Lumipat kami ng bahay ni Winji. Hindi sya nagtanong. At pagtuntong namin ng college ay tuluyan ko ng pinutol ang kung ano mang komonikasyon namin ni Clive. Mas mainam na ito kesa sa umasa ako sa wala diba? Hindi din naman namin namalayan ang mabilis na pag andar ng panahon,hanggang sa sabay kaming nakatapos ng kolehiyo ni Winji.
At sa apat na taon na yon ay nasaksihan ko ang pagkakaibigan nila ni Keejay na halos dito na tumira sa amin,regular din ang pagtawag sa aming dalawa ni Leer pero ang katotohanan tungkol sa nangyari kay Kuya Uriel ay nanatiling lihim.
"Mauuna ako sayo sa Maynila Kloyy,may mga gusto akong balikan at tapusin,sa tingin ko ay handa na ako." aniya ng sabihin nya sa akin ang kanyang plano.
"Mas mabuti yan. Dapat nga eh noon pa,pero mas gusto kong makapag tapos ka muna sa pag aaral,pero ngayon,alam kong handa ka na." sabi ko at tumulong sa pag iimpake nya.
"Anong ibig mong sabihin?" ani Winji. Hindi ko na sya sinagot. Sana lang ay maging handa sya sa madadatnan nya sa maynila. At alam kong kakayanin nya.
"Basta ha? Kung talagang basted na si Keejay,itulak mo sya dun sa alam mong para sa kanya. Ive seen him sacrifice so much for you." bagkus ay sabi ko na lamang.
"Yeah,he deserves someone na kayang masuklian ang pagmamahal nya,at sobrang nagpapasalamat ako na hindi nya ako iniwan," aniya at ngumiti.
"Because he loves you. Pero may nakalaan para sayo." ang sabi ko naman.
"Dyan hindi ako sure. Pero alam mo Kloyy mas nagpapasalamat ako sayo,sobra sobra."
"You dont need to thanks me,ganon talaga,magkaibigan tayo eh."
Kinabukasan ay hinatid ko sila ni Keejay sa Airport. At ng makauwi na ako ay dun ako nakaramdam ng lungkot.
Sana kasing tapang at kasing tatag ako ni Winji. Yung pagmamahal ko kay Clive kung pinaglaban ko ba may mapapala ako? Alam kong wala,hanggang ngayon nga ay namimiss ko pa din sya.
Kamusta na kaya si Clive? Im sure masaya sya sa piling ni Yanna. Ang hirap pala ng ganito,akala ko kung lalayo ako ay makakalimutan at mawawala ang pagmamahal ko sa kanya,pero hindi ganon ang nangyari,mas lalo ko syang minahal. Mabuti na lamang at nandyan sina Winji at Keejay,kahit papaano ay hindi ko sya naaalala,pero ngayon panigurado ako na lagi ko syang maiisip.
Makalipas ang ilang linggo ay nakatanggap ako ng tawag kay Leer na may kakaiba daw na nangyayari kaya agad agad akong lumuwas ng Maynila. And we found out na nakidnap si Winji.
Masaya na sana na nagkabalikan sila,at kung kailan naoperahan na si kuya Uriel ay saka naman nawala ulit si Winji. Doon na ako nakaramdam ng matinding takot. Ang lahat ng ito ay nangyari dahil sa pag ibig. Pero sadyang mabaet ang Diyos,naging okay na ang lahat.
"Salamat at pumayag ka sa plano." ani Leer ng puntahan ako sa inuupahan ko pagkatapos ng lahat ng nangyari.
"Para kay Winji." ang nakangiti kong sagot.
"Ang baet mo talaga,sayang at hindi kayo ni Kray ang nagkatuluyan." nakangisi pang sabi nito.
"Eh kung paitimin ko yang buhok mo?! Huwag ganon." ang nakangiti ko ding sabi.
"Sa bagay,alam ko namang may mahal ka,naidaldal na sa akin lahat ni Winji. Paano kung sundan ka nun dito sa Maynila?"
"Imposible yan Leer. Kesa pakealaman mo lovelife ko,bakit hindi ang lovelife mo ang ayusin mo."
"Secret ang nangyayari sa lovelife ko." nakangisi nyang sabi.
"Oh sige na! Papasok na muna ako sa trabaho at susunod na lamang ako sa resort." ang sabi ko na lang at inihatid na si Leer sa labas.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...