Kabanata 10

8.7K 265 17
                                    

"Clive!" ang gulat ko ng makita si Clive na nakahalukipkip na naghihintay sa labas ng suit ni Adonis.

"Anong relasyon nyo Kloyy?" ang ulit nya. Ewan,nakaramdam ako ng inis sa paraan ng pagtatanong nya. Bakit kailangan nyang malaman?

"Does it matter to you? Kaibigan ko si Adonis." ani ko at naglakad na sa pasilyo. Naramdaman kong sumunod sya pero hinayaan ko lang.

"Laging ganyan ang sinasabi mo pag tinatanong kita." ang sabi nya na sinabayan ang paglalakad ko.

"Kasi kakaiba ka magtanong. Hindi naman ako nagtatanong sayo ng mga ganyang bagay diba?" ang sabi ko,tumigil ako at hinarap sya. "Bakit napaka eager mong magtanong ng mga ganon Clive?"

"Because I care for you. Gusto kong makasiguro na ang mga pumapaligid sayo ay hindi ka sinasaktan." nagsusumamo nyang sabi. Napangiti ako ng matabang.

Walang nananakit sa akin,Clive. Ikaw lang,at kahit hindi mo iyon sinasadya,nasaktan mo pa din ako,kaya nga nagdesisyon akong lumuwas ng Maynila at iwanan ang Cebu.

"Walang mananakit sakin. I can take care of myself." ang sagot ko ng hindi inaalis ang pakikipagtitigan sa kanya kahit na gusto ko ng magbawi ng tingin dahil para na akong nalulusaw,at ang tibok ng puso ko ay hindi na naman normal.

"I know. Gusto ko lang makasiguro. Bestfriend kita." aniya at yumuko.

Bestfriend. Iyon na yon,ang linyang pumapagitna sa aming dalawa. Ang pader na napaka hirap ng tibagin. Isang salita na nagpapakita na hanggang doon lang kami,hanggang bestfriend lang.

"Bestfriend. Oo nga naman." sabi ko at naglakad na uli. Baka kasi any minute ay pumatak na ang mga luha ko. At ayaw kong makita iyon ni Clive.

"Hindi ko kasi gusto nararamdaman ko pag may ibang lalaking sobrang lapit sayo." ang dinig kong sabi pa nya na dahilan ng tuluyang pagbagsak ng mga luha ko.

Huli na Clive. Huli na para sa mga ganyan.

Dumiretso na ako sa suit namin ni Auel,wala sya doon,siguro ay kasama na sya ng iba na nagsasaya sa paliligo sa dagat.

Nagpalit na ako ng panligo at lumabas na ng hotel. Nahirapan akong hanapin sila pero may nagturo sa akin na nasa pinaka malaking cottage daw sila kaya agad akong nagtungo doon.

Nagkakasiyahan sila sa may cottage ng makalapit ako,nagvivideoke. Napatingin ako sa paligid,napaka daming tao,may mga foreigner pa. Iba talaga ang Isla Fuentebella,pwedeng pwede ng ipantapat sa mga kilalang resort sa Pilipinas.

"Oh! Nandyan na pala ang tatlo. Tara na!" naka ngiting sabi ni Kuya Uriel. Napatingin ako sa likod ko,magkasunod na naglalakad sa buhangin sina Adonis at Clive.

"Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?" ang taka kong tanong.

"Mag Island hopping tayo." ani Winji. Lumapit sakin si Auel at Kein at hinila na ako papunta sa tabing dagat.

"Tatlong bangka tayo,dalawang isla lang ang pupuntahan natin,then sa dagat na tayo para mag diving." ani Leer habang isa-isang sumasakay ang mga kasama namin sa mga bangka.

"Magiging masaya ito." ani Kii na inaakbayan nung Mamoru.

"Ignorante." sabi nung Chibikii na ikinangisi at ikinahagikgik nina Auel at Kein. Napaka malditang baklita.

Ang kasama ko sa bangka ay sina Auel,Kein,Manang,Ate Jewel,Mang Tony at si Adonis. Panay ang picture taking at video habang umaandar ang bangka. Ang ingay din namin dahil panay sila kwentuhan at tawanan.

Sa unang isla ay picture taking lang din at bumili kami ng mga seafoods at souvenirs pati na din mga prutas. Sa ikalawang isla ay hindi kami nagtagal dahil sobrang init na,kaya nagdesisyon sina Kuya Uriel at kuya Gradd na manatili na lamang kami sa dagat.

Beautiful Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon