"Yeah,ako nga iyon. Im Kiarr Punzalan Jimenez. Adonis's younger brother." ngumiti ito sa amin.
Nalaglag ang panga ko sa table!
"Ganon ba? Uhm,mag order muna tayo?" ani ko at tumingin kay Clive,tahimik lang naman sya at mukhang makikinig lang.
"Huwag na." ngumiti ito. "Interesado lang ako sa gusto mong sabihin. You see,may hinala na ako na kapatid ko si Adonis ng makita ko sya sa isang magazine dati,like him,iniwan lang din ako sa harap ng bahay ampunan." ang dagdag pa nito.
Medyo hawig nga sila ni Adonis,napaka gwapo ni Adonis pero iba ang kagwapuhan nito ni Kiarr,kalevel nina Kein,Auel at syempre ng kasama ko ngayon,si Clive.
"Magkapatid talaga kayo ni kuya Adonis?" ang tanong ni Clive.
"Kahit ipa-DNA pa ako tol." sagot nung Kiarr kaya sumabat na ako.
"Ayoko talagang sa akin lahat mapunta ang mga pinaghirapan ni Adonis,napaka unfair sa mga kadugo nya. So I came up with a plan,at iyon ay ilipat ang titulo sa pinaka malapit na kamag anak,and I guess its you." ani ko,napatitig sa akin si Kiarr,napaka simpatiko ng looks nya,nakaka intimidate.
Tumunog ang phone ni Clive,nilingon namin sya. Bumuntong hininga sya at hinugot sa bulsa ang kanyang phone. Si Yannah kaya yung tumatawag? Hmp! The hell I care.
"I'll just answer this. Hintayin kita sa labas." ani Clive,tumayo at naglakad na palabas. Napabuntong hininga ako,kahit anong gawin kong sikil at hindi pagpansin,pinagseselosan ko talaga si Yannah,at ang kirot lang sa dibdib. Kailan kaya mawawala ang damdamin ko kay Clive?
"Are you a couple?" ani Kiarr kaya nilingon ko sya. Umiling ako. "Ahh,you love him pero hindi kayo? Obvious naman eh."
"Lets not talk about that. Kailan mo gustong mailipat sa iyo ang titulo?" ang hindi ko pagpansin sa sinabi nya.
"Seriously wala akong dapat kuhain,but as you suggested,tatanggapin ko. Pero in one condition." aniya at tinukod ang mga siko sa mesa at ipinatong ang baba sa mga pinagsalikop nyang mga kamay.
"And what was that?" ang sabi ko naman.
"I want it to be conjugal. Kumbaga pareho nating pag aari ang mga naiwan ni kuya Adonis. Titira tayo sa bahay nya." and he leaned his eyes. Ewan,parang kumalabog ang dibdib ko sa ginawa nya.
"Pero--"
"Ayokong multuhin ni kuya Adonis. Isa pa,may karapatan ka dun. Saka diba,you're his lover?" anito at ngumiti. Hindi agad ako makasagot,para bang ang dami nyang alam at hindi ako pwedeng maglihim sa kanya.
"Okay. Payag na ako." ang walang magawa kong sabi.
"I did a research a long time ago,nagkaroon din sya ng karelasyong gaya mo dati. Tas ngayon ay ikaw naman. Ang gwapo gwapo ni kuya,ang daming patay na patay na babae sa kanya,at marami syang pwedeng anakan,pero sa bakla din pala sya babagsak. We really can't judge people." mahaba nyang sabi at sumandal sa upuan,napa angat ang isa kong kilay dahil sa sinabi nya.
"What are you trying to imply? What do you mean by that?" inis kong tanong. Antipatiko din pala ang isang ito. Sarap busalan ng bibig.
"Im sorry,I didn't mean to offend you. I was just amazed by the fact na pwede pala talaga magmahal ng bakla,on the other hand uso na nga pala iyon,mga gwapo sa gwapo,macho sa macho,tomboy sa babae,babae sa babae at lalaki sa bakla. And that's reality." aniya na nakangiti pa din.
Seriously? He looks smart and rich,kaya siguro hindi na din nya hinahabol ang mga kayamanan ni Adonis. Gusto lang talaga nya sigurong magpakilala.
"Nagkakilala na ba kayo?" pagkuwa'y tanong ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
Fiksi UmumBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...