"Im sorry,but he didn't make it. Bago magsimula ang operasyon ay binawian na sya ng buhay. Nakikiramay ako."
Dahil sa narinig ko ay tuluyan ng bumigay ang mga nanlalambot kong tuhod,napaluhod ako hanggang sa magdilim na ang aking paningin.
Nagising ako sa pakiramdam na may pumapaypay sa akin. Pag mulat ko ng mga mata bumungad sa akin ang nag aalalang si Auel.
"Si Adonis?" agad kong tanong at bumangon. Hindi siguro totoo yung kanina. Baka nananaginip lang ako.
"Dinala na sya sa morgue,Kloyy. At ikaw ang magdedesisyon kung saan sya ibuburol,dahil ikaw na ang taga pagmana nya."
"HINDI TOTOO YAN! Hindi sya patay. Hindi yaman nya ang kailangan ko,sya mismo!" at napahagulhol na ako. Niyakap ako ni Auel at pinakalma. Napansin kong nandito pa din kami sa lobby ng hospital.
"Im sorry to interrupt Mister Nicolo Bandolon. Im Attorney Wilmer Aragon,ang abogado ni Adonis,at nasa akin ang mga papeles na nagpapatunay na ikaw na ang taga pagmana ng lahat ng kanyang ari-arian." sabi ng isang lalaki na kanina pa nakatayo.
Kumalas ako sa pagkakayakap. Parang sasabog ang dibdib ko. Sa loob ng ilang linggo ay minahal ko na din si Adonis kaya masakit sa akin ang katotohanan. Napakabait nyang tao,napaka masayahin,bakit sya pa? Kung kailan handa na akong tuluyang pakawalan ang damdamin ko kay Clive at ibigay sa kanya ang buong ako.
"Hindi ko po matatanggap yan. Dapat sa mga kamag anak na lang po nya." sabi ko at nagpunas ng mga luha,hinihimas naman ni Auel ang likod ko.
"Bata pa lamang ay hindi na kilala ni Adonis ang mga magulang nya,ayon sa kwento ay iniwan sya sa harap ng bahay ampunan nung sanggol pa lang sya,nagsumikap sya hanggang sa lumaki at nagtagumpay. Nakalagay din dito sa kasulatan na ang bahay ampunan na kumupkop sa kanya ay makakatanggap din ng pamana mula sa kanya. So you see,sa iyo na ang lahat ng kanya." mahabang sabi ng attorney. Napatingin ako kay Auel,tinanguan nya ako.
"Pero yung trabaho po nya sa kumpanya? At magkano po ba? Para idonate ko na lamang sa mga charity."
"Labas ka na doon. Pero,may papasok pa ding pera sayo dahil 50% ang share nya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nya. And the full amount na matatanggap mo ay, 35 Billion Pesos." sagot ng attorney. Nanlambot ako.
Anong gagawin ko sa ganun kalaking pera? Hindi naman akin iyon.
"Kaya please,pagkatapos ng funeral ay mag uusap ulit tayo para sa legal transaction. Please do inform me kung saan ilalagak ang bangkay ni Adonis. Thank you." tumalikod na ito at umalis.
"Puntahan na natin si Adonis. Kailangan na syang maiburol,panigurado madami syang kaibigang gusto sya makita." ani Auel. Tumango ako at tumayo na kami.
Napagdesisyunan kong sa isang chapel ilagak ang mga labi ni Adonis kahit tatlong araw lang. Masyado pa ding mabigat ang pakiramdam ko,hindi ko pa din ma absorb ang biglaang pagkawala ni Adonis.
At pag naaalala ko kung paano kami nagkakilala,at yung mga masasaya naming araw ay nauuwi ako sa paghagulhol,hanggang sa parang hindi na ako makahinga at papainumin na lamang ako ni Auel ng tubig.
Unang gabi ng burol ay dumating ang tropa,lahat ng nakasama namin sa Isla Fuentebella,maging sina Clive at Yannah.
Nagsidatingan ang mga kakilala at katrabaho ni Adonis kaya tinulungan ako nina Winji,Leer,kuya Uriel at kuya Gradd sa pag asikaso. Kinakausap ako ng mga pumunta,alam daw nila ang tungkol sa amin ni Adonis at nakikita daw nila kay Adonis na masaya pag ako daw ang kausap sa phone,hindi nila ako hinusgahan,napaka bait ni Adonis sa lahat kaya lahat din ay mabait sa kanya at nirerespeto sya.
Dumating din yung Attorney at nakiramay. Masyado akong na over fatigue kaya hindi ko na namalayang nawalan pala ako ng malay.
Sa loob ng tatlong araw ay hindi ako iniwan nina Winji at Leer,maging nina Auel,Kein at ng ipinagtataka ko,si Clive.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...