Kabanata 20
NOTE: This is the point of view if Clive nung nasa Manila pa sya at hindi pa sumusunod sa Cebu.
======================================================
"Ayaw nya ng gulo. Kaya kung san man ngayon si Kloyy huwag mo ng alamin." Ang sagot ni Auel. I just want to punch his face. Ramdam kong gusto niya si Kloyy at nagsisinungaling lang sya sa akin ngayon.
"Hindi ko hilig magsinungaling bro,alam kong alam mo kung nasaan si Kloyy." Frustrated ko ng sabi.
I need to talk to him. Kailangan na nyang malaman ang nararamdaman ko,pagod na akong magpanggap sa sarili ko. Wala na akong pakialam kung pareho kaming lalaki,Ive been pretending for far too long.
"Neither do I. Kinokontak ko din siya pero hindi ko na makontak." Sagot ulit ni Auel.
Napabuntong hininga ako at sumakay na lamang sa kotse ko.
Bakit ba biglang naglaho si Kloyy? Nasan na ba siya?
Napatingin ako sa phone ko,wala na akong ibang choice kundi tawagan yung mga mas malalapit pa kay Kloyy.
"Oh tol? Napatawag ka?" Ang bungad sa akin ng tinawagan ko.
"Tol,Keejay. Alam mo ba kung nasaan si Kloyy? Nagtext ba sya sayo o ano pa man"?
"Bakit? Nasan si Kloyy?" Balik tanong dito nito na ikinabuntong hininga ko.
"Bigla kasi syang nawala eh."
"Bakit hindi mo puntahan si Winji? Sya ang bestfriend. Baka alam nya kung nasaan si Nicolo. Ill give you the address." Natapos ang tawag at nakatanggap alo ng text ni Keejay. Yun ay yung address ni Winji.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang isipin kubg gaano aki katanga na nagpaka duwag at nag aksaya ng maraming panahon. Im such a dumbass.
Masyado akong natakot kasi sa mga magulang ko. Sunud sunuran ako sa gusto nila,at si Yannah at ako ay produkto ng fixed marriage. I like her,minahal ko din sya but everything change mula ng makilala ko si Nicolo. Naging bestfriend ko sya,naging sobrang mahalaga nya para sa akin.
Hanggang sa bigla na lang syang nawala at hanap ako ng hanap sa kanya. Until nagkita kami sa Manila,dun ko narealize na gusto ko sya,nagseselos ako sa mga lalaking naka palibot sa kanya. Pero nahuli na ako dahil dumating sa buhay nya si Kuya Adonis.
Dun ko lalong naramdaman yung sakit,lagi ba kaming nag aaway ni Yannah,hanggang sa narealized kong hindi ko na pala mahal si Yannah. Nagalit sya,gagawa daw sya ng paraan.
At ako naman ay gumagawa din ng sarili kong plano paano makakawala sa fixed marriage.
At nung may nangyari sa amin ni Kloyy,yun na ata ang isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Ganon pala ang pakiramdam oag mahal mo ang taong katalik mo.
"Tuloy po kayo. Nasa loob sila." Sabi ng babaeng nagbukas ng gate pagkatapos ko mag doorbell ng ilang beses.
"Salamat." Iginiya ako nito papasok sa bahay at diretso sa may living room.
"Jewel,sinong tao?" Sabi ng lalaki at lumingon. Si kuya Uriel pala. "Oh Clive? Napadalaw ka?."
"Pasensya na sa abala kuya." Ang sagot ko naman.
"Hayy! Natulog na din si Ujie. Hinahanap talaga nya ang Papu Leer nya---Clive?" Ani Winji na pababa na sa hagdanan.
"Ji." Ang agad kong bati kay Winji. Nagbeso sya sa akin at tumabi kay Kuya Uriel. And I must say,nakakainggit sila,pagkatapos ng lahat ng pagsubok nila,ngayon ay buo sila at mas matatag.
"Magpapa gawa lang ako ng snack." Ani kuya Uriel at nagtungi na sa kusina nila.
"Maupo ka. Anong atin?" Pagkuway sabi ni Winji.
"Pagkatapos namin makipag meet sa kapatid ni Kuya Adonis,hindi na nagpakita si Kloyy,wala sya sa apartment nya,kahit si Kein at Auel ay hindi alam kung nasaan sya. Kaya nagbabakasakali ako na alam mo." Ang mahaba kong sabi. Dumating na si Kuya Uriel,umupo sa tabi ni Winji at inakbayan ito.
Napangiti ako,I never thought na matutulad ako kay Kuya Uriel na nagmahal ng kaparehong kasarian.
"Baka ayaw nya talaga magpakita? I mean Kloyy is a independent person,reserve din minsan. I think he needs time. Hindi lingid sa akin na nag aaway kayo ni Yannah at nadadamay ang bestfriend ko. Ayaw nyang magpakita kasi ayaw nya ng gulo." Straight to the point na sagot ni Winji. Napabuntong hininga ako,tama kasi ang sinabi niya.
"Pero kailangan ko na syang maka usap. I need to tell him everything." Ang frustrated ko na namang sabi.
"Magtatapat ka sa kanya? Dont you think its too late? At saka committed ka pa. Fixed everything first. Thats the right thing a man can do. You cannot just came in here bargging and telling us that your inlove with Kloyy kung committed ka pa. I'll tell you,masakit sa pakiramdam ang nasasaktan mo ang taong mahal mo. At yun yung mga bagay na ayaw ko ng maranasan ni Winji o ng kahit sino pa mang katulad nila. Hindi pwede yung narealized mo na lang na mahal mo siya. When in fact,mahal mo na siya sa simula pa lang." Mahababg sabi ni Kuya Uriel.
Natahimik ako,kasi totoo at nasapul ako. But that wont change my plan na makausap si Kloyy. Im this eager and no one can stop me.
"Eto na ang meryenda." Sabi nung babae na nagbukas ng gate kanina. Nilapag nito sa lamesita ang mga pagkain.
"Salamat ate Jewel!" Maligalig na sabi ni Winji at mas nauna pang kumain sa amin.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na din ako. Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung nasaan si Kloyy.
Hindi kaya ginawan siya ng masama nung kapatid ni kuya Adonis? Anong pangalan nun? Kiarr ata. Pero imposible,mukha namang mabait ang isang iyon at mukhang hindi naman sya gahaman sa pera para gawan ng masama si Kloyy,nagkasundo na sila sa hatian nung unang meeting oa lang.
Nang makarating sa bahay ay pagod na ako. Tiningnan ko ang phone ko at may text mula kay Papa. Hindi ko ito binasa dahil baka lalo lang akong ma pressured.
Humiga ako sa kama at ini on ang tv gamit ang remote. Sakto balita agad ang bumungad sa akin.
"Sa balitang vizayas,isang planta ang sumabog sa Cebu at nadamay ang mga may ari nito na mag asawang Bandolon. Ngayon ay nasa ospital na sila at nagpapagaling...." agad kong pinatay ang Tv at napabalikwa ng bangon.
Bandolon? Baka mga magulang ni Kloyy yun. Baka nasa Cebu sya! Kailangan kobg magmadali.
Kinuha ko ang bag ko at naglagay dito ng mga damit. Uuwi na ako ng Cebu,nandun si Kloyy at kailangan nya ako. Kailangan ko na din tapatin ang mga magulang ko,wala ng dapat masayang na panahon.
Ngunit pagbukas ko ng pinto ay sumalubong si Yannah. Umiiyak kaya agad ko siyang niyakap.
Pero sana hindi na lang pala,sana mag isa na akong tumuloy para hindi ko na nalaman ang mga nalalaman ko ngayon.
Pinilit kong huwag umiyak habang tinitingnan ko ang papaalis na kotse ni Kloyy. Akala ko okay na,ngunit naka gawa na naman sila ng panibagong kulungan at busal para sa akin. Buntis si Yannah,at nalaman kong lubog na kami sa utang at ako ang pambayad na dapat ikasal kay Yannah.
Nung araw na may nangyari sa amin ni Kloyy at nagka ayos kami,umuwi ako at sinabi ko sa mga magulang ko ang lahat. Lumaban ako,pero lahat nawalan ng saysay.
Mapapahamak si Kloyy at ang pamilya nya pag hindi ako nagpakasal kay Yannah. At gusto ni Yannah na durugin ko ang puso ni Kloyy sa harapan nya.
I just did it. I killed my happines,I broke my heart,I broke Kloyy's heart.
Hindi dahil sa sunod sunuran ako,kundi dahil mahal ko sya,ayaw kong may mangyari sa kanya at sa pamilya nya. Kahit sobrang sakit ay ginawa ko.
Even if it means I also died when I broke his heart.
Mapatawad mo sana at maintindihan ako Nicolo.
- Musta? Masaya ako na dumadami na ulit ang nagbabasa at nagko comment dito. Btw,kilala nyo pa ba si Winji at kuya Uriel? Abangan sila sa libro :)
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
General FictionBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...