Isang linggo na ang nakakalipas mula ng may mangyari sa amin ni Adonis. I don't feel like regreting. Nung pag uwi ko nga lang pagkatapos may mangyari sa amin ay halos maiyak ako sa hapdi ng butas ko,and at the same time naisip ko si Clive kung ano ang magiging reaksyon nya kung malaman nyang may karanasan na ako sa mas matandang lalaki. Well hindi sya ganon katanda,he's just 35 and Im 22.
At saka ano namang pakialam ni Clive diba? May sarili syang buhay,may girlfriend sya.
Naisip ko na naman yon,makirot pa din sa puso. Ilang taon ko na bang mahal si Clive? At hanggang ngayon ay hindi pa din nya alam. At hindi na nya dapat pang malaman.
Pagkadating ko sa coffee shop ay sinalubong ako ni Kein at may iniabot na isang bouqet of red roses.
"Sino ba manliligaw mo? Napaka consistent." aniya at iniabot ito sa akin,tinggap ko at inamoy.
"That's a secret." sabi ko at naglakad na papuntang locker room. Isang linggo ng nagpapadala ng bulaklak si Adonis,araw araw walang palya. At isang linggo na ding walang paramdam si Clive.
I should stop thinking about Clive.
Tiningnan ko ang phone ko,walang text galing kay Adonis,busy siguro sa trabaho.
Buong araw akong naging abala,bago kami magsara ay pumasok si Auel. Ngayon lang ulit sya nagpakita after ng insedente kina Kein.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" ang tanong sa kanya ni Kein ng tuluyan na kaming makapag sara,nandito na kami ngayon sa tapat ng kotse ni Auel.
"Nabuburyong ako,walang magawa!" ang sagot ni Auel.
"Edi mag bar ka." sabi ni Kein.
"Ayoko! Nakakasawa." sagot ni Auel at bumaling sa akin. "Kloyy,patambay sa inyo tas inom tayo kahit kaunti."
"Huh? Wala pa akong pera eh! Naka save para sa mga gagastusin ko." ang nahihiya kong sabi.
"My treat! Sige na!" ang pamimilit nya. Hindi naman siguro masamang uminom kahit kaunti.
"Sige na nga!"
"Sama ako! Gusto kong malaman san bahay ni Kloyy." ang pagsali sa usapan ni Kein.
"Oh dali,tara na! Ng makarami tayo!" ani Auel at sumakay na kami sa kotse nya.
Dumaan muna kami sa isang convinient store para bumili ng alak at pulutan. Silang dalawa ang bumili kaya naiwan ako sa kotse. Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot ng makitang si Leer ang tumatawag.
"Kamusta Mr.Uban?" ang agad kong sagot.
"Baliw! I just want to inform you na magkakaroon tayo ng 1week vacation sa Isla Fuentebella. And that is this weekend. Naka ayos na ang lahat at isama mo si Auel,kasama din kasi si Kii at Chibikii." aniya. Napangiti ako.
"Sige,I'll try. Sasabihan ko din si Auel."
"Don't try. Do it! Sige na,pupuntahan ko pa si Ujie sa kwarto nya." at pinutol na nito ang tawag. Napatingin ako sa labas,parating na sina Kein at Auel na nagtatawanan habang bitbit ang mga alak at junkfoods.
"Lets go!" ani Kein ng tumabi na sa akin dito sa backseat.
"Pag nalasing kami Kloyy,pwedeng makitulog?" ani Auel at nilingon ako.
"Sige. Malawak naman ang sala." nakangiti kong sabi. Ngumiti si Auel at pina andar na ang kotse.
Aaminin kong malaki ang pinagbago ko,masaya ako na may mga bagong kaibigan sa katauhan nina Auel at Kein. Si Adonis ba maikoconsider kong kaibigan? Siguro naman oo. Masyado kasi akong tahimik at napaka introvert noon,kaya nga patay na bata ang tukso sa akin ni Leer at Winji nung mga bata pa kami,pero ng makilala ko si Clive,natuto na akong makihalobilo at mag reach out.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...
