Mula ng araw na iyon lagi ko ng naiisip si Clive at yung mga pinagsamahan namin. Ayaw kong maging ipokrito pero gusto ko din naman syang makausap. Pero anong isasagot ko kung tatanungin nya ako kung bakit biglang naglaho ako?
"Mamalasin ang trabaho ni Tita Fe kung lagi kang tulala." ang pang iinis ni Auel. Ewan ko ba sa gagong ito at naging ugali na nyang tumambay dito sa flower shop. Wala ba syang mga tropa?
"Tumigil ka! Wala akong pakealam kahit pamangkin ka ng may ari ng shop na ito. Babasagan kita ng paso sa ulo!" ngalingaling totohanin ko ang sinabi ko. Lakas mang inis eh.
"Wow naman! Takot ako! Pag binasag mo yan sa ulo ko may dalawa kang babayaran. Una ang Paso,pangalawa ang pang pa ospital ko. Get that?" nakangisi pang sabi ni Auel.
Bakit ba ako ang iniinis nito?
Bumukas ang pinto at pumasok ang malungkot na si Tita Fe.
"Ano pong nangyari?" ang halos sabay naming tanong ni Auel. Binelatan nya ako at inirapan ko naman sya.
"Pupunta na ako sa America,dun na kami titira ng tito Leo nyo." ang malungkot nitong sagot.
"Edi mabuti po ta!" ani Auel. "Eh bakit malungkot ka?" dagdag pa nito.
"Naibenta ko na kasi itong shop kaya kailangan ng maisara,sa isang araw ang alis ko,at mamaya isasara na ito."
Nalungkot ako sa nalaman ko,napamahal na sa akin si Tita Fe at ang flower shop,pero wala naman akong magagawa sa desisyon nila ni Tito Leo.
"Ganon po ba? Sayang naman. Pero okay lang po yon,mas magaganda naman ang buhay nyo sa America." pilit ang ngiting sabi ko.
"Edi wala ng trabaho si Kloyy?" ang agad na tanong ni Auel.
"Ganon na nga." ang sagot ni Tita Fe. "Pasensya ka na Kloyy ah? Pero naihulog na namin sa account mo ang sweldo mo. Dinagdagan na namin bilang pasasalamat."
"Naku po! Hindi nyo na dapat yon ginawa! May pera naman akong ipon. At madali naman po sigurong makahanap ng trabaho dito sa manila." ang sabi ko at tiningnan si Auel na salubong na ang mga kilay.
"Ang bait mo talaga." anito. At buong araw kaming tatlo ang tao sa shop,umorder ng Pizza si Tita Fe at pinag saluhan naming tatlo. Pero si Auel ay nanatiling tahimik hanggang tuluyan ng isara ang shop.
"Mauna na ako pamangkin at Kloyy,madami pa akong aayusin." ani Tita Fe,niyakap ko sya ng mahigpit at umalis na sya.
"Uuwi ka na ba?" ang tanong ni Auel kaya nilingon ko sya.
"Hindi pa. Pupunta muna ako sa bahay ng kaibigan ko." ang sagot ko naman at pumwesto na sa gilid ng kalsada para maghintay ng taxi.
"Sama ako." aniya. "Ihahatid na din kita pauwi pagkatapos. Tutal naman ito na ang last day na magkasama tayo." ang dagdag pa niya na ikinalingon ko.
I feel strange. Somehow parang naging malapit na din kami sa isa't isa mula ng magkakilala kami,pero nandun pa din yung takot ko kaya may pader akong inilagay sa pagitan namin,sa ganito din kasi kami nagsimula ni Clive noon.
"Sige!" ang sabi ko na lamang at itinuro sa kanya ang daan papunta sa bahay nina kuya Uriel at Winji. Pagdating dun ay nagtanong sya.
"Sino bang pupuntahan natin?" aniya ng makababa kami sa kotse nya.
"Si Winji at kuya Uriel. Yung kinasal dati." nakangisi kong sagot at napanganga sya. "Tara na!"
Nag door bell ako at si Jewel ang nagbukas. "Ikaw pala Kloyy! Kasama mo ulit sya?" sabay nguso kay Auel.
"Nguso mo teh,nagmumukha kang tilapya. Nasan sila?".
"Nasa living room! Pasok." at pumasok na kami. At yun nga,nasa living room nga sila,nanonood ng Tv ang mag asawa at si Leer naman ay nilalaro ang napaka cute na si Ujie.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
Narrativa generaleBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...