This is a collaboration with my friend Ytianity :) magaling yang manunulat! Alam kong kilala nyo sya,dahil sa mga pamatay nyang Stories. Itong collab na ito ay sa story nyang SO INTO YOU. So please,after reading,do what you must do! Haha! Thank you!
To Ytianity,congratulations sa SO INTO YOU mo,happy 300k reads! And goodluck sa final chapter,mwa! :*
===========================
"Oh my gawwddd! Isa paaaa!!" masayang sabi ni Winji ng makababa kami sa space shuttle. Shit lang,hindi na ako ulit sasakay dun!
"Tang ina? Mukhang ikaw lang nag enjoy! Shit,parang humiwalay ang kaluluwa ko!" ani Keejay at pinilig pa ang ulo.
"Hongsorop koyo! Sa condor naman tayo!" maligalig na sabi ni Winji. Wala ng kinakatakutan ang isang to eh!
"Undang na oy! Winji,magpahinga muna tayo,nahihilo pa ako!" ang pagsabat naman ni Clive,naupo kami sa isang bench ni Winji at yung dalawang lalaki ay nakatayo sa harapan namin.
"Oo nga! Takte,para akong tinorture dun!" ang pagsabat ko na din. Nahihilo pa din ako.
"Ang kJ nyo! Kung si kuya Uriel kasama ko hindi ako tatanggihan nun." aniya at nag pout. Ang cute talaga nitong bestfriend ko,hindi mo aakalaing madaming pinagdaanan sa buhay.
"Kain na muna tayo." nakangising sabi ni Clive. Hay,sayang at wala si Leer.
"Tara!" at tumayo si Winji at naunang maglakad palayo.
"Walang pinagbago,hyper pa din." ani Keejay at sinundan si Winji.
"Lets go,ano gusto mong kainin?" at inakbayan ako ni Clive,para akong maiihi,bakit ngayon lang ako nakakaramdam ng mga ganito sa kanya? Siguro kasi ngayon lang sya naging ganito? Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit sya ang minahal ko.
Patawarin mo ako Adonis,pero ngayon lang ito,dahil may girlfriend si Clive,hindi kami pwede.
"Kahit hotdog na lang. Ayokong kumain ng marami." ang sagot ko. Narinig ko ang pag ngisi nya,mas hinapit nya ako palapit sa kanya.
"Kakakain mo lang sa hotdog ko,gusto mo na naman ng hotdog?"
Sinapak ko ng sa braso! Ugh! Ang tigas ng muscle!
"Amaw! Bakit naging ganyan ka bigla? Hoy may girlfriend ka! Tumigil ka nga." inis kong sabi dito.
"Bestfriend naman kita,at may nangyari sa atin. Siguro naman may idea ka na--"
"Tumigil ka! Mali ang mga nangyari!" pagputol ko sa sasabihin nya at agad akong tumakbo papunta kina Keejay at Winji.
Hanggang makauwi ay wala na ako sa mood pero hindi ko pinahalata. Pagod akong humiga sa kama ko at inisip ang mga nangyayari sa aking buhay.
May nangyari na sa amin ni Clive,hindi ko inaasahan yon,pero ayoko namang magpaka ipokrito,nagustuhan ko iyon at lalong tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ayokong makasira ng relasyon.
May nararamdaman na din ba si Clive sa akin? Or it was just simply lust? Tama ba ang ginawa namin? Ugh! Maka labad lang sa ulo pag sigeg huna huna ba.
Pakiramdam ko ang sama sama ko,hindi ko man lang hinintay na matapos ang 40 days ni Adonis,hindi ako karapat dapat sa mana nya. Kailangan hanapin ko ang mga kamag anak niya.
Nasa gitna ako ng pag iisip ng tumunog ang phone ko,it was a text from Kein,kinakamusta daw ako ni maam Emi. Napangiti ako,one of these days dadalaw ako sa coffee shop.
Pumikit na ako,pero tumunog ulit ang phone ko,this time ay tawag na,and its from Auel.
Bakit tumatawag ang mokong na ito?
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...