Gusto ko lang naman ng normal na buhay noon. Pero simula ng lumipat kami dito sa Cebu ay madaming nagbago,humiwalay ako sa mga magulang ko dahil gusto kong maging independent,at sa pinasukan kong school nagsimula ang lahat.
"Nicolo Bandolon?!" ang tawag ng teacher namin. First day ng last year ko sa high school. Sa maniwala kayo at sa hindi,wala akong kaibigan dito,kakilala,kausap meron,pero yung matatawag na kaibigan ay wala,at ngayong last year ko na hindi na ako nagbabalak pang maki tropa.
"PRESENT PO!" Ang malakas kong sabi. Nagtinginan syempre ang mga kaklase ko,na halos lahat ay mga kaklase ko din dati. Im not friendly kaya aloof din sila sa akin,kumbaga reserved akong tao.
"Clive Allen Castro!" sunod na sabi ng teacher namin. Walang sumagot kaya nagbulung bulungan na. Maging ako ay napaisip,ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon. Baka galing sa ibang school o ibang section dati? "Inuulit ko,Clive Allen Castro!".
"Present po Maam! Im sorry Im late." sabi ng isang lalaki na biglang sumulpot sa may pintuan,humahangos ito at halatang nagmamadali. Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase ko,ang mga babae mga kinikilig pa. Hindi ko sila masisisi,gwapo nga itong Clive.
"Pwede ka ng maupo." ani Maam matapos syang tingnan mula ulo hanggang paa.
Pumasok yung Clive at inilibot ang paningin sa classroom. Madaming bakanteng upuan kaya hindi na ako nag abalang tingnan pa kung saan sya uupo. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtetext sa kaibigan kong si Winji na nasa manila.
"Tabi tayo dude ah?" sabi ng isang boses na nasa tabi ko na.
Dude? Sampalin ko kaya sya? Obvious naman na hindi ako straight na lalaki. Inis ko itong nilingon para lang magulat na yung Clive pala ang tumabi sa akin. Para akong na rattle bigla,nakatingin din kasi pala sya sa akin,kaya binalik ko ang atensyon ko sa aking cellphone habang busy si Maam sa pag ro-roll call.
"Sorry,akala ko lalaki ka,isa ka palang sirena." pabulong pang sabi nito. Nairita na talaga ako eh,isa pang pagkakamali tatadyakan ko na capillaris nya! "Suplada." dagdag pa nito,nag init na ulo ko dahil sa kakulitan nya. Kaya walang sabi sabing tumayo ako at lumipat sa isa pang bakanteng upuan.
"Nicolo? May problema ba?" ani Maam at pinagtinginan na naman ako. Kainis kasi tong Clive na to eh!
"Wala po Maam,gusto ko lang lumipat ng upuan." ang sagot ko na lang at tiningnan si Clive na nakatingin pala sa akin. Inirapan ko nga. Sa susunod na inisin pa nya ako sabog bunbunan nya. Kainis! Unang araw ng klase ganito agad? Bakit nung first year to third year hindi ako nakaranas ng ganito?
"May lahi siguro yang transferee na yan. Tisoy eh,matangos ilong at gwapo." sabi nung isang kaklase kong babae sa likod ko.
"Mabilis yang sisikat dito sa school." sagot naman ng isa pa.
Pustahan,hindi yan sisikat! Presko eh!
Hanggang sa dumating ang lunch ay bwisit na bwisit pa din ako,at hindi ko alam kung paano matatanggal ang pagka badtrip ko. Naglakad na ako papunta sa canteen,biscuit at softdrink na lang muna ang kakainin ko. Habang naglalakad ako ay may mangilan ngilang bumabati sa akin,mga dating classmates at mga naging kakilala ko din dati. Hindi ako friendly pero hindi ako snob,kaya nga kumulo dugo ko ng sabihan ako kanina nung Clive na yon na suplada daw ako.
Pagkatapos kong bumili ng biscuit at softdrink ay nagpunta na ako sa lagi kong tinatambayan pag gusto ko ng tahimik na ambiance,sa may gilid ng library,may ginawa kasi akong upuan dun,at wala pang nang i-istorbo sa akin pag nandun ako.
Pagkaupo ko dun sa batong ginawa kong upuan ay nagsimula na akong kumain.
"Ang bilis mo maglakad!" sabi ng isang boses,at sa gulat ko ay nabilaukan ako. Agad kong ininom ang softdrink at sya naman ay hinimas ang likod ko kaya bigla akong napatayo.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
Fiction généraleBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...