ko na. Hindi ko kayang tibagin ang pagmamahalan niyo. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko." ani Yannah at suminghap.
"Yannah. Hindi mo naman kailangan sumuko." ani Clive at hinawakan ang kamay ni Yannah.
"No Clive. May kasalanan ako,malaki at kailangan kong pagbayaran iyon. Huwag kang mag alala,hindi na namin kayo gigipitin ng pamilya mo,dadaanin na namin sa legal ang lahat. Maraming salamat sa lahat lahat,sa pagmamahal at sa mga alaala." umiiyak pa ding sabi ni Yannah. Hinahangaan ko sya,dahil bago man lang mahuli ang lahat ay naging matapang syang tanggapin ang katotohanan. Bumaling sya sa akin at ngumiti. "Kloyy,patawarin mo ako na nasasaktan kita dati pa man,hindi ko mapapantayan ang pagmamahal mo para kay Clive,alagaan mo sana siya."
Niyakap ko si Yannah. Gusto kong iparamdam sa kanya na wala siyang dapat ika hingi ng tawad.
"Maraming salamat,Yannah. Bilib ako sa katapangan mo. Kung kailangan mo ng kaibigang malalapitan nandito lang kami ni Yannah. We can always start from the beginning. Tatanggapin ka namin. At huwag kang mag alala,aalagaan ko si Clive hindi dahil kailangan,kundi dahil mahal ko siya."
Ilang saglit pa ay may mga dumating ng rescue. Pinosasan agad nila si Yannah,hindi ko na tiningnan pang mabuti dahil naaawa at nakakaramdam ako ng pagka guilty.
Pagdating sa pampang ng resort ay nagulat pa sina Jieb,nagtataka daw sila kung bakit wala na silang kasunod na ibang bangka,akala daw nila ay nanatili na lang daw kami ni Clive sa suit.
Si Clive ang sumama sa Police Station para mahingian ng statement. Ako ay dumiretso sa kwarto namin ni Clive kasama si Jieb.
"Bruha,baka gusto mong magpadala sa ospital?" ani Jieb ng nasa cr kami,nililinis ko ang sugat,mabuti na lamang at daplis lang.
"Okay lang ako. Malayo ito sa bituka,Jieb."
"Malayo? My god! Nasa tagiliran yan ng tyan! Malayo pa sa bituka? Bruhang ito!"
"Okay nga lang Jieb. Kulang pa nga ito kumpara sa sakit na naidulot ko kay Yannah. Nagi-guilty ako." at nilingon ko siya.
"Hindi mo kailangang maguilty dahil mula sa umpisa wala kang kasalanan. Tandaan mo,sa pagmamahalan hindi pwedeng walang ibang taong masasaktan. Tapos na kayo sa pagsubok. You can now enjoy your beautiful days with Clive." ani Jieb at niyakap ako. "Tama na ang panahon ng paghihirap,pwede ka ng lumigaya ng tuluyan."
Pagkatapos nun ay umalis na si Jieb. Ako naman ay naligo na muna dahil naiinitan ako. Nag robe lang ako at humiga na sa kama.
Tumihaya ako at tumitig sa kisame at inisip ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko,sa pagmamahal ko kay Clive.
Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan,hanggang sa nagkaroon na ako ng pagtingin sa kanya na pilit kong itinago at nilabanan dahil ayaw kong maapektuhan ang pagkakaibigan namin.
Pero iba pala talaga ang pagmamahal,as long as pinipigilan mo ito,lalo itong umuusbong at gusto kumawala. Hindi nga ba't may mga pagkakataon na tinatakbuhan at tinataguan ko na lamang si Clive noon dahil sa selos? Hanggang sa umabot sa pagkakataong nasasaktan na ako pag nakikita ko sila ni Yannah kaya nagdesisyon akong pumunta ng Manila? Pero hindi mo pala talaga matatakasan ang mga taong parte na talaga ng buhay mo.
Pumikit na ako,hindi ko na kaya ang sobrang pagod. Sana pag gising ko ay nasa tabi ko na si Clive,sana sa pag gising ko ay puro magaganda at masaya na ang mangyari.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
Ficção GeralBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...