Napanganga ako. Kahit saang parte ba ng manila ay makikita ko si Clive?
"Kloyy?" ulit ni Clive,this time nakalabas na sya sa kotse at nasa harapan ko na sya. Lalo syang gumwapo,magaling talaga syang pumorma at ang bango nya. Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi sya mapakawalan ni Yanna.
"Ah..Ah, ako nga? Kamusta Clive?" ang walang emosyon kong sabi at tumingin sa coffee shop. Tinitingnan ako ng ibang crew.
"Ang tagal na kitang hinahanap. Miss na miss na kita,and Im dying to talk with you." ani Clive habang tinitingnan ako gamit ang mga mata nyang parang hinihigop ako.
"Ganon ba?"
"Yes. At parang lagi mo akong iniiwasan. Bigla kang naglaho. I missed you. I missed my bestfriend." ani Clive. Sa pagbanggit nya ng bestfriend ay parang may nagbara sa lalamunan ko.
Bestfriend. That's all I ever be to him.
"Hindi naman sa ganon." ani ko. Wala na akong masabi. Pinapangunahan ako ng mabilis na tibok ng puso ko.
"May pupuntahan ka ba? Gusto sana kita makasama."
"W-wala naman. Actually kakatapos lang ng interview ko dyan sa coffeeshop." ang sagot ko naman. Tiningnan ni Clive ang coffeeshop at ngumiti.
"Mukhang mapapadalas ako dyan. Tara kain tayo,my treat." hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa coffeeshop.
"Welcome back Kloyy!" nakangiting bati ni Jaii. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
"Ah..Ahm.. Gusto nya kasi magkape." sagot ko sabay turo kay Clive.
"Pakibigyan kami ng pinaka masarap nyong cake,tig dalawang slice at dalawa ding chocomouse." ani Clive at tumingin sa paligid.
"Right away sir!" at tumalikod na si Jaii. Nakita kong tinitingnan pa din kami ng mga crew. Bakit kaya?
"Maupo na tayo." ang sabi ko na lang at naupo sa pinakamalapit na pwesto. Nakangiti pa ding nakatingin sa akin si Clive.
"I can't believe na kasama na ulit kita. Its been what,4 years or 5years. Youve changed a lot. Mas gumanda ka." aniya. And God knows,my heart skip a beat.
"Y-yeah. Madami ngang nagbago,madami na din akong naranasan,thanks to Winji and friends." ang sagot ko at nag iwas ng tingin. Para akong tinutunaw ng kanyang tingin.
"Nasan na nga pala si Winji at Keejay?" ang bigla nyang tanong. Nakahinga ako ng maluwag dahil nalihis ang topic.
"Kasal na si Winji kay kuya Uriel. Si Keejay,I don't know,baka nasa family company na nila." ang sagot ko. Sakto dumating yung order namin,pero si Japhet na ang nagdala,tinanguan ko lang ito bilang pasasalamat.
"That's good. Dito ka pala magtatrabaho? Sikat itong coffeeshop na ito. Laging ina-advertize ni Flexter Tuazon,pati yung mga dating nagtrabaho dito na gay couple,yung Crayon at Khalil." aniya at nagsimula ng kainin yung blackforest cake. "Wow! Ang sarap! Tikman mo na yung sayo."
Ngumiti lang ako at tinikman na nga ang cake. Masarap nga,no wonder sikat talaga ang coffeeshop na ito.
"San ka tumutuloy ngayon?" out of the blue ay tanong ko. May mga gusto din naman akong malaman sa kanya after how many years.
"Im staying in a condo. Binili ko 3 years ago. Magkasama kami ni Yanna." nakangiti nyang sagot. Sana hindi na ako nagtanong kasi parang may mga kung anong tumutusok sa puso ko.
"Ah. Kayo padin pala. That's good. Ang tagal nyo na."
"Yes. She's great."
Parang may bumara na naman sa lalamunan ko. Bakit ba ako nagtatanong ng mga bagay na masasaktan ako sa sagot?
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...
