Naisipan nina Mama at Papa na mamasyal kami sa Olango Wildlife,syempre kasama namin si Kiarr na tuwang tuwa naman. Isasama dapat namin si Kryann pero may lakad daw sila ni Coshie kaya kami na lamang ang tumuloy.
Wala pa akong pinagsasabihan kahit kanino na ayos na kami ni Clive. Parang hanggang ngayon nga ay may hang over pa din ako dahil sa nangyari sa amin nung nakaraan,and take note apat na araw na ang nakakalipas.
Somehow,hindi ko pa din maiwasang mag alala at matakot. Ang mga taong pursigido at nasasaktan ay nakakagawa ng imposible,at natatakot ako na baka may hindi magandang gawin si Yannah kay Clive,pero may tiwala naman ako kay Clive kaya kahit papaano ay may lakas ako ng loob.
"Lets try Island Hopping. Malapit lang dito ang Rendezvouz Beach Resort,madaming bangka dun." ani Papa matapos ang picture taking namin.
"Good idea,Pa. Lets go!" ani Mama at nauna na silang naglakad palayo.
"Nag e-enjoy talaga ako. Madami akong maipagmamayabang sa mga kaibigan ko sa Manila." ani Kiarr habang naglalakad kami,tinitingnan nya sa Phone nya ang mga kuha namin.
"Im glad nag e-enjoy ka. Bakit? Uuwi ka na ba?" ani ko naman.
"Yep. One week lang ang paalam ko sa manager ko. At lampas one week na ako dito. Maybe tomorow kukuha na ako ng ticket."
"Ganun ba? Paano yan? Dito muna ako?"
"Ano ka ba? Okay lang sa akin na maunang bumalik sa Manila. Sobrang nagpapasalamat nga ako sayo at sa parents mo eh. Tinanggap nyo agad ako. Saka ito na pagkakataon mo para mas makasama mo sila ng matagal." ani Kiarr at umakbay sa akin habang nakasunod pa din kami kina Mama at Papa.
Nang nasa byahe na kami ay hindi ko maiwasang maisip si Clive. Nasaan kaya sya ngayon? Ano kayang ginagawa nya? Miss ko na sya. Pero alam kong si Yannah ang kasama nya ngayon. Ayoko na lang isipin kung anong ginagawa nila.
Sa totoo lang,mula ng magka aminan kami ni Clive,parang nawala na yung bigat sa dibdib ko. Excited akong ikwento ito kay Winji at Leer,pati kina Auel at Kien,kaya lang ayoko munang manguna,marami pang pwedeng mangyari.
Pagdating namin sa Rendezvouz Beach Resort ay umarkila agad ng bangka si Papa. Sa bangka pa lamang ay panay na naman ang kuhaan namin ng litrato.
Ang ganda ding kuhaan ng litrato ang dagat,asul na asul. Samantalang si Kiarr naman ay parang tanga na nagvivideo,kumbaga documentary daw nya ito ng pagpunta nya dito sa Cebu.
Sa Cauhagan Island ang unang punta namin. Madami na ding tao at mga foreigners,pero maganda dahil may pagka puti ang buhangin kaya kuhaan na naman ng litrato.
Inabutan na kami ng 1PM kaya dun na din kami nagtanghalian,madaming iba't ibang uri ng seafoods at mga souvenirs na hindi din namin pinalampas.
Sunod na pinuntahan namin ay ang Secret Island. Napaka tahimik pero nakakamangha yung mga landscape na parang ginawa pa nung unang panahon. Ang sarap maligo dahil malinaw at malamig ang tubig.
By 5PM ay umuwi na kami. Nagpababa kami ni Kiarr sa Colon dahil kukuha na kami ng ticket sa eroplano. Mabilis lang naman kaya umuwi din kami agad ni Kiarr.
Kinabukasan,maaga akong ginising na naman ni Kiarr. Samahan ko daw sya sa Ayala,gusto nyang maglibot at baka may makita daw sya na pwedeng bilhin.
Kahit mahapdi ang mga mata ko dahil napuyat ako sa kakahintay ng text o tawag ni Clive ay pinagbigyan ko pa din sya.
Nang nasa Ayala na kami ay pumasok sa isang shop si Kiarr. Ako naman ay nasa labas lang dahil binabasa ko ang text ni Auel na napakahaba.
"Well,nandito ka din pala sa Cebu." I know that voice. Hindi ko akalain na dito pa.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
Ficción GeneralBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...